Kabanata 9

2.1K 65 8
                                    

Kabanata 9

Hessa

Tahimik naman kaming bumalik sa room matapos ang break. Wala na kaming naging interaksyon sa Star Margarine Boys. Isang beses ko lang rin kasing sinulyapan ang table nila. Hindi ko na inulit ang isang beses kong pagkalingon na saktong nakatingin pa si Chino.

Nang mag-lunch at naging busy rin kami ni Jekka. Nagmadali nga kaming kumain kasi magri-review pa kami para sa quiz mamaya sa geometry. Sinubukan kong mag-review kagabi pero walang pumasok sa utak ko.

Tiningnan ko si Jekka na napapakamot na ng ulo dito sa tabi ko.

"Ano ba naman ito? Ngayon ko lang na-realize na may problem pa lang hindi naso-solve tulad na lang nitong Math Problem No. 6. Nagtatanong kung anong angle raw! Ano ba 'yan bobo na nga tayo mas lalo pa tayong nabobo dahil sa math na ito!" pagra-rant ni Bess.

Katulad ni Jekka, hindi ko rin naman alam kung ano bang solution nitong problem na ito. Sabay kaming napabuntong-hininga.

"Sa tingin mo may masasagot tayo mamaya?" tanong ko kay Jekka.

Natawa naman siya bago magsalita. "Oo, syempre may sagot tayo, 'yon nga lang mali!"

Lugo-lugo naming tinitigan ang libro at sabay na nagpanghalumbaba. "Anong gagawin natin? Akala ko ba babawi na tayo sa mga subjects natin?" saad ko. "Hmm... Kung magtanong kaya tayo kina Kuya? For sure, may masasagot 'yon, 'di ba?" agap ko.

Naisip ko nang magpaturo sa kanila kagabi kaya lang late na umuwi si Kuya Henzel tapos si Kuya Hiro at Heno naman maagang pumasok sa mga kwarto nila. Hindi ko na inistorbo kasi mukha silang pagod.

Nagliwanag naman ang mukha ni Bess sa sinabi ko. "Wow! Bessy tama ka d'yan, patulong na lang tayo sa kuya mo. Tamang-tama dahil lunch break ngayon."

Ganun na nga ang ginawa namin ni Bess. Inistorbo namin si Kuya Hiro. Kahit hindi namin sobrang na-gets at least kahit konti naliwanagan naman kami kahit papaano.

"Thank you Kuya Hiro, you're the best kuya... Huwag mong sasabihin kina Kuya Henzel ah." Natawa naman si Kuya sa sinabi ko.

Nakipag-skype kami ngayon para nga mabigyang linaw naman ang utak namin sa math na ito. Magpapaalam na sana ako nang biglang inagaw ni Bess ang ipad.

"Thank you Hiro este Kuya Hiro!" tuwang-tuwang saad ni Bess na medyo nag-blush pa.

Napailing na lang ako kay Jekka. Crush na crush niya kasi si Kuya Hiro. Pakaway-kaway pa siya nang kinuha ko muli ang ipad.

"Sorry Kuya ah, nakaistorbo kami hehe sana may tama kaming masasagot mamaya sa quiz."

Nakangiti namang nagpaalam na rin si Kuya na rare sa personality niya. Mahal daw kasi ang ngiti nito sabi nila Kuya Henzel. Totoo naman kasi minsan lang talaga siya ngumiti. 'Yan tuloy wala pa siyang girlfriend!

"No problem, princess. Good luck to your quiz. I know you can do it!"

Nagpasalamat pa ako kay Kuya bago ko pinatay at nag-log out sa skype ko. Hay, mabuti na lang talaga at kahit hindi ako binayayaan ng mataas na IQ, biniyayaan naman ako ng matatalino at mababait na mga kuya.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon