I was so excited na makita ang mga kaibigan ko pati narin ang kapatid ko na maging ladies.
Pinatawag sila ng reyna at isa-isa tinanong kung anong kaya nilang gawin habang nakaupo ako at nakikinig sa kanila.
Alam kong magiging importante ang role nila dito sa palasyo kaya dapat nilang malaman ang tatahakin at gagawin ng mga Royal Ladies.
Naunang tinanong ng reyna si Rica. "Ako po si Rica Humplepuff, ang kaya ko pong gawin ay magtahi ng damit. Pwede ko pong gawan ng damit ang prinsesa." natuwa si Queen Bethie sa narinig.
Nagsignal siya kay Jea at agad naman itong nagpakilala. "Jea Hensworth po, kaya kong tulungan sa ano mang mga court rules at mga leksyong dapat matutunan ng princesa." Nag nod si Queen Bethie kay Jea tapos ay sumunod ang aking kapatid. "Ako po si Shyra Middleweston, kapatid po ng princesa, bilang kapatid kaya ko pong gawin lahat ng ipaguutos ng princesa para sa akin."
Wow, impressed naman ako magaganda lahat ang mga sagot nila.
Ang huling sumagot ay si Marion. "Uhm... Ako po ay si Marion Ivendore. Ang kaya ko pong gawin ay magpakain ng mga hayop."
Nang narinig namin ang sagot ni Marion lahat kami napatawa. Sa lakas ng tawa ni Rica eh inawat siya ni Jea.
Tumawa rin ang reyna sa pangyayare.
"Bigyan naman natin ng pagkakataon na mag explain ang kaibigan niyo. Sige magpatuloy ka Marion Ivendore." sabi ng reyna "Kasi po may farm kami, at ako po ang nagpapakain ng mga hayop sa farm namin."
"Kaya naman pala, natutuwa lang talaga ako sa mga babaeng ito. Girls with such carefree spirits! Naalala ko tuloy kung gaano ako kapareho ninyo noon. Pero Rica hindi mo na kailangan gumawa ng damit dahil may seamstress na sa palasyo at Marion hindi mo kailangan magpakain ng hayop dahil ang role niyo ay katulad ng mga kayang gawin ni Jea at Shyra, I trust you to be the guide and right hand of the princess all the time and to keep her company. Starting today, I hearby declare that Rica Humplepuff, Jea Hensworth, Shyra Middleweston and Marion Ivendore to be the princess' ladies in waiting."
I was so happy that it went well pero mas masaya na ako na makakasama ko na ang mga kaibigan ko sa palasyo.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Queen of Emerald (On Hold)
Romance"Nagbibiro ba kayo?!" Ang nasabi ko kina mama't papa nang dumating ang aking sundo galing sa palasyo. This is ridiculous! Para akong isang bagay na ipinagtabuyan sa araw na yun. The day when they told me I was about to be sent to a castle and livin...