Kabanata 4

2.3K 83 11
                                    

Kabanata 4

Hessa

Dumiretso ako sa clinic pagkatapos ng nakakahiyang eksena sa cafeteria. Sinundan naman ako doon ni Jekka at ibinalitang wala kaming klase sa P.E. May kailangan daw puntahan si Sir Rocky. Buti na lang rin, parang 'di ko ata kayang bumalik sa room. Sigurado kumalat ang nangyari kanina. Ang student council president ba naman ang binangga ko.

Nagkahiwalay kami ni Jekka sa gate at kanya-kanyang umuwi sa aming bahay. Pagkatapos ng lunch ay kumalma na rin ako at nakapag-isip-isip. Na-realize konv sumobra ata ako sa pagsampal kay Chino. Ewan ko ba kung ano ang sumapi sa akin at nagawa ko 'yon.

Sobrang conscious tuloy ako pagbalik ng school. Dahan-dahan ang paglalakad ko at pasulyap-sulyap ako sa paligid. Mukhang wala namang pakialam ang mga nasasalubong kong estudyante. Akala ko pa naman may bigla na lang susugod sa akin pero mukhang normal naman ang lahat. Nakahinga ako nang maluwag.

Nang maalalang naiwan ko pala ang books ko ngayon hapon, dumaan muna ako sa locker. Hindi ko inaasahan na maaabutan ko doon ang taong hindi pa ako handang harapin sa ngayon... si Chino. Napapikit na lang ako para mag-isip kung tutuloy pa ba ako o hindi. Ang ganda naman kasi ng timing, ngayon pa talaga nagkasalubong ang landas namin sa locker.

Sa huli, napagdesisyonan kong magpanggap na lang na parang walang nangyari. Kapag aalis kasi ako kaagad baka isipin niya apektado ako sa nangyari. Ayaw ko namang ipahalata 'yon. Saglit lang din naman ako. Mabilis ang naging kilos ko, tumapat ako sa locker ko at binuksan 'yon. Nagkahulugan ang mga letters sa locker ko na nagdulot ng ingay. Napapikit na lang ako sa kahihiyan kung kailan ba naman gusto ko nang makaalis ngayon.

Yumuko ako para damputin ang mga nahulog na letters. Hindi naman bago sa akin ito. Kahit hindi naman ako matalino, may ilang nagkaka-crush pa rin sa akin. Hindi ko man masuklian ang nararamdaman nila, binabasa ko pa rin ang letter nila sa akin dahil sayang naman 'yong oras at effort nila sa paggawa nito.

Pagtunghay ko ay nagkasalubong kami ng tingin ni Chino. Nakaharap siya sa akin at kunot na kunot ang noo. Kinabahan naman ako dahil baka gunanti siya sa akin sa ginawa ko. Napaatras ako sa takot.

"Anong gagawin mo diyan?"

Hindi ko nakuha ang gusto niyang sabihin. Napaturo pa ako sa sarili ko bago sumagot. Baka hindi naman kasi ako ang kausap niya.

"Ha? Ako ba ang kausap mo?"

"May iba ka pa bang taong nakikita dito?" Nairita ako sa pamimilosopo niya e hindi naman kami friends. Malay ko ba kung bakit kinakausap niya ako ngayon.

"Hindi ko kasi maintindihan ang tinatanong mo." Hindi ako tumingin sa kanya at nagpokus na lang sa pagkuha ng ipinunta ko dito. Inayos ko rin ang letters sa loob ng locker.

"I'm referring to the loveletters."

Ah. 'Yon pala ang tinatanong niya.

"Itatago kasi hindi ko pa nababasa?" nalilito kong sagot.  Hindi ko talaga ma-gets kung bakit pinapakialaman niya 'yong letters ko.

Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Bakit? Balak mo bang sagutin lahat ng taong nagbigay sayo niyan?"

"Hindi naman ibig sabihin na binabasa ko ang mga letters na 'to, sasagutin ko na," balewala kong saad.

"Bobo talaga." Narinig kong bulong niya.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon