Kabanata 2

2.6K 73 12
                                    

Kabanata 2

Hessa

Ilang sandali pag-alis ng sasakyan ni Chino, dumating na rin ang sundo ko, ang driver namin.

"Good afternoon po, Manong Solis," saad ko pagkaupo sa backseat ng sasakyan.

"Magandang hapon din sa 'yo, Hessa. Kanina ka pa ba? Pasensiya na at medyo na-traffic ako."

Ngumiti ako kay Manong. "Ayos lang po. Ilang minutes lang naman po akong nag-antay." Tumango siya sa akin bago pinaandar ang kotse.

Nakinig lang ako ng music habang nasa byahe. Ang sarap mag-senti habang nasa sasakyan. Napangiti ako habang ini-imagine na ako ang hinahatid ni Chino at hindi si Anna Marie.

"How's your day, Hessa?" tanong sa akin ni Chino matapos niya akong pagbuksan ng pinto. Hindi agad ako sumagot at inantay ko muna siyang umikot sa driver's seat at makapag-seatbelt.

Bumaling ako sa kanya. "Hindi ba alam mo naman na na-suspend na naman kami ni Jekka? Ikaw kasi eh ang sama ng ugali mo kanina. Hinayaan mo pa na lait-laitin kami ng mga classmates mo," nakasimangot kong saad sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I'm really sorry, Hessa. Promise, next time pagsasabihan ko na ang mga classmates ko. Are you still upset with me?"

"Fine. Aaminin kong dissapointed talaga ako sa 'yo. Hindi mo manlang kasi kami hinayaang mag-explain. Saka hindi naman kasi kami aware na napapalakas na ang boses namin e."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Yeah, I know my faults. I'm really, really sorry, Hessa. I hope you can forgive me."

"HESSA! HESSA!" Napabalikwas ako sa boses na gumising sa akin. Si Manang Fe lang pala.

"Hessa, bumaba ka na. Kanina pa naka-garahe ang sasakyan. Ayaw ka gisingin ni Solis kasi mukhang pagod ka raw kaya ako na ang tinawag niya," marahan niyang saad sa akin.

Maliit naman akong napangiti. HIndi ko namalayang nakatulog pala ako kaka-imagine nang kung ano-ano. Nahiya tuloy ako kay Manang.

"Sorry po. Medyo pagod nga po ako. Umuwi po ba sina kuya?" Isinara ko ang pinto ng kotse at sabay na kaming pumasok sa loob.

"Si Kuya Henzel mo lang ang umuwi. 'Yong mommy mo tumawag kanina, binilin niya na siguraduhin makakakain ka bago matulog. Sa makalawa pa raw sila makakauwi ng daddy mo."

"Sige po Manang, bababa na lang po ako mamaya sa dinner. Magpapalit na lang po muna ako ng damit sa kwarto." Iniwan ko na si Manang at umakyat na ako sa taas.

Dumaan muna ako sa kwarto ni Kuya Henzel. Minsan lang kasi umuuwi ang mga kuya ko. May mga condo sila malapit sa Universities na pinapasukan nila. Si Kuya Heno ay 2nd year college na ngayon at may kursong engineering. Si Kuya Hiro naman ay 3rd year college at kumukuha ng Accountancy habang si Kuya Henzel ay 4th year college at may kursong Architecture.

Kumatok ako ng dalawang beses bago sumungaw ang ulo sa kwarto ni Kuya Henzel. Naabutan kong nakaupo siya sa kama habang kalat ang mga gamit niya sa pagdo-drawing.

"Hello kuya! Busy ka ba? Sorry pumasok na ako miss na kita eh." Lumingon siya sa akin at mabilis na tinabi ang gamit.

Inilahad niya ang dalawang kamay niya kaya agad akong lumapit para mayakap siya.

"Dalaga na talaga ang princess namin. I miss you princess! How's school?" malambing niyang saad. Medyo napasimangot ako bago kumalas ang yakap sa kanya.

"Is there any problem, princess? Bakit ganyan ang mukha mo?" Hinawakan niya ang pisngi ko at pabiro niyang pinangiti ang labi ko. Ngumuso lang ako sa kanya bago naupo sa kama. Kinwento ko ang nangyari kanina hanggang sa suspension namin ng bestfriend kong si Jekka.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon