Devels the rich

15 1 0
                                    

(A/n: After looooooooong wait, here it is. So si Banny muna ang mag aupdate dahil basta hahaha)

John Ryan Devela's POV

Tahimik. Mayaman. Mabait. Gentleman. Ilan sa mga bagay na denidefine sakin ng mga kaibigan at kakilala ko.

Well, heredero ako ng hacienda Develista. Meron kaming 286sq meters na lupa don. Mga taniman ng aming pinagkakakitaan. Maisan, palayan, niyog mangga atbpa. Ganon kami pero laging sinasabi ni lola na dapat humble lang. Kaya ganto ako.

Sabi nga ni BOB Marley "Money can't buy happiness"

Kaya malungkot ako kahit ganito. Feeling ko kasi, kaya sila dumidikit sakin dahil sa yaman :(

Pero okay lang, kasi masaya naman.

Hindi lang hacienda Develista ang pagmamay ari ng aming pamilya. May Beach resort rin kami at Hospital.

Sa katunayan ay umabsent ako ngayon para pumunta don at iupdate kung anong ganap.

"Good afternoon sir"
"Coffee sir?

Sabi ng mga staff, nurses na mga nadadaanan ko. Nginingitian ko lang sila.

" Sir? Parang may tagos kayo?" - ng lingunin ko ay isang matandang pasyente..

"Ay naku, sir pasyensya na. Si Lola talaga nakalimot na naman sa gamot niya" - sabi ng humahangos na nurse.

"Sige okay lang" at nagpatuloy na ko sa paglalakad. Kinabahan ako, akala ko nalaman na ang lihim ko.

Naiihi tuloy ako. Pumunta ako sa banyo at nadatnan ang kaibigan Kong si Marven.

"Oh pre, anong ginagawa mo rito?" - tanong ni Marven.

"Ah, kami kasi ang may ari ng Hospital na ito. Ako ang magrereport ngayon ng mga nangyayari dito sa Lola ko"- paliwanag ko sa kanya.

"Ah ganun ba, ah Ry may problema kasi ako"- sabi niya.

"Alin? Yung Bill mo ba? Hayaan mo na 'yon ako ng bahala" - sabi ko. Nagpasalamat sya pagkatapos ay umalis na.

Tinawagan ko ang cashier ng hospital at sinabing i- cancel ang ni Marven. Nanginginig na pumayag naman ito.

Ginawa ko na ang trabaho ko at umalis na roon. Kahit gusto ko pang mag stay dahil gustong gusto ko ang amoy ng hospital.

Amoy.... Dugo!

---"---

Kinabukasan~~

Niyaya ako ni Robert sa bahay nila. Nag sabi pa ako sa kanya na kung pwede ay isama ko sila Marven pero 'di sya pumayag.

"Oh! Bert bakit tayong dalawa lang?"

"Rwayan, buddy! Alam ko na sikreto mo!"

Fvck! Pano nya nalaman?!

"H-hahaha a-anong sikreto? Wala akong sikreto Bert!" - nauutal pa ko.

"Alam ko na Rwayan my friend."

Napangiti na lang ako, tutal alam na rin naman nya. Wala na dapat ibang makaalam.

"Oww Rwayan! Ba't ka nakangiti? Baka akala mo di ko alam yang nasa isip mo?" - natatawa niyang sabi at saka nag labas ng bawang??

"HAHAHAHAHA Bert? Anong tingin mo sakin? Mababang uri?"- tinignan ko siya ng masama na siya namang kinatakot niya.

" B-bakit hindi ka natatakot? Hindi ba't bampira ka?"- naguguluhang tanong nito.

" oo, pero hindi ako basta basta Bert"- sinabi ko iyon at nararamdaman ko na naman ang pag ka uhaw ko sa dugo. Lumalabas ng pa unti unti ang nakatagong pangil ko. Nag sisimula ng humaba ang mga kuko ko na kayang pumatay sa isang sandali dahil may lason iyon.

Oo! Ito ang lihim ko. Kung nagtataka kayo, kung bakit hindi ako nasasaktan sa sikat ng araw. Mga Bobo! Naka Sun block ako. Hindi na rin ako tinatablan ng bawang dahil nasa dugong mataas ako.

Hindi ako ordinaryong bampira.

Lumapit ako kay Robert at ngumisi.

"W-wag mo kong patayin."

"HAHAHAHAHAHA anong wag? Alam mo na ang lahat."

"Hindi ko ipagsasabi, pangako"

"Sige, pero sabihin mo muna ng straight ang 'Ruby, Rudy Rakerita'"

"Wubi, Rwudi, Rakwerita"

"HAHAHAHA BULOOOL, pero sige. Aalis nako"

"H-hindi mo na ko papatayin?"- takang tanong niya.

Anong papatayin? Baliw nato! Ang iniinom kong dugo ay ung mga fresh blood ng mga patay, minsan yung mga nadonate sa hospital namin.

" Hindi " - tapos ay pinitik ko siya sa noo. Bukod sa pagiging bampira. Kaya ko din magtanggal ng memorya. Sigurado akong pagising nito ay wala na siya ng maaalala.

Wag kayong maingay pero, tuwing may test ay tinatanggal ko ang memory ni ate Dadale. Naiinis nga ko Kay Aban kasi hindi ko siya malapitan para matanggal ko din memory niya.

---**---

Pauwi na ko samin ng maramdaman kong may sumusunod sa akin. Bilog na bilog ang buwan. Nag mamadali na ko dahil baka hindi ko na maabutan ang Engkantadia.

Nilinlang ko ang sumusunod para maligaw ito. Wala nakong balak sundan ito dahil alas otso pasado na.

"AWOOOOO, ARF ARF AWOOOO!"

Narinig ko sa di kalayuan, dahil sa aking kyuryosidad. Sinundan ko ang tunog.

Nagulat ako sa nakita ko.

Akala ko.

Si Michael ang sinasabi nilang

Taong lobo/aso.

Akala ko ay si Jim lang ang may ganitong kakayahan.

Nagkamali ako.

Dahil

Ito pala ay si....


Dizon.

---------***

(A/n: nasingit na ang Fantasy mga tulok. Alamin ang kwento ni Dizon sa susunod na kabanata)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lihim Ng GarnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon