Chapter 9 - Confessions of Pierre Rodriguez

124 7 21
                                    

Pierre's POV

"...wag na wag kang mahuhulog sa kanya."

Nabigla ako sa sinabi ni Ace. Hindi ko akalaing nagkakaganto siya nang dahil kay Ree. Hindi naman siya ganito eh. Ang selfish niya masyado para sabihin yun.

Pero naiintindihan ko siya. Naging selfish na din naman ako dahil kay Ree...

Nagtataka kayo kung bakit? Oo, matagal ko na ding gusto si Ree... I fell inlove with her since the moment I saw her. The moment WE saw her. I only saw her but Ace? He met her...

Mga 5 years old ata kami nun, naggrocery kami nina tita. Namimili kami nun nang biglang nawala si Ace. Nag-ikot-ikot ako at hinanap ko siya. Tapos, nakita ko siya sa may cashier. May binili siya na powdered na pagkain tapos nakita ko siya na lumapit sa batang babae na umiiyak. Kaedad lang namin siguro yung bata. Ang ganda niya, para siyang anghel. Gustong-gusto kong lumapit sa kanila ni Ace pero ewan ko kung bakit hindi ako makagalaw. Hindi ako makalapit. Parang kinakabahan ako tapos nakita ko naman na masaya yung bata habang kasama si Ace...

I wish I could turn back time. So I was able to move towards them. But until now, I'm the man who can't be moved. I can't stop my feelings for her even though I know that my cousin loves her.

Maya-maya, nakita ko na hinatid ni Carl, I mean 'Ace' yung bata. Oo, Carl talaga tawag ko sa kanya dati kasi yun ang tawag ni tita sa kanya. Pero nung nag-elementary kami, Ace na ang tawag sa kanya. Ang nagbigay pa nung palayaw sa kanya eh yung mga kaklase naming babae. Hearthrob yang si Ace. Tapos sobrang talino pa. Kahit madalas kaming maikumpara, never kaming nagkagalit dahil sa inggit sa isa't-isa.

Pagkahatid niya, bumalik na siya samin. Kunwari hindi ko alam kung san siya pumunta...

"Carl, where have you been?"

"Dun lang Pierre. May nakita kasi akong batang naiyak. Hindi kasi siya binili nung mommy niya. So, I bought her what she wanted. She's so pretty and nice. I like her." Grabe. Sobrang saya ng pinsan ko...

Ngayon ko na lang uli sya nakitang masaya. Simula nung namatay si tito Christian, yung daddy niya, parang nawala yung masayahing siya. Mag-aapat na taon pa lang si Ace nung namatay si tito. Sobrang close nila kaya nung namatay ito, parang namatay na din ang pinsan ko.

Kaya simula nun, pinakiusapan ni tita Amanda(mommy ni Ace na kakambal ni daddy) si daddy na kung pede eh dalasan namin ang punta sa kanila para daw maaliw ko si Ace at bumalik na sa dating siya.

Ginawa ko ang lahat para makamove on si Ace sa pagkamatay ng daddy niya. Lagi kaming magkasama kaya nga higit pa sa magpinsan ang turingan namin eh, parang magkapatid. Pero parang kulang pa rin talaga. Alam kong hindi pa rin siya handang bumalik sa dating siya.

Pero after the grocery moment? Ngumiti na din siya. At nagpapasalamat ako sa batang yun dahil after Ace's dad's death, napatawa ulit si Ace. Ang saya saya ko nung nakita ko yung pinsan ko na masaya. Ayoko ng bumalik siya sa dati.

"Ahh. I'm so glad that you made someone happy. What's her name, Carl?" I need to know the young girl's name. I need to find her. I don't know if it's for my cousin or for myself...

"Her name's Reery. Beautiful name, isn't it? It fits her. She's also beautiful. I hope it's not the last time that I will see her. And oh, you should meet her, too." sabi ni Ace na todo ang ngiti. Kitang-kita ko ang epekto sa kanya nung bata. Hindi naman ako nagtaka kung bakit ganun kasaya ang pinsan ko. Dahil kahit ako, nakita ko lang yung si Ree ay sobrang saya ko na din. Lalo na siguro siya na nakausap at nakilala yung bata.

Kahit lumilipas ang maraming taon, hindi nawawala yung feelings ko kay Ree. Totoo ata yung love at first sight. Pero alam kong hindi magiging madali ang lahat, bakit ba pareho kami ng nagustuhan ni Ace?

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon