Chapter 4 - Choco and Jelly

237 15 0
                                    

Reery's POV

"Pwede bang makishare ng upuan?"

Muntik na kong mabulunan nung may nagtanong sakin nun. Kilala ko yung boses na yun. Di ako pedeng magkamali. Simula first year, musika na sa tenga ko yang boses na yan. This is so not happening. Tinanong ako ni PIERREEEEEE. <3

Nakakausap ko naman si Pierre pero madalas pag tungkol lang sa klase. Kaklase ko siya pero hindi kaibigan. Kaya naman nagtaka ako ng kausapin niya ko. First time ata niya kong kausapin ng casual at nakangiti pa siya. Pero okay lang, hindi lang naman kasi sakin siya ganun. Halos sa lahat ng babae kaya okay lang.

Ilang segundo din ako natigilan, hindi ako makahinga. Kailangan ko ng tubig. I can't... breath... LITERALLY. May asthma nga pala ako. Hindi ko nasabi sa inyo.

"Huh.. Huhhhh." habol na habol na hinga ko. Hindi na ko makahinga. Wala ata akong dalang inhaler. Shoot. Bakit ngayon pa? Inatake lang ba talaga ako ng asthma ko o gawa to ni Pierre. Napansin na ata ni Pierre na di ako makahinga.

Bigla akong pinainom ni ACE ng tubig. Oo, si Ace. Magkasama sila. Meaning pareho sana silang makikishare sakin ng table kaya lang di ko nasagot yung tanong.

"Reese, tubig oh." sabi ni Ace sakin. Grabe. Di ko na talaga siya napansin kanina. Masyadong nakuha ni Pierre yung atensyon ko.

"Ree!" sigaw ng mga bestfriends ko. Nakita kong palapit na sila. Nabitawan na nga nila yung order nila eh.

"Okay ka lang? Yung inhaler mo?" hindi ko maexplain yung pagkakasabi ni Andy. Alalang-alala sila. Alam kasi nilang hindi maganda to.

"An..dy, di ako.. makahinga...." putol putol kong sabi.

Nagulat na lang ako ng may bumuhat sakin. Pati sina Andy nagulat. Oo, dadalhin ako ni Ace sa clinic ng buhat-buhat. Lagi namang may nurse dito kaya sure akong magiging okay ako. Pero ang di ko sure ay kung magiging okay ang puso ko. Akala ko si Pierre yung makakaisip nung ginawa ni Ace. Kasama naman siya sa clinic pero...

Nag-nebulizer na ko at ngayon? Nakakahinga na ko ng ayos. Pinuntahan na ko nina Joeey. Nina Pierre.

"Okay ka na Reery?" Nakangiting tanong ni Pierre sakin. Wait. Parang hindi na naman ako makahinga. This time hindi na dahil sa asthma. I can't breath...

"Okay na..." Ngumiti din ako. Tapos siniko niya si Ace na nasa kaliwa niya. Hindi ko na naman napansin si Ace.

"Kamusta ka na Naveen?" sabi ni Ace sakin. Naveen?

"Naveen? Reery na lang. Nahawa ka siguro kay Ma'am P." sabi ko dahil walang natawag sakin ng Naveen. Haha.

"Ah sige, ayos ka na? Nag-alala ako. I mean, kami." napakamot siya sa ulo niya. Hindi ko na inintindi sinabi niya. Lumabas na kami. Nauna ako.

May sumabay sakin. Ineexpect ko si Pierre. Pero si Ace pala.

"Thank you nga pala Ace. :)" nginitian ko siya.

"You're welcome Reese Naveen Avery Salazar!" buong pangalan talaga? Haha. Gantihan ko nga. Haha. Magaling din naman ako sa mga pangalan.

"Buo talaga Arkin Carlisle Easton Romero?"Haha. Mukhang nagulat siya na alam ko yung pangalan niya. Magaling talaga ako sa ganan eh. Pati nakikinig naman ako kanina. Namention niya pati kasi na pinsan niya si Pierre.

"Nice meeting you personally." Personally?

"Personally? Anyway, nice meeting you too. :)) Thanks for bringing me in the clinic."

"Welcome. Sabay na tayo pag-uwi." yaya ni Ace sakin.

"Sige." Pumayag na ko. Hindi nga pala ako sinusundo ni kuya pag hapon dahil paiba-iba ang sched niya at minsan naman inaantay niya pa si ate Marge at dumidiretsong date. <3

Lumingon ako at magpapaalam na sa aking mga bestfriends at kay Pierre. Napansin ko wala na pala sila. So, all this time akala ko nasa likod lang namin sila. Kami na lang pala ni Ace.

"Kanina pa sila umalis."sabi ni Ace dahil napansin niya atang may hinahanap ako.

"Ahh.Tara na." Yaya ko sa kanya kasi parang medyo naging awkward.

"So, pano kayo naging magpinsan ni Pierre?" pag-oopen ko ng topic dahil parang tumahimik siya.

"Ah. Haha. Magkapatid si mommy at si tito Ferdie, yung tatay ni Pierre. Actually, hindi lang sila magkapatid..." sagot ni Ace.

Grabe. Binibitin ako nitong si Ace. -_-

"Tapos?" halata na sa boses ko yung pagkaexcite sa susunod niyang sasabihin.

"Hindi lang sila magkapatid dahil... KAMBAL sila.:)"

Napa-ehh ako sa sinabi ni Ace.

"Eh?!" Kaya pala parang hawig sila ni Pierre. Gwapo si Ace actually, gwapo din kasi si Pierre.

"Oo. Parang gulat na gulat ka eh." Natatawa niyang sabi. Kitang kita kasi sa mukha ko na nagulat ako sa sinabi niya. I mean, hindi naman imposible pero rare lang talaga kasi yung ganun. Someday, gusto ko ng mga anak na kambal. :))))))))

"Bihira kasi yun. Pssshhh." Para kasing tawang tawa siya sa reaction ko.Napa pssh tuloy ako. Mabilis kasi ako magtampo...

"Anla Ree. Galit ka na? Sorry na. Reese's oh." Sabay naglabas siya ng reese's. Favorite namin to ni mommy.

"Haha. Di ako galit no. Thank you dito." Di ko napansin na nasa may tapat na kami ng bahay namin. May 20 mins. din kasi pag nilakad simula school hanngang samin. 15 minutes pag sakay.

"Nandito na pala tayo. Gusto mong pumasok muna?" Niyaya ko siyang pumasok muna para makapagmeryenda. Dahil alam kong gutom na yun. Di din kasi sila nakakain kanina dahil nga sa inatake ako nga asthma ko.

"Sige wag na. Thank you Reese. Kainin mo yang sarili mo ha?" Huh?!

"Ano?!"

"Yang REESE's kainin mo. Ikaw yan diba? Ang slowww." Ah. Medyo slow talaga ako.Mabagal magprocess yung utak ko eh.

"Edi slow na nga. Sorry poooooo." Haha. Hindi naman ako nagtampo dito kasi alam ko namang slow talaga ako. :D

"Sige. Bye na choco!"

"Choco?" nagtataka talaga ako. Sino na namang choco to?

"Ikaw. Reese. Chocolate yun diba? Kaya choco. Ang slow mo talaga, Hahaha. Pumasok ka na. See you bukas." sabi niya bago siya tumalikod.

Tinawag ko siya kahit medyo malayo na siya, "JELLY!!!" sigaw talaga yan dahil sanay na naman akong sumigaw. Haha.

Lumingon siya. Nagets niya? Edi siya na ang hindi slow. -.-

"Ano yon choco?"

"Thank you ulit. Pakisabi din kay pierre ha? See you bukas!" kumaway na lang siya ng nakatalikod. Humarap naman siya eh pero nung namention ko si Pierre, tumalikod na. Anong problema nun? Okay di ko na naman nagets. -_-

Pagpasok ko may nagvibrate sa bag ko. Cellphone. Oh may cellphone nga pala ako. Hehe. Nakalagay eh, "Sasabihin ko choco..."

Pano nakuha ni jelly ACE yung number ko. At anong sasabihin niya? Tamo. Slow na nga makakalimutin pa. Haha.

Nagreply ako. "Jelly? Anong sasabihin mo? Haha."

Narealize ko lang yung tinutukoy niya nung mabasa ko na yung reply niya. Haha.

Author's note

Hello. Sorry sa maikling update kanina. Sorry din po dahil maikli din to. First day pa lang naman po ng klase. Marami pa pong mangyayari.

Eto na si choco at si jelly. Medyo nasloslow din ba kayo? Haha. Gusto niyo na po ba ng POV ni Ace? At bakit parang matagal na niyang kilala si Reese. Nice meeting you, personally.

Thank you sa pagbabasa niyo. :)))

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon