Kabanata 3

2.5K 85 12
                                    

Kabanata 3

Hessa


Mabilis na lumipas ang tatlong araw na suspension namin kaya ngayon back to normal class na naman kami. Wala namang nangyaring kakaiba kahit pumasok sa isip kong isusumbong kami ni Chino at madagdagan ang punishment namin. Noong 2nd at 3rd day kasi hindi naman na siya lumapit sa amin ni Jekka pero napansin kong sinusulyapan niya ang gawi namin. Ano 'yon tinitingnan niya kung naglilinis ba kami o natutulog ulit gaya nung naabutan niya kami?

"Bes, bakit ba inimbento ang subject na chemistry? Ang hirap sauluhin ng periodic table, spelling pa lang mali na agad. Tingnan mo itong papel ko ang sarap iprito," frustrated na sabi ni Jekka sabay pakita ng papel niyang may zero na score.

Napangiwi naman ako. May ilan naman siyang dapat tama kaya lang wrong spelling. Gaya na lang ng Lithium na ginawa niyang Litiom. Identification kasi ang quiz namin at wrong spelling wrong talaga.

"Buti ka pa naka-6 points." Tiningnan ni Jekka ang papel ko, ibinigay ko naman sa kanya bago nagpanghalumbaba. Hindi naman ako natuwa sa sinabi niya. Bagsak pa rin kasi. Over 15 ang short quiz namin ngayon. After ng lecture, may 10mins to review pagkatapos quiz kaagad kaya kung hindi ka nakinig wala ka talagang maisasagot.

Isa-isang tinawag ni Ma'am Zonia ang surname namin para ma-record ang score.

"Alonzo."

"Zero po ma'am," si Barbie.

"Bautista."

"Zero po."

"Cruz, don't tell me zero rin?" may pagtitimpi na sa boses ni Ma'am.

Nilingon namin si Ralph na dahan-dahang tumango. "Opo ma'am."

Mabilis na sinara ni Ma'am ang class record niya. Tahimik ang lahat dahil inaasahan na namin ang galit ni Ma'am Zonia.

"Nagsasayang lang ako ng laway kung iisa-isahin ko pa kayo. Who got zero in your quiz? Raise your hand..."

Lalong napailing si Ma'am nang nakitang halos lahat ay nagtaas ng kamay.

"Wala ba talaga kayong natututunan sa subject ko? Kahit isa walang pumasa eh lahat naman ng sagot itinuro ko ngayon lang. Kung ganyan pa rin ang attitude niyo hanggang 4th grading, huwag niyo nang asahan na makakapasa kayo sa subject ko!"

Tahimik ang buong klase. Halos lahat ay nakayuko habang nagsesermon si Ma'am. Gaya nang inaasahan, kinumpara na naman niya kami sa Star Section.

"Hindi niyo gayahin ang Star Section! Halos lahat perfect. Eh pano ba naman kasi 10% ng oras ko sa klase niyo lectures habang 90% naman ay sa kakasaway!"

Napapikit na lang ako nang sumabat pa si Boogy.

"Syempre Ma'am kaya nga po Star Section kasi section ng magagaling. Hindi naman namin 'yon kalevel."

Matalim siyang binalingan ni Ma'am Zonia. "'Yan, isa pa 'yan. Walang kayong ginawa kundi mamilosopo. D'yan lang kayo magagaling, imbes na magdahilan bakit hindi na lang kayo makinig para may maisasagot naman kayo at hindi puro bagsak na grades itong nirerecord ko."

May 15mins pa dapat sa oras ni Ma'am Zonia pero nag-walk out na siya matapos ang kanyang sermon. Dahil doon maaga tuloy ang break time namin.

"Oh, canteen na ba tayo, Bess? Sakto una tayong nakalabas, wala pang pila." Tumango naman ako at sabay kaming pumunta ng canteen.

Gaya nang inaasahan ay konti pa nga lang ang estudyante. Twenty minutes pa bago ang recess time.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon