Kabanata 11

2.1K 56 6
                                    

Kabanata 11

Hessa

"Oh, Bess bakit hindi pa rin matanggal ang ngiti mo ngayon? Dahil pa rin ba sa ginawang paglinis ng pangalan natin ni Chino kahapon?" tanong ni Jekka habang busy sa pagsusulat si Ma'am Lulu sa board.

Ngayon lang ako natabihan ni Jekka habang 'di nakatingin si Ma'am. Pasimple siyang nakipagpalitan sa katabi kong si Jasmine.

Umiling ako. "Ano Bes? Di lang makamove-on?" pilosopo kong sagot sa tanong niya.

Nanunuya siyang ngumiti sa akin. "Uy, na-touch ka pa rin ba sa ginawa ni Chino?"

Napailing ako sa kanya. Akala ko pa naman titigilan na niya ako pero parang wala siyang pakialam.

"Hay naku Jekka! Huwag mo na ngang isingit si Chino sa usapan natin. Ikaw ata yung 'di makamove-on eh." Nagkibit-balikat lang siya sa akin pero hindi pa rin naalis ang makahulugang ngiti sa labi niya.

Hindi ko na siya pinansin at nag-focus na lang sa pagkopya ng lesson ngayon. Mabuti na lang puro discussions lang ngayon week. Buong umaga ay ganon lang halos ang ginawa.

Inakala ko na kalmado lang ang magiging araw namin ngayon. Sa kalagitnaan ng break ay humahangos na pumunta sa table namin si Boogy.

"Jekka! Hessa! Bilis! Kailangan ni Barbie ang t-tulong!" Natataranta nitong saad.

"Bakit?"

"Ano?"

Sabay naming sagot ni Jekka na nanlalaki ang mata. Ano na naman kayang meron? Sa itsura ni Boogy ay mukhang may hindi magandang nangyari. Hindi na kami nag-atubili. Iniwan ko na ang inorder kong spag. Si Jekka naman ay binitbit ang sandwich niya.

"Nasaan si Barbie, Boogy?" tanong ko habang palabas ng canteen.

"N-nasa star section!"

Nagkatinginan kami ni Jekka. "Anong ginagawa niya doon?"

"Basta! Pumunta na lang tayo!" Tumakbo kami papuntang room ng star section.

Nasa computer lab na kasi ang mga classmate namin ngayon kaya hindi ko maisip kung paano napunta si Barbie sa room nila Chino.

Gulo ang naabutan namin. Maraming estudyante na nakatayo sa loob at puno rin nang nanonood ang labas ng classrom.

"Woah! Kay Wendy ako pre, ikaw?"

"Doon ako sa manika! Call!"

Maingay at ilan na mukhang may nagpupustahan pa.

"Tabi! Tabi!" Itinulak ni Jekka ang ilang estudyante para lang makapasok kami.

Nagulat kami nang maabutang nagsasabunutan si Barbie at si Wendy. Sa lagay ngayon ay agrabyado si Wendy. Nagkatinginan kami ni Jekka at mabilis siyang sumugod para umawat sa dalawa na wala manlang ni isang umaawat.

"Malandi ka, Barbie! Inahas mo sa akin ang boyfriend ko!!" sigaw ni Wendy nang makalapit ako. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ni Barbie.

Gumaganti naman ng kalmot itong si Barbie. Hindi na namin alam kung paano sila aawatin. Nang hawakan kasi ni Jekka ang kamay ni Wendy ay nadamay pa siya sa gulo.

"Aray!" Dinaluhan ko si Jekka nang maitulak siya ni Wendy.

"Bes! Okay ka lang?" Luminga ako at hinanap si Boogy. Siya lang ang naiisip kong makakatulong kay Barbie. Nakita kong hindi pa rin siya makapasok sa loob ng classroom dahil sa mga estudyanteng nakaharang.

Walang ni isang tumutulong. May ibang walang pakialam at nanonood lang. May ibang nakatingin at nagbubulungan. Nakita ko rin ang grupo ni Anna Marie na mukhang nagsasaya pa sa nangyayari, may hawak pa ngang camera si Trina. Nagngingisian sila at enjoy na enjoy sa pinapanood.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon