Chapter 5 - Ace's Memories

185 10 3
                                    

Andy's POV

"Ree!" napasigaw na kaming tatlo. Nabitawan na namin yung binili naming meryenda.

"Okay ka lang? Yung inhaler mo?" Grabe. Hindi ko mapigilang kabahan. Eh kasi nung grade 5, inatake din siya at dinala agad siya sa ospital.

Nakita kong nandun si Pierre at Ace... Napainom na ni Ace ng tubig si Ree pero hindi parin siya okay. Sumagot siya ng parang malalagutan ng hininga.

Nagulat ako ng biglang may bumuhat kay Ree. Dinala siya sa clinic. Oo. Buhat siya ng transferee na parang alalang alala sa kalagayan niya. Sino ka ba talaga Ace? Anong ibig sabihin ng pinapakita mo kay Ree?

Hindi kasi ako slow na tao. Kung anong slow niyang si Ree, kabaligtaran ko. Mabilis akong makahalata ng ganan. Kaya kung may tinatago man yang si Ace, malalaman ko din yan.

ACE's POV

Pinakialaman ko ang fb ni Pierre. Nag status ako. Haha. Nilike niyaaaaaaa.

"Pierre, excited na ko bukas! Makikita ko na siya ulit." Ulit. Kasi nagkita na kami dati. Di ko lang sure kung kilala niya pa ko.

Mga 5 years old kami nun. Nasa dept. store kami sa states. Nakita ko siya umiiyak. May pinapabili siya eh. Di ko alam kung bakit di siya ibili nun. So ang ginawa ko, binili ko yung gusto niya at hinila siya palayo tutal busy yung mommy niya nun sa pamimili. Tapos yun, kinain na namin yung gusto niya. Sobrang saya nya nun. First crush that turned into first love ko si Reery, yun yung nabanggit niya sakin na pangalan niya. Hinanap na siya ng mommy niya kaya hinatid ko siya pabalik. Nagbabye siya sakin at di ko na nakita ulit ng personal. Pero bukas. After 10 years, makikita ko na uli siya. Pero naaalala pa kaya niya ako?

Ako talaga ang nagdesisyong umuwi ng Pilipinas. Kinumbinsi ko si mommy. Sabi ko na lang na namimiss ko na talaga ang Pilipinas. Tumira ako kasama ng pinsan ko, si Pierre. Kambal si mommy at ang daddy ni Pierre. Sobrang close namin nyan. Parang kapatid na ang turingan namin eh. Alam ko din na kaklase niya si Ree. Nakikita ko sa fb niya yung mga tagged photos sa kanilang dalawa. Wala silang picture na silang dalawa lang. Hindi naman kasi mahilig sa babae tong si Pierre pero ang alam ko may gusto siya. Torpe to eh. Kahit sakin di niya sinasabi kung sino eh. Ang swerte ng babaeng mahal nito. Kasi kung pano ko mahal si Ree. Parang ganto din kamahal ni Pierre yung babaeng gusto niya.

"Ahh. Sige. Tulog na ko." sagot lang ni Pierre sa napaka hyper kong energy. Anong problema nun? Baka pagod lang. Haha.

Hay Ree. Makikita na ulit kita bukas. <3

*sa school

Ang laki naman nitong Ashford Bethel College! Pero di naman ako maliligaw kasi kasama ko tong si Pierre na dito nag-aral simula first year.

Bat pinagtitinginan kami? Ganto ba talaga kapag transferee? Ang daming babae sa dinadaanan namin. Lumilingon lingon ako kasi baka makita ko si Ree. Pero wala. Hanggang sa nakarating kami sa room.

If the heart is always searching

Can you ever find a home?

I've been looking for that someone

I never make it on my own

Yes. Music is my world. Masaya ako kapag nakakarinig ako ng music. Kaya naka headphones ako ngayon. Wala pa rin si Ree. Alam kong kaklase ko siya dahil kaklase ko din si Pierre eh magkaklase na sila since first year.

Dreams can't take

The place of loving you

There's gotta be a million reasons

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon