7:20 AM ako ginising ni Mama para mag-impake dahil dadating ang carriage ng mga 10AM.
I hate this kind of life! Mabuti pa siguro ang ibang tao, malaya pa silang gawin kung anong gugustuhin nila pero ako starting today, my life's going to be tiresome.
Saktong 10AM, dumating na ang aking sundo galing palasyo. Akala ko ang sasakyan namin ay isang carriage na yung sa Cinderella? My goodness, white limousine pala!
"Go anak, alam naming kakayanin mo yan!" sabi ni mama sabay cheer. Ano ba tong si mama, parang sasali sa olympic games ang anak niya.
"Mahal ka namin anak. Go lang ng go! Nandito lang kami!" Isa pa itong si papa, kung maka cheer ano to Globe?
"Bye Shibee!" ang pa smile naman na sabi naman ni Shyra, ang aking bunsong kapatid. One year lang gap namin kaya hindi niya ako tinatawag na ate.
Akala ko, ako lang ang sasakay sa limousine papuntang Emerald, yun pala, nasa loob ang reyna.
"Good morning Shibee!" bati nito. "Magandang umaga din po, Queen Elizabethie." reply ko sa kanya.
"Simula ngayon, tawagin mo narin akong mama, tutal parang anak na ang turing ko sa iyo." nag nod lang ako sa kanya. "Sana naman hindi ka mahiya sa akin Shibee. Pareho lang naman tayo ng pinagmulan."
"Po?" napatanong ako bigla kay mama Bethie. "Alam mo kasi, gaya mo, hindi rin ako pinanganak sa palasyo. Ordinaryong tao lang din naman ako nuon, ang pagkakaiba lang natin eh nanggaling ako sa Ruby at 25 years old na ako ng sinabi nila sa akin na ako ang magiging sunod na reyna."
Di ako makapaniwala sa narinig ko "Ganun po ba?" ang taninging nasabi ko sa reyna, eh kasi nga naiilang.
Nag smile si mama Bethie at nagsimulang magkwento sa buhay niya bago siya naging reyna.
"Nagtatrabaho na ako noon nung sinabi nila sa akin ang pagiging reyna. Kagaya mo, hindi rin ako makapaniwala sa aking nalaman. Pero napag-isipan kong kailangan ako ng mga tao sa Emerald city, pagwala ako, walang magbabantay sa kanila."
"Mabuti pa po kayo, matured na nung napunta kayo sa palasyo. Eh ako seventeen? Bakit ngayon niyo po ako sinabihan, ang aga lang po kasi."
"Si Prince Pocholo kasi ang may idea nun, gusto niyang sa palasyo ka na tumira habang maaga pa, ang dami mo pa kasing dapat matutunan."
Ano daw? Anak niya mismo ang maygustong tumira ako sa palasyo?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Queen of Emerald (On Hold)
Romance"Nagbibiro ba kayo?!" Ang nasabi ko kina mama't papa nang dumating ang aking sundo galing sa palasyo. This is ridiculous! Para akong isang bagay na ipinagtabuyan sa araw na yun. The day when they told me I was about to be sent to a castle and livin...