Kabanata 1

3.1K 89 18
                                    

Kabanata 1

Hessa


Pumunta nga kami sa Principal's office. Nakaupo na kaming lahat kaharap ni Ma'am Lucianna. Ako, si Jekka tapos si Boogy at Bogart ang taga-last section habang si Chino, Owen at Johny ang galing naman sa star section. Kami lang ang pinatawag dahil sa amin naman nagsimula ang lahat.

Masusi kaming pinagmamasdan ng principal. Matatalim na tingin ang ipinupukol niya sa direksyon namin. Ano pa nga ba?

"Kindly explain what happened, Mr. Fernandez," panimula ni Ma'am Lucianna.

Tumikhim si Chino bago nagsalita.

"Maingay po kasi sa kabilang section Ma'am kaya pinuntahan namin at balak sanang sawayin," seryosong sagot nito.

Nakangiting tumango-tango si Ma'am Lucianna na tiwalang-tiwala sa sinabi ni Chino. Lumingon naman ito sa amin at pinanlisikan kami ng mata.

"And the rest... imbes na sumunod ay gumawa pa ng gulo? Am I right?"

Hindi ko na napigilan nang sumabat si Jekka. "Ma'am, kung hindi naman po kasi kami nilait ng mga 'yan eh--"

Tinaas ni Ma'am Lucianna ang kamay niya kaya natigil si Jekka sa pagsasalita.

"Did I tell you to explain, Ms. Yason?" Napayuko na lang si Jekka sa pagkapahiya.

Nakangiting bumaling naman ito sa grupo nila Chino.

"I believe you boys, and thank you for being the role model of this school na dapat tularan..." sabay tingin sa amin. "Bueno, you can go! Baka ma-missed niyo pa ang class niyo."

Ngumisi pa si Owen at Johny sa amin bago lumabas. Si Chino ang nagsara ng pinto na tumagal pa ang tingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung para saan ang tingin niyang iyon, hindi naman siya mukhang masaya at wala rin naman akong simpatya na nakikita sa mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung anong ibig sabihin no'n.

Tumingin na ako kay Ma'am Lucianna nang magsalita na naman siya. Hindi ko maiwasang hindi mainis, e kasi naman, hindi naman fair si Ma'am. Hindi manlang pinag-explain ang side namin.

Nakaalis na ang Star Margarine Boys! 'Yan ang tawag ni Jekka sa kanilang tatlo na nagagaya ko na lang. Hindi lang naman ito ang unang beses na nakagirian namin ang Star Section. Nung isang araw lang ay napa-principal's office rin si Boogy dahil nakipag-away ito nang laitin siyang mataba nang mga taga-Star Section.

"Dahil sa ginawa niyo, girls..." Tumingin si Ma'am sa aming dalawa ni Jekka. "At boys..." bumaling naman siya kina Boogy. "Suspended kayo for 3 days!"

Wala na kaming nagawa kundi tanggapin ang punishment namin. Kapag kasi sumagot pa kami baka humaba pa ang usapan at lalong maging mabigat ang parusang ibigay sa amin. Grabe talaga, hindi manlang namin nasabi ang side namin. Life is so unfair. Lugo-lugo tuloy kaming bumalik sa room.

Puro naman sorry si Boogy at Bogart dahil kundi daw sila nadala sa emosyon nila ay hindi magkakagulo. Wala naman silang dapat ihingi ng tawad dahil grabe naman kasi ang sinabi ng Star Margarine Boys. Below the belt naman 'yon, eh! Alam ko naman na taga-last section kami at ang ibig sabihin no'n para sa lahat ay section kami ng mga bobo. Pero tama bang laitin pa kami kung sasawayin lang pala nila kami dahil sa ingay?

"Bess, okay ka lang ba?" sabi ni Jekka habang naglalakad.

"Medyo hindi okay e kasi feeling ko wala tayong kwentang officer. Di manlang natin naipagtanggol ang section natin," malungkot kong saad.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon