Chapter 1 - Introducing Them

280 13 4
                                    

Reery's POV

"Excited for tomorrow! Start of senior life. See you guys! :)"

Nagstatus siyaaaaaaaaaa. Gosh. Excited na pala siyang pumasok. Pero mas excited ako sa kanya. Pasukan na bukas, meaning makikita ko na uli siya! Heart heart <3 <3 <3

Napatayo ako at napalundag sa kilig eh. Grabe! Namimiss ko na siya. Buong bakasyon ko kaya yun di nakikita. Si Pierre Alexander Rodriguez, crush ko since 1st year ay makikita ko na ulit bukas at makakasama ng limang beses sa isang linggo!!!

"Ree! Sleep naaaaaaaaaaa!" sabi ni kuya.

"Oo naaaaaaaaaa! Good night kuyaaaaa!" pasigaw kong sabi. Nasa kwarto niya siya. Pero rinig ko siya dito. Ang hilig kasing sumigaw. Nahawa ata ako dyan eh.

Si kuya, college na siya. Thomasian yan. Haha. May girlfriend din yan. Siguro mag-iisang taon na sila.

Ka close ko si ate Marge, yung "babe" ni kuya. Ang ganda niya tapos ang bait. Classmates sila ni kuya since highschool tapos sa UST din siya napasok.

May pasok na ulit bukas. Makikita ko na ulit friends ko. :) Last year na to. Kailangan maging masaya kasi after nito college na. Magkakaiba iba na siguro kami ng universities at lalo na ng courses. Gumawa na nga ako ng mga plano para sa taong ito eh. May mga gusto akong magawa before grumaduate. Sana magawa ko yun.

*Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

"It's gonna be a beautiful day!" sabi ko. Ang aga kong nagising! Excited lang siguro talaga ako.

Dali-dali akong bumangon. Syempre inimis ko na yung hinigaan ko. Sanay lang ako sa malinis. Haha. Tapos naligo na ko.

After ten years, bumaba ako ng ayos na. Haha. Exaggerated. Matagal kasi akong maligo. Nakafreestyle muna kami ngayon. Bukas pa kami mag-uuniform.

Simple lang yung suot ko. Colored Jeans, Doll shoes, Denim vest, polka dot na top. Hindi po kasi talaga ako nagsho-short at nagsasando kahit sa bahay. Hindi po kasi komportable. At siguro dahil ayaw din ni Daddy.

Andami kong nakain sa breakfast. Ang sarap kasing magluto ni Manang. The best.

"Manang Lucy, ang sarap po ng luto niyo!"

"Salamat Neng," sagot naman niya.

"Reery, bat ganan na naman ang suot mo? Ang daming pasalubong ni mommy na dress, shorts at heels sayo ah!" sabat ni kuya habang nag-uusap kami ni manang. Sabay-sabay talaga kaming nakain. Kahit si manang kasabay namin. :)

" Eh sa ayoko eh. Wala naman si mommy. Di niya malalaman na di ko sinuot. Wag mong sasabihin ha?"

"Isusumbong kita!"panakot sakin ni kuya. Eh alam ko namang joke lang yan. Kilalang-kilala ko na yan e. Hahaha. Pero kunwari na lang natakot ako na isusumbong niya ko.

"Huwag naman kasi! Isusuot ko din yun sa panaginip ko. Hahahaha." Napahaba talaga yung tawa ko kasi mukhang kahit sa panaginip hindi ako maggaganun.

Hindi naman magagalit si mommy kaya lang nahihiya kasi ako. Bili siya ng bili tapos di ko naman sinusuot. Kaya pag nandyan siya, pinipilit kong masuot yung mga ganun kahit di ako sanay.

"Hindi na kita isusumbong pero hindi mo ba talaga gagamitin yun?"

"Obvious naman diba, kuya? Sinusuot ko lang kaya kapag nandyan si mommy."

"Ay siya. Akin na lang ha?"

"Whut?! Isusumbong kita kina mommy at kay ate Marge! Gayyyyyyy! Hahaha." Sinabi ko lang yan. Alam kong hihingin na niya yun at ireregalo kay ate Marge. May pera naman si kuya pero may pagkakuripot talaga yun. Haha. Inaasar ko lang talaga yun na bakla. Hindi kasi yun napipikon kaya ang sarap asarin kasi di man lang naiinis kahit konti.

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon