Ano daw? Anak niya ang maygustong tumira ako sa palasyo? "Ah ganun po ba? Ilan po pala ang anak niyo?"
"Tatlo Shibee. si Prince Pocholo, Prince Kyle at yung youngest ay si Prince Kurt. Paghandaan mo nalang ang sarili mo, hindi kasi sila sanay na may babae sa palasyo. Wala rin kasi akong anak na babae kaya naman ay pumayag na ako sa idea ni Prince Pocholo."
Patay ako nito tatlong lalake sa iisang bahay? I cannot!
"Paumanhin po, pero yung asawa niyo po nasa palasyo rin?" natahimik saglit ang reyna "Wala na siya Shibee." Parang nag-iba saglit yung mood ng reyna ng nag open ako ng topic tungkol sa hari. Wag ka na nga lang magtanong Shibee.
"Oh, nandito na pala tayo!" Malayo pa nga kami sa entrance tanaw ko na ang palasyo.
Nakita ko sa window ng limousine ang magiging tirahan ko. Ang laki! Kung maka castle on the hill vibes ni Ed Sheeran.
"Alam kong kinakabahan ka pero wag kang mag-alala, basta just don't forget to smile. Ipakita mo sa kanilang you're glad to meet them, okay lang ba yun?" payo sa akin ni mama Bethie "Opo mama" ang sagot ko sa kanya.
"Siya nga pala, magkakaroon tayo ng grand ball bukas isang celebration para sa pagdating mo. I can send my messengers para maimbitahan ang iyong mga kaibigan."
Excited sana ako kaso natandaan kong confescated na pala nila mama ang mga gadgets ko. Bawal kasi magdala ng mga high-tech gadgets sa Emerald, pati narin sa Ruby at Sapphire.
"I forgot to mention, makakasayaw mo din sila Pocholo, Kyle at Kurt."
Parang nahilo ako sa narinig nang nakita niya ang aking reaksyon, tumawa ng husto si mama Bethie.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Queen of Emerald (On Hold)
Romance"Nagbibiro ba kayo?!" Ang nasabi ko kina mama't papa nang dumating ang aking sundo galing sa palasyo. This is ridiculous! Para akong isang bagay na ipinagtabuyan sa araw na yun. The day when they told me I was about to be sent to a castle and livin...