Kabanata 10

2.1K 57 10
                                    

Kabanata 10

Hessa

Pinabalik ang buong section namin sa room sa utos ni Ma'am Lagindanum at ngayo'y ngang matalim na kaming tinitingnan nito. Katabi niya si Ma'am Geometry na dissapointment naman ang nasa mukha.

Sa mga mukha palang nila ay halos gusto ko na lang lamunin ng lupa. Nakakahiya ang nangyari. Ipinatawag din nga ang class adviser namin na halos 'di kami matingnan. Present din ngayon ang grupo nina Anna Marie na tumatayong witness nang nangyaring dayaan. Syempre 'di mawawala ang SCC sa pangunguna ni Chino.

Feeling ko tuloy para kaming nasa korte at sila ang magdi-decide kung guilty nga kami o hindi. Lahat sila ay nang-uusig na nakatingin sa amin. Yung feeling na hindi pa nila naririnig ang side namin ay parang nahusgahan na agad kami. Well, last section kasi eh.

"Ikaw na ang magsalita habang kinakalma ko ang sarili ko..." sabi ng principal kaya si Ma'am Geometry na ang nagsalita. Hawak-hawak niya ang mga papel namin kanina.

"So paano niyo ipapaliwanag na pare-pareho kayo ng sagot? At perfect lahat?" panimula niya.

Nagulat kami ng pinunit ni Ma'am ang mga test papers namin at tinapon sa harap. Lumipad ang mga papel na naglalaman ng sagot namin kanina. Nanlumo ako kasi parang nabasura lang ang tinuro sa amin ni Kuya Hiro.

Nakita ko namang napaiyak ang mga classmate ko. Si Jekka naman ay tanging galit lang ang makikita sa mukha. Magkasalubong ang kilay nito at nakatuon ang atensyon sa papel na malapit ng mapunit sa diin ng sulat niya.

"Bagsak kayong lahat sa quiz ngayon! Hindi ko maatim na i-record ang mga marka na galing sa pangongopya" nakakabingi nitong dagdag.

Sinegundahan naman ito ng principal. "I'm so dissapointed of this class. I know na nahihirapan kayo sa mga lessons but to resort on cheating just to pass the subject is very dissapointing. I will not let it pass because cheating is a major offense. I'm sorry everyone but you cannot enter the class again without your parents tomorrow," dismayadong sabi ng principal.

"Pero Ma'am, sila Anna Marie naman po ang nagbigay ng kodigo sa amin. Sabi niya wala naman daw makakaalam kaya po—"

Magpapaliwanag pa sana si Boogy nang pinutol siya sa pagsasalita ni Ma'am Geometry.

"Don't create other excuses from your bad behavior. Nakausap ko na si Anna Marie, tinulungan na nga kayo pero nangopya pa kayo. Nagmagandang loob lang ang star section pero inabuso niyo pa."

"Pero Ma'am eh kasi po—"

"No more explanation. I made myself clear. Bring your parents tomorrow. Goodbye!"

Napapailing silang lahat na umalis. Pag-alis nila ay ako naman ang pumalit sa unahan.

"Guys! Bakit niyo naman ginawa 'yon? Imbes na tumaas ang grades natin, mas lalo pa tayong napasama sa mata ng lahat. Pag-iinitan na naman tayo ng mga teachers natin dahil sa nangyari. Hindi niyo ba alam na nasa handbook natin na pwede tayong i-expel kapag nagkaroon tayo ng major offense?" Hindi ko mapigilang hindi sumama ang loob sa ginawa ng mga classmates ko.

"Sorry Hessa, hindi naman namin alam na ganito ang mangyayari," sabi ni Barbie.

Si Jekka naman ang nagsalita. Alam kong galit siya at hindi naman niya itinago 'yon.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon