Chapter 6 - Final Decision

181 10 2
                                    

Reery's POV

Mga 2:15 nung nakauwi ako ng bahay. Sinabayan ako ni Ace tapos binigyan pa ko ng chocolate. Nilagay ko muna yung bigay niya sa ref. Marami namang Reese's sa bahay, favorite nga kasi namin ni mommy diba? Haha. Hiniwalay ko yung bigay ni Ace.

Nakakapagtaka yung Ace na yun. Nagtext sakin. Saan naman kaya niya nakuha yung number ko? Imposibleng kay Pierre kasi feeling ko wala din akong number dun. Naka group ko siya dati pero di naman kinuha number ko.

Umakyat na ko sa kwarto ko. Nahiga ako at nagmuni-muni muna. Argh! Bakit in-asthma na naman ako? Matagal tagal na din yung huling inatake ako ng asthma.

Naalala ko yung tinanong sakin ni Pierre, "Pwede bang makishare ng upuan?"

Di ko makalimutan yun. Bakit kaya niya ko tinanong? Ayokong mag-expect. Expectations sometimes lead to disappointments.

7:30 PM

Kakagising ko lang. Nakaidlip pala ako sa kakaisip nung mga nangyari kanina. Nag online muna ako sa FB. Baka kasi nagchat sina Andy.

Di nga ako nagkamali. Nagmessage agad yung tatlo. Nakagroupchat kami lagi. :D

Andy: Ree, okay ka na??? Tinext ko na si kuya Rob eh. Sinabi ko sa kanya na nadala ka naman namin agad sa clinic.

Alex: Umuna na nga pala kami ha? Kasabay mo naman si Ace eh.

Joeey: We're so worried about you. Hope you're okay na. :))

Ree: Girls, I'm okay na. I feel better. Thank you for your concern. <3

Oh may friend requests. Di naman ako suplada. Nag-aaccept naman ako. Tapos lumabas nga sa requests yung Ace Romero.

Confirmed.

Chineck ko yung timeline niya. May mga pictures silang magkasama ni Pierre. Ngayon ko lang nakita. Di naman kasi nakatag kay Pierre eh. Tapos wala namang ina-upload si Pierre na picture nila ni Ace.

Yung pangalan niya ay Ace Romero. Tinamad sigurong ilagay yung buong pangalan niya. Haha. Pero may nakalagay na pangalan sa tabi, yung nakaparenthesis... (Carl)

Carl? Ah. CARLisle. Oh, I see. Yes! Nagets ko. Haha. Nakakaproud. De joke. Andami naman kasing pedeng itawag sa kanya. Pwedeng "Jelly". Hahaha.

Pero bakit parang familiar sakin ang pangalang Carl? Di ko naman maalala. Pero sure kong may kilala akong Carl kahit makakalimutin ako. At slowwww. Di ko na tinuloy ang pag-iisip. Baka sumakit pa yung ulo ko. Haha.

Pagkatapos nun, nag-offline na ko. Bumaba muna ako at nakita ko si kuya. Nandito na pala.

"Ree, anong nangyari sayo?" alam na nga niya. Tinext nga ni Andy diba?

"Okay na ko kuya. Namiss lang siguro ako ng asthma. Haha."

"Hindi nakakatawa. Sa susunod, wag mo ng kakalimutan yung inhaler mo ha? Pano na lang kung may nangyaring masama sa'yo?" Seryoso yung boses ni kuya pero hindi naman galit.

"Sorry na kuya. Okay na ko oh." Tapos nag inhale-exhale ako. Then smile. :))

"Oo na. Kain na tayo. Haha." ginulo pa yung buhok ko eh.

Pagkatapos kong kumain, sabi ko kay kuya ay aakyat na ko sa kwarto ko. Chineck ko muna yung phone ko. 7 missed calls, 3 unread messages.

1 missed call - 0908*******

5 missed calls - Kuya Rob

1 missed call - Jelly

Nakasave na yung number ni Ace sakin. Sure kong siya yun. Siya lang naman ang tumawag sakin ng choco eh.

Sino kaya yung unang nagmissed call? Hindi nakaregister yung number sakin eh. Baka nagkamali lang yun.

Tapos yung 2 unread messages? Galing kay Andy at Joeey. Tinanong kung nakauwi na daw ako. Sinabi din nila na umuna na sila kasi may makakasabay naman daw ako.

At yung isa pang unread message, galing dun sa unregistered number na nagmissed call...

From: 0908*******

Wag mo ng kakalimutan ang inhaler mo.

Sino to? Di ko nireplyan. Di naman sa suplada ako. Di ko lang kasi kilala. Pero kung magpapakilala siya, bakit naman hindi? Pero thankful ako sa kanya. Naalala ko yung inhaler ko. Nilagay ko na agad sa bag ko kasi baka makalimutan ko na namang dalhin yun. Lagot ako kay kuya pag naiwan ko ulit.

Hindi pa ko makatulog. Napahaba kasi yung tulog ko kanina. Nag online na lang ulit ako. Nakita ko yung mga posts. Puro about sa first day.

Our teacher's initials' cool. #MVP

MVP? Di ko gets. Tiningnan ko yung comments. Nandun si Andy.

Mrs. Victoria Panaligan! <3

Ahh. Ang slow ko talaga... Oo nga no. Bilis talaga nitong si Andy. Gets niya agad eh. Buti pa siya. Haha.

Iniisip ko parin yung MVP. Bakit ba di ko yun nagets. I'm so dense...

Biglang may tumunog at nag pop.

Ace: Psst.

Ah. Chat lang pala. Akala ko kung ano na.

Ree: Oh? Haha.

Ace: Wala lang. :)

Ree: Ah. Akala ko kung ano na!

Ace: Kinain mo na?

Ree: Alin???

Ace: Yung sarili mo! Haha.

Tsaka ko lang nagets na yung Reese's yung tinutukoy niya. Ang slow ko naman kasi talaga. -.-

Ree: Ah. Nasa ref. Marami siyang kasama dun. Haha.

Ace: Ah. Sige. See you tomorrow.

Ree: See yah!

Ace: Sige. Wag ka ng magreply. Matulog ka na. :)

Di na nga ako nagreply. Haha. Pero di pa rin ako natulog. Di pa ko dinadalaw ng antok eh.

Nagscroll lang ako ng scroll. Puro first day talaga ang topic. Bored na bored na ko pero di pa rin ako inaantok. Nakita ko yung status ni Pierre kahapon...

"Excited for tomorrow! Start of senior life. See you guys! :)"

Okay. 342 likes. Puro babae. -.-

Pero hindi ko alam kung bakit wala pang niligawan yang si Pierre? Buti na lang wala dahil baka gumuho ang mundo ko. Sigurado naman kasing sasagutin ng sinumang ligawan niya yang si Pierre.

Grabe. Sikat talaga yang si Pierre. Bukod sa gwapo, magaling din yan leader. Tapos varsity pa siya since last year. Siya na nga siguro magiging Team Captain ng basketball team ng ABC this year. :)) At higit sa lahat, ang dami niyang alam na instruments. Nasa kanya na lahat eh, pati yung puso ko. <3

He's too perfect to be real. What he needs is a perfect girl. And I'm not what you need Pierre... But, I can change myself for you...

Yes. My decision is final. I will be the perfect girl for you. I've been planning this since summer vacation started. I know this would be hard but I will do this for you... However, I can't do this alone. I need someone to help me...

Author's note

Hi. Thanks for reading! Alam niyo na siguro yung plano ni Ree. Pero sino yung tutulong sa kanya?

Sino naman kaya yung nagmissed call at nagtext na unregistered number? At sino si Carl?

Malalaman niyo lahat sa mga next chapters. :D

-marygazer

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon