Akala ko magiging normal lang yung araw ko na yun, pero pagbukas ko ng pinto, nakita ko sina mama at papa na nakaupo sa dining table at may kasamang isang weird looking woman na naka Victorian na dress.
May suot siyang crown at ang elegant ng poise na kung sa unang tigin aakalain mo talagang isa siyang mannequin.
"Ah... ma? Anong ibig sabihin nito?" ang naging tanong ko bigla kay mama.
Tinignan ako ng matandang babae tapos nagsmile siya sa akin. "Ikaw pala si Shibee. Hello, I am Queen Elizabethie, former queen of Emerald. Nice to meet you." sabi nung babae na ang tawag sa kanyang sarili ay queen.
"Anak, maupo ka, may sasabihin kaming importante sayo." sabi ni mama.
Umupo ako sa dining chair at nakaharap kay Queen Elizabethie.
Baka bibigyan ako ng scholarship nito, o baka naman ay ipapa-adopt ako nila mama at papa? No way! Ayoko! Mas pabor pa ako sa scholarship kay sa makitang magsasign ng adoption papers sina mama at papa para sa babaeng ito.
"Naiintindihan kong naguguluhan kapa sa ngayon Shibee, pero ngayon na ang natatamang panahon para sabihin namin sayo ang iyong nakatakdang susunod na reyna ng Emerald." ang pagsisimula ni mama. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama.
Natatakdang reyna ng Emerald? "Nagbibiro ba kayo?!" Dahil nabigla ako sa narinig ko, tumakbo ako papaakyat sa kwarto ko.
Pffft Queen of Emerald? Ayokong umalis sa Amethyst. My life is in Amethyst!
Narinig ko sila mama at papa na tinatawag ang aking pangalan habang panay ang pagpapaumanhin kay Queen Elizabethie.
Ni lock ko ang pinto ng aking kwarto tapos ay umiyak sa kama.
Hindi ako papayag na magiging Queen ng Emerald, nor Sapphire, nor Ruby! Mabuti pa dito sa Amethyst, walang Kings and Queens o kahit ano pang royalty ang tawag dyan.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Queen of Emerald (On Hold)
Romansa"Nagbibiro ba kayo?!" Ang nasabi ko kina mama't papa nang dumating ang aking sundo galing sa palasyo. This is ridiculous! Para akong isang bagay na ipinagtabuyan sa araw na yun. The day when they told me I was about to be sent to a castle and livin...