Chapter 8 - Self-ACE (Selfish)

133 8 7
                                    

Ace's POV

"...I want to change myself for him. Help me Ace. Help me make Pierre fall for me." sabi ni Ree.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang tumigil yung pag-ikot ng mundo at pati na rin pagtibok ng puso ko. Gusto kong ipaulit sa kanya dahil umaasa akong mali lang ang narinig ko. Pero wag na, masasaktan lang lalo ako.

Bakit ba kasi ganito? Life's unfair. Kung sino pa yung taong mahal mo, siya pa yung hindi mapapasayo.

Ten years ago, nakilala ko siya at nahulog na agad yung loob ko sa kanya. Syempre bata, akala ko mawawala agad pero habang tumatagal ay tumindi lang lalo ang nararamdaman ko para sa kanya. Umabot pa sa punto na ginawa ko lahat makita lang siya. Hinanap ko talaga siya sa lahat na paraang alam ko.  Hanggang sa nakita ko ulit siya dahil kay Pierre...

Nakita ko kasi na friends sila sa fb ni Ree. And ito yung naisip kong way para maging magkaibigan ulit kami. So, napagdesisyunan kong magtransfer dito sa Pilipinas. Medyo nahirapan pa nga akong iconvince si mommy...

"Ma, payagan mo na kong bumalik sa Pilipinas. I'll continue my studies there..."

"Carl, give me valid reasons to allow you to go back there." sabi ni mommy. Carl talaga tawag sakin ni mommy kahit hanggang ngayon. Kaya "Carl" ang pakilala ko dati kay Ree sa department store eh. Mga kaklase ko lang sa America ang tumawag sakin ng "Ace".

"Umm. I just miss everything about Philippines."

"Is that so? But I can't go with you, son. Sinong makakasama mo dun?" si mommy talaga. She always treats me like a baby. I'm big enough, I can take care of myself.

"Si Pierre mom. My "twin"cousin. Haha."Alam ko kasing di talaga papayag si mommy na mag-isa ako kaya sabi ko eh kay Pierre na lang ako titira at para mas makilala ko si Ree dahil sure akong kilalang-kilala naman siya ng pinsan ko dahil 3 years na sila magkaklase.

Si Pierre? Dito din yan tumira dati eh. Bata pa lang kami eh close na talaga kami niyan. Lagi kaming napagkakamalan na kambal kasi sobrang magkamukha daw kami tapos lagi pa kaming magkasama. Higit pa sa magkapatid ang turingan namin niyan. Lahat ng sikreto ko alam niyan kasi malaki ang tiwala ko diyan. Pati yung kay Ree eh matagal na niyang alam. Pero wala naman siyang nasabi sakin na kaklase niya to. Ako na lang yung nakaalam dahil nga sa facebook. Tahimik naman kasi talaga siya kaya di na ko nagtaka kung bakit di niya shinare sakin yung tungkol dun. Minsan talaga eh hindi mo mabasa kung anong nasa isip. Hindi din yan nagsheshare kahit kanino. Kahit sakin. Ang alam ko lang eh may crush daw siya sa school. First crush niya yun ha? Yun palang ang naikwento niya sakin about sa ganung bagay since bata kami. Ang swerte nung babae kay Pierre. Kilalang-kilala ko na yang si Pierre. 3 years lang naman kaming nagkahiwalay eh. Magkaklase kami nung elementary eh. Tapos sa Pilipinas na siya nag-highschool. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya naisip pumasok dun?

"Sige. I'll try my best to help you." sagot ko sa hiling ni Ree na tulungan ko siya kay Pierre.

Pumayag na lang ako sa gusto niya. Paano mo ba naman kasi matatanggihan ang mahal mo? Pero paano din naman kung ang gusto niya eh ikamamatay ng puso mo? Ang mas masakit, sa pinsan ko pa siya may gusto, sa itinuturing kong kapatid.

Pierre, ang swerte mo. Ikaw ang gusto niya. Babaguhin niya ang sarili niya para sayo. Ganun ka ba niya kamahal? Kasi naman, nasa iyo na lahat.

Sa pag-ibig, siya na naman ang panalo. Sa academics ko lang naman siya natatalo eh. Nung elementary kami, I'm always first in class. Si Pierre? Every girl's dream. Hearthrob. Athlete. Musician. Leader. Dancer. Performer. Nasa kanya na lahat eh at ngayon pati si Ree...

Ayokong masaktan si Ree. May gusto si Pierre pero hindi naman siguro si Ree yun. Wala akong sinasabing hindi magugustuhan ni Pierre si Ree dahil sino ba namang hindi mahuhulog kay Ree. Alam mo yun? May something special kasi sa kanya na alam mong wala sa iba.

Wag kang mag-alala Ree. Kung hindi ka niya saluhin, nandito lang ako. Handa akong maghintay na mahulog ka sakin. Pero hindi sapat ang paghihintay, gagawa ako ng paraan. Habang tinutulungan kitang magbago para mahulog si Pierre sayo, babaguhin ko naman ang sarili ko para ikaw naman ang mahulog sakin. Wala naman sigurong masama dun Ree. Ayaw lang kita masaktan. Pero kung siya talaga ang pipiliin mo, handa naman akong pakawalan ka eh, maging masaya ka lang dahil ang kaligayahan mo eh kaligayahan ko din.

Pagkasagot ko nun eh bigla niya akong niyapos. Matagal yung yakap niya sakin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi. Ganun ba talaga niya kagustong magbago para kay Pierre? Sana ako na lang si Pierre. Sana ako na lang...

Habang nakayapos siya sakin, nakita ko si Pierre na naglalakad. Nakatingin siya sakin, I mean 'samin'. Nakita niyang nakayakap sakin si Ree. Kumaway lang siya tapos ang bilis nawala. Pagkaalis ni Ree sa pagkakayakap eh nagpaalam na siya na papasok na siya ng bahay. Paulit-ulit siya ng pasasalamat sakin. Salamat daw dahil tutulungan ko siya sa plano niya. Sorry Ree, gumawa din ako ng plano ko na sana eh ikasira ng plano mo.

"I gotta go. Bye Ree." pagkasabi ko nun eh hinabol ko si Pierre. Di pa naman siguro nakakalayo yun. Pero sa bahay ko na naabutan si Pierre.

"Ace."

"Pierre."

Halos magkasabay naming sinabi yun. Alam kong may gusto siyang sabihin pero inunahan ko siya.

"Pwede ba kitang kausapin Pierre?" nakita kong tumango siya. Umupo na kami sa sala. Magkatapat yung upuan namin.

"Ano yun Ace?" kalmado talaga lagi si Pierre.

"Pierre..."

"Congrats nga pala. Mukhang nakilala ka na ni Ree ah. Nakayakap siya sayo kanina ah." sabi ni Pierre na kinagulat ko. Sana nga yun na lang ang dahilan eh. Pero hindi eh, ikaw ang dahilan Pierre. Ikaw...

"Hindi, Pierre. Niyakap niya lang ako dahil tutulungan ko siya..."

"Tutulungan san?"

"Magbago para sayo..." Nakita kong hindi makapaniwala si Pierre.

"Anong ibig mong sabihin, Ace?"

"Nagpapatulong siya sakin na magbago para sa'yo Pierre. Gusto ka niya." Pinipigil kong mapaiyak sa sakit at bigat ng nararamdaman ko. Ayokong makita ni Pierre na ganito ako.

"Pero may iba kang gusto diba? Pierre, kahit anong mangyari..." sinabi ko agad dahil baka nga di ko na mapigilan yung luha ko. Hindi ko pa talaga sigurado kung iba nga ang gusto ni Pierre. Pero baka naman iba yun at hindi si Ree.

"...wag na wag kang mahuhulog sa kanya."

Selfish ba ako? Bakit ba sinabi ko yun? Dahil ba alam kong pedeng masaktan si Ree? Pero hindi ko man lang tinanong si Pierre kung sino yung gusto niya.

Natakot lang siguro akong mahulog si Pierre kay Ree at maagaw niya ito sakin.

Pierre, gagawin ko lahat para mahulog sakin si Ree. Hindi ko hahayaang mahulog siya sa'yo dahil hindi ko sigurado kung sasaluhin mo siya. Sorry Pierre, pero gagawin ko ang lahat maging mas magaling lang sayo.

Nagulat ako sa sagot ni Pierre sa sinabi ko sa kanya...

Author's Note

Hello. Sorry sa matagal na update. Hi sa 4A1-Nucleon. :)))

Anong kayang sinagot ni Pierre? Sino ba talaga ang gusto niya? Malalaman natin sa susunod na update. POV na ni dreamboy. :))

-marygazer

Written In Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon