Chapter 21: Changed

4.1K 73 0
                                    

CHRISTINE

Pagkagising na pagkagising ko ay nakaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo ko

"Ahhhhhhh!!!" Sigaw ko sabay sapo sa ulo ko. Shuta! Ganito pala ang pakiramdam ng lasing... parang binabarena ang utak. Sa susunod, ipapaalala ko sa sarili ko kung bakit hindi na ako dapat uminom.

Wala naman siguro akong ginawang kahihiyan kahapon di ba? Tama naman... diba?

Napatingin ako sa paligid ko. Teka, wala ako sa sofa ah? Kanino ito? Syete! Kay Adriel ito. Shuta! Nakakahiya! Nagpunta ba ako dito magisa?! Ginulo ko ba si Adriel?! Nakakahiya!!!

Nagulat ako nang biglang pumasok si Adriel ng kwarto niya at hingal na hingal ito. "What the hell happened?!"

"Naglasing ba ako kahapon? Wala naman akong ginawang katangahan diba? Tsaka ginulo ba kita? Bakit ako nandito?"

Napatawa siya ng kaunti. "Hey-hey... calm down. Wait here I will just get something." Bumalik siya sa kusina at parang may kinuha. Pagkabalik niya ay may dala siyang isang tray ng pagkain. Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang tray sa hita ko. "Remind me not to let you drink again." Sabi nito at napatawa.

"Syete! May nagawa ba ako kahapon?!"

Ngumisi ito. "Wala naman. Pero kung meron man, it's for me to keep."

Ramdam ko na naginit ang mukha ko. Nakakahiya... Hindi ko na kayang magpakita kay Adriel matapos ang mga bagay na nagawa ko sa kanya. Bakit wala kasi akong maalala?

"These foods may somehow relief your headache" sabi nito sa akin kaya napatingin ako sa tray. Sa tray ay nakita ko ang isang bowl ng sopas at isang tasa ng kape. "Sobrang lasing ka kahapon kaya wala akong choice kung hindi ang buhatin ka papunta sa kwarto. Hindi naman kita matitiis kung dun ka pa matulog sa sofa, I prefer you here. Para naman mabantayan kita."

Nakatingin lang ako sa kanya habang ipinaghahanda niya ako. Nung sinabi ba ni Adriel na magiging asawa na siya sa akin, ito ba ang ibig sabihin niya? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito.

Bakit ka ganito Adriel? Lord wag mo na akong gisingin.

"Hey wag mo akong titigan, baka matunaw ako" sabi niya na naging dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Bakit ka ganyan?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

"Huh? What do you mean?"

Napalunok ako "What I mean is parang ang bait mo ata? Hindi mo ako pinatulog sa sofa at dito mo ako pinatulog sa kwarto mo.... Ah nevermind..."

"Oh? I get it. You are asking why am I acting this way?" Napatungo siya pero agad din siyang humarap sa akin "Do you remember the things that I've done wrong? Lahat ng yun pinagsisihan ko. I was wrong I know, gusto ko lang bumawi bilang kaibigan mo"

I appreciate that Adriel is trying his best. "Eat your breakfast. Hindi ka na muna papasok sa office ngayon"

Tumayo siya pero pinigilan ko siya agad. "Seryoso ka ba? I mean papaano ang trabaho sa office? Kasalanan naman namin kung bakit kami nagkakaganito, for sure unfair kung si Paola at Leanne ay papasok tapos ako nandito, nagpapahinga. Tsaka paano ka? Paano na lang yung trabaho mo sa—"

"It's okay. I can take care of it. Besides, you are the wife of the CEO, I can decide for my wife and I ordered her to be here, and take a rest so please? Listen for a while okay? I will be back before you know it."

Hindi na ako nakasagot pa. Damn... kinikilig ako amputs! Nakaoffice attire na siya at para bang wala talaga siyang balak na isama ako ngayong araw.

Unfortunately Married to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon