Chapter 11 - Class Election Objection

111 4 2
                                    

Ace's POV

"Eh kasi..." Yan. Tinatanong ni Ree kung bakit kami magkakilala ng kuya niya. Binibitin ko talaga siya lagi kasi mas gumaganda siya pag naiinis. Kung pede ko lang syang inisin lagi eh ginawa ko na. Haha.

Tapos biglang dumating si Ma'am P, hindi ko tuloy nadugtungan yung sasabihin ko. Akala ko wala kaming klase ngayon. Oo, first subject namin ang English.

"Good morning, Nucleon. Today will be the election for the class organization. Pierre, as the president of this class for the past 3 years, you precide." sabi agad ni Ma'am P pagkapasok niya.

Si Pierre pala ang president since first year? Sabagay, kahit naman nung magkaklase pa kami sa US. Madalas siyang nasa class organization. Napakaresponsible kasi niyang tao.

Tapos, tumayo na si Pierre. Nakita ko tong katabi ko, kilig na kilig. Nakiraan kasi sa harap niya si Pierre. Kung kiligin naman, parang artista ang nakita eh. Bakit ba hindi ka kiligin ng ganan sakin Ree?

"The table for the nomination of Class President is now open." sabi nung pinsan ko na matutunaw na dahil sa titig nitong katabi ko. -.-

"I respectfully nominate Pierre Alexander Rodriguez for class president." narinig kong sabi nung babae na kilig na kilig pa.

"I move that the nomination be closed."

"I second the motion." What?! Agad-agad? Kahit walang kalaban?

"It has been moved and seconded. So, the class president for this year is no other than Mr. Rodriguez." sabi ni Ma'am P. Wala man lang nakontra. Magaling siguro talagang leader si Pierre.

"Thank you for your trust. I assure you that I will do my duties and responsibilities as class president." nag speech pa si Pierre sa harap ng klase.

"You're welcome!" malakas na pagkakasabi ni Ree. Napatingin sa kanya yung buong klase. Ano ba naman kasing ginawa niya?!

"...Ace! You're welcome Ace. Hahaha." Aba! At nagpalusot pa ito. Haha. Anong gagawin ko? Lahat sila nakatingin sakin. Inaantay nila yung sagot ko.

"Haha. May hiniram kasi siya at nagthank you diba Ace?" nakita ko siyang tumingin sakin na parang sinasabing 'Sumang-ayon ka please. Wag mo kong ilaglag'.

"Right. Nanghiram ako... at nag thank you..." sabi ko habang nakatingin kay Ree. Nakatingin pa rin siya sakin. Wala naman akong balak ilaglag siya. At kung malaglag man siya eh handa naman akong saluhin siya.

"Okay then. Let's continue." sabi ni Pierre kaya napatingin na kami sa kanya. After nun, may bumulong sakin...

"Thank you so much Ace. Salamat dahil di mo ko pinabayaan. Kundi napahiya na ko sa harap ni Pierre." wala lang yun Ree. Marami pa kong kayang gawin para sa'yo. At hindi talaga kita pababayaan. Pero para kay Pierre na naman pala.

"Anong thank you ka dyan? Ililibre mo ko. Haha." Ang sarap asarin nitong taong to.

"Oo na. Mamayang recess. :)" Srsly? Tapos ngumiti pa siya. Ano ba yan? Bat ako kinikilig? Nakakainis naman eh. Kalalaki kong tao eh. -.-

Tapos nag election na ulit at parang ngayon ko lang nakita yung iba sa mga kaklase ko. Patapos na eh, muse at escort na lang.

"I respectfully nominate Reery Salazar." sabi nung nanalong treasurer, si Derrain. Lalaki siya, siguro magaling to sa math kaya sya ang nanalong treasurer.

"I object!" Aba. At sumigaw na naman tong katabi ko. Ano ba't lagi tong sumisigaw?

"Ma'am, no. Gustong-gusto niya nga po eh." Sabi ko tapos pinaupo ko siya at bumulong..

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon