Chapter 10 - Flashback Friday

114 7 6
                                    

Reery's POV

Yes! Thank God It's Friday! Sobrang ganda ng gising ko ngayon dahil naalala ko na naman yung nangyari. Pumayag si Ace na tulungan akoooooooo!

Grabe. Sobrang kinabahan ako nun. Nakakahiya din sa kanya sobra dahil kakikilala lang namin tapos humingi agad ako ng favor sa kanya. Buti na lang mabait siya at parang magaan yung loob ko sa kanya. Pero parang hindi yung first day ng klase ang una naming pagkikita eh...

Pero imposible, galing kaya yung US. Umm, tumira din naman ako sa US pero parang malabo namang nagkita kami dun. Hindi naman kasi ako palalabas nun. Dito lang ako naging palakaibigan at naging sociable.

Hindi ko nga pala nasabi, homeschooled ako sa America. Ewan ko, takot yung mga magulang kong malayo ako sa paningin nila eh. Wala nga akong naging kaibigan dun eh. Maliban na lang dun sa batang nakita ko sa grocery nun.

Nagtataka kayo kung bakit di ko malimutan yung bata? Siya kasi yung taong nagpatunay sakin na kaya kong magkaron ng kaibigan. Lagi kasi akong bantay na bantay dati. Masyado silang 'overprotective'. Siguro gawa nung asthma ko. Minsan, sa sobrang pagproprotekta nila sakin, nasasakal na ko. Isa siguro yun sa dahilan kung bakit sumama ako dito sa Pilipinas. I want to be independent. I want to be free. I want to enjoy life the way I didn't in my childhood days.

Alam ko pati na hindi makakasama si mommy at daddy dito dahil sa business namin dun. Si kuya Rob naman, he protects me but let me do what I want to do. Hindi niya ko pinagbabawalan na gawin kung anong gusto ko. Kaya sobrang mahal ko yang kuya kong yan eh! :D

Speaking of kuya, narinig ko na yung boses niya sumisigaaaaaaw...

"Reeeeeeeee!" yan. Sigaw na naman. Naalala ko tuloy na hinihintay na nga pala niya ko. Ihahatid na kasi niya ko dahil baka daw malate ako. Haha. Sanay na kami niyan sa sigawan. Hindi nga bagay sa itsura niya yung pagiging loud eh.

"Andyan na kuyaaaaaaa! Wait lang." Yung 'wait lang' na yun ay tumagal din ng limang minuto. Haha. Sorry. Mabagal talaga akong kumilos.

"Finally. What took you so long Choco?" Chocooooo? What is he talking about? Don't tell me na nabasa niya yung pinost ni Ace sa wall ko? Haaaayy. -.-

I'll try my best to help you, Choco. :)

Ayan. Nagpost kasi si Ace sa wall ko nung gabi na sinabi ko sa kanya yung plano ko. Nakita tuloy ng lahat yung tawag niya sakin. -.-

Nasa kotse na kami ni kuya pero patuloy pa rin niya akong inaasar kay Ace. Boto daw siya dito para sakin. Kuya naman eh. Hindi siya ang future brother-in-law mo no. Haha.

"Stop it kuya. Hindi naman kasi talaga. Haha." Natatawa talaga ako sa kanya. Kami ni Ace? Haha. Hindi ko maimagine, ang naiimagine ko eh kami ni Pierre. Pag naging kami ni Pierre, ako na ata ang pinakamasaya... Kasi naman, siya talaga yung taong gustong-gusto ko. Siya yung unang naging kaibigan ko. Oo, si Pierre yung bata sa grocery. Pagkakita ko sa kanya nung first day, nakilala ko agad na siya yung bata. Kamukhang-kamukha niya kahit na lumipas na ang maraming taon. Hindi ako pwede magkamali. At pinatunayan niya naman yun...

*Flashback (First day of highschool)

Naglalakad ako nun sa corridor ng Ashford Bethel College tapos may nakita akong nagkakagulo na mga babae.

"Oy anong meron? Oy. Bakit ba kayo nagkakagulo?" sabi ko tapos tumitingkayad para makita kung ano yung pinagkakaguluhan nila.

Tapos sa sobrang curious ko, kumuha ako ng upuan sa isang room at tumuntong dun. Pero bago ko pa nakita kung ano yun...

*Baaaaaaaag

Yes. Tama kayo. Nahulog ako sa upuan. Kasi naman, biglang nagbell at nagtakbuhan na yung mga babaeng kanina lang eh nagkakagulo. Ang sakit ng pwet ko. Ang lakas kasi ng pagkakahulog ko.

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon