Prologue

599 15 2
                                    

"It is not in the stars to hold our destiny but in ourselves," sabi ni Einstein.

Tapos may teorya ng eksistensyalismo, "Tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran."

Pano kung lahat ng nangyayari sa'yo ay wala sa plano mo?

May magagawa ka bang baguhin ito?

Paano kung mas lumaki ang problema mo?

Anong gagawin mo kung ang mga kakaibang pagbabago sa plano mo ay nagustuhan mo na?

Susundin mo pa ba ang plano o ang nararamdaman mo?

Pano na lang kung ang plano mo ay nasira ng lahat ng nangyaring pagbabago?

Pero minsan, parang nagbibiro ang mundo dahil kung sino pa yung hindi mo pinagplanuhan ay siya pa palang handang sumalo sayo.

Pero paano kung may pagkakataon ka naman? Di mo nga lang alam kung ano ang pipiliin mo?

Magdedesisyon ka ba o hahayaan mo na lang na kapalaran mo ang magpasya?                    

O baka naman pinlano ni God na sirain ang plano na pinlano mo dahil may mas maganda siyang plano na pinaplano para sa plano mo na plano din ng taong pinagplanuhan mo na may plano din sayo?

Naintindihan mo ba yung sinasabi ko o puro plano na lang yung naintindihan mo?

Hindi ko na din maintindihan ang lahat.

Ang alam ko lang, may dahilan ang lahat kung bakit nangyari to.

May plano na Siya at maniwala ka sakin, yung plano Niya ay para sa'yo at bago ka pa isilang,

"It's been written in our stars".

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon