Kabanata 5

2.2K 71 2
                                    

Kabanata 5

Hessa

Simula nang umalis si Anna Marie at Trina, hindi ako tumigil kakasigaw ng tulong. Sa kasamaang palad, wala manlang nakakarinig sa akin. Napagod na ako kakasigaw kaya naupo na lang ako sa sira-sirang upuan dito sa room. Nawalan ako ng pag-asang makaalis sa lugar na 'to. Paano ba naman e 'yong cellphone ko nasa labas tapos wala pang nagagawi sa bandang ito unless sasadyain talaga. Hayyy!

Lumipas ang tatlong oras na wala pa ring sumasaklolo sa akin. Ano ang gagawin ko? Hapon na at uwian na din. Si Jekka na lang talaga ang pag-asa ko. Alam kong hahanapin ako no'n. Alam niyang dapat kanina pa ako nasa room dahil nagtext akong OTW na ako. Pero sana... sana marinig niya ako.

"Jekka!! Jekka!! Tulong!! May tao po dito!" Nakailang ulit kong sigaw pero parang walang nangyayari.

Nag-eecho lang ang boses ko sa buong room. Tahimik pa rin ang paligid pa at tanging boses ko lang ang umaalingaw-ngaw.

Hindi na ako nagbalak pang sumigaw ulit. Wala namang makakarinig sa akin, masasayang lang ang laway ko. Nauuhaw na ako at nagugutom din pero ang mas importante ang makalabas dito sa lugar na ito. Ilang sandali nang pananahimik ko ay nakarinig ako ng maliit na ingay.

Linga ako ng linga pero hindi ko mawari kung saan nanggagaling ang maliliit na ingay, nang biglang nakita kong lumabas ang isang itim na hayop sa ilalim ng mga sirang upuan ay napasigaw na ako.

Nataranta ako nang may makita akong maliliit na daga na lumabas sa isang karton at hindi lang ito isa kundi anim. May musophobia pa naman ako. Napadasal na lang ako na sana huwag naman silang lumapit sa akin dahil takot na takot na talaga ako. Nanginginig na rin ang kamay ko at hindi ko na ito makontrol.

Habang gumagalaw sila palapit sa akin ay paatras naman ako ng paatras hanggang sa maramdaman ko na lang sa likod ko ang malamig na pader. Wala na akong aatrasan. Nanlamig na ang mga palad bago pumakit.

"Tulong! Tulong! Jekka!" Kinakalampag ko na ang pinto sa pag-asang may makakarinig sa 'kin.

Butil butil na pawis na ang tumutulo sa mukha ko. Hindi na ako halos makahinga nang makita ko 'yong nga daga na kaonting distansiya na lang ang pagitan sa akin.

"Jekka!!! Tulong!!! Jekka!! Chino!!!" Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung anu-ano na lang ang lumabas sa bibig ko.

Pati si Chino tinawag ko na. Paulit-ulit akong sumigaw hanggang may malakas na kalabog ang nagbukas sa pinto.

Tumambad sa akin ang pigura ni Chino. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang taong tumulong sa akin. Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko at parang kakawala na uto ito ss dibdib ko.

Napangiti ako nang lumapit siya sa akin. I felt relief.

He went to me before everything went black.

- - -

Puting paligid ang tumambad sa akin nang imulat ko ang aking mata. Una kong nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Jekka.

"Bess!! Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Nahihilo ka pa ba? Nauuhaw? May tubig dito... o pagkain." Natataranta si Jekka sa pagdalo sa akin.

Hinawakan ko ang braso niya para matigil siya sa ginagawa niya.

Napangiti ako. "Kumalma ka nga Jekka, okay lang ako. Huwag ka nang masyadong mag-alala. Salamat sa inyo!"

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon