Chapter 23: The Checklist

4K 76 2
                                    

"Aba ang ganda ata ng gising natin ngayon ah!" Palahaw sa akin ni Vincenzo. Agang aga! Pepestihin na naman ako nitong kumag na ito! "Mukhang okay na kayo ni Christine."

"Possibly" sabi ko dito nang hindi natingin sa kanya. Letse ginugulo niya lang ako. Napahilot na lang ako sa sentido ko.

Umupo ito sa visitor's chair. "Halata naman pars! I mean ilang araw ka kayang late o kaya naman ay absent. Mukhang napupusuan mo na makasama siya palagi."

Totoo... hindi ako magsisinungaling sa part na iyon. Masaya ako kapag kasama siya pakiramdam ko, ako talaga angnasa katawang ito. "Ihhh nangiti siya!"

Binato ko siya ng ballpen. "Manahimik ka nga! Kung lolokohin mo lang ay ay mas mabuti pa na lumabas ka na lang."

"Ito naman barino agad! Sabagay ano bang bago? But anyway, mukha ka namang masaya na sa lovelife mo, bakit hindi mo pasalamatan ang asawa mo."

"Ha? What do you mean?"

"Anong 'what do you mean?'?" Salita nito na para bang ginagaya ako. "Malamang pasayahin mo ang asawa mo, take her on a date or something. Buy her gifts. Ikaw na rin mismo ang maysabi na malapit nang matapos ang kontrata niyong dalawa, bakit hindi mo siya pasayahin kahit pansamantala lang?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Naalala ko na halos magdadalawang linggo na rin nung bumalik sa akin si Christine pero wala pa rin akong nagagawang maganda para sa kanya. Palagi niyang sinasabi sa akin na masaya siya pero gusto kong gumawa ng maayos na sorpresa para sa kanya. "En—"

"VINCE!"

"Okay! 'Vince' ano ba ang magandang gawin?"

"Fvcker! Nagkajowa ka tapos hindi mo alam ang gagawin mo?!"

"Hindi naman sa ganun! Magkaibang magkaiba kasi si Christine at si Aliyah at paniguradong magkaiba din ang mga gusto nila, kaso ang problema, hindi ko alam ang mga bagay na ayaw at gusto ni Christine."

"Well... kung gusto mo talagang malaman, try to investigate, might as well magtanong ka sa kanya. Kasi wala naman din akong maibibigay na information sa iyo kasi hindi ko naman asawa yan. Magdoble effort ka naman para sa kanya."

Tama... may pakinabang naman din talaga itong si Enzo. Medyo tarantado lang talaga. Napansin ko na lalabas na muli si Vincenzo sa office ko. "Where are you going?" Tanong ko sa kanya

"Sa impyerno, sama ka?"

"Fvck you!"

Napatawa ito ng mahina. "Nah. I'm going to smoke outside. Want to come?"

Napailing na lang ako kaya dumiretso na ito papalabas.

***
CHRISTINE

"What?! Seryoso?! Ayos na kayo ni Adriel?"

Natatawa ako sa reaction ni Esther. Hindi kasi siya makapaniwala na nagbabago na si Adriel. Sa mga taon kasi namin na pagsasama ay mas paniniwalaan niya pa daw na magkakaroon ng time machine kaysa ang paniwalaang magbago si Adriel. "Oo ang sama mo sa kanya!" Tawa ko dito. "Nagbabago na si Adriel. Mas maganda na rin yun."

Ilang araw na rin simula nung nakauwi kami sa Cavite. Kaya ito balik na ulit sa umpisa. Simula din nung araw na pumasok ako sa opisina ay napansin ko na naging mabait din ang ilang kasama ko sa opisina, siguro kasi asawa ako ng CEO pero naawkwardan nga ako minsan kasi ang tawag sa akin ay Mrs. Dimaano. Hindi pa ako sanay na tawagin na ganun. Ni hindi na rin sila makapagutos sa akin kahit sina Leanne at Paola.

"Ito naman! Syempre hindi kasi ako makapaniwala. Seriously! Kinurot ko naman iyong sarili ko kanina ko ibig sabihin ay totoo ang lahat ng mga naririnig ko sa iyo. Ang weird talaga."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unfortunately Married to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon