"Nako sorry, sorry talaga!" ang sabi ko dun sa taong aking nakabangga.
"Ano kaba? Tumitingin ka nga sa dinadaanan mo." tapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad.
Grabe ang sungit naman ng lalakeng yun. Kung di kalang resident dito sa palasyo hindi sana ako magdadalawang isip na sumbatan ka dahil ikaw tong malapit sa pinto. "Nandito na po ang mga gamit mo mahal na princessa."
"Kanina ka pa diyan mathilde?" shock naman ako bigla. Nag nod lang siya "Sige pakilagay nalang ng mga gamit ko sa loob, ako nalang ang mag-aayos." nag give way ako para kay Mathilde tapos ay pumasok siya sa aking kwarto dala dala ang aking mga bagahe.
"Mabuti po at yan lang ang inabutan niyo." na curious ako sa sinabi ni Mathilde "Anong ibig mong sabihin?"
"Si Prince Kurt po, hindi madaling pakisamahan." pagkatapos inilagay ni Mathilde ang aking mga gamit nagpaalam na siya sa akin "Sige po, mauna napo ako."
"Sige tatawagan nalang kita uli pag may kailangan ako." ang reply ko sa kanya bago niya isinara ang pinto.
So siya pala si Kurt. Di pala madaling pakisamahan ah? Pwes tignan lang natin kung saan ang limitasyon mo Kurt Weddonsbach.
***
Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong naka adjust sa palasyo. Ni sa pagtulog nga hindi nga ako natagalan ng pagaadjust sa kama dahil comportableng- comportable lang ako dito.
Parang napasarap ang aking tulog kaya hindi ko narinig ang tawag sa akin ni Mathilde.
"Princessa Shibee?" ang tawag ni Mathilde sabay katok sa pinto. "Princessa, nandiyan po ba kayo? Princessa sumagot po kayo!"
Laking gulat ko at napagising ako kaagad nang may nakarinig akong isang malakas na ingay bunga ng sapilitang pagbukas ng pinto.
"Anong ibig sabihin ninto?" ang tangi ko lang nasabi sa pangyayare dahil magising ka nalang dahil sa isang ingay at maymakita kang lalake na nasa harap mo. Di ka kaya mauutal?
To be continued...
BINABASA MO ANG
Queen of Emerald (On Hold)
Romance"Nagbibiro ba kayo?!" Ang nasabi ko kina mama't papa nang dumating ang aking sundo galing sa palasyo. This is ridiculous! Para akong isang bagay na ipinagtabuyan sa araw na yun. The day when they told me I was about to be sent to a castle and livin...