Chapter 7- Spongebob

7 1 0
                                    

Andre's POV

Pagkatapos namin kumain napagdesisyunan namin na umuwi na. Pero dahil ang kulit ni Georgina eh nagstay pa kami dun ng ilang oras. Ano ginawa namin? Ayun nag soundtrip kami ng napakalakas. Nabulabog nga yung ibang nagpapahinga sa dorm sa 2nd floor. Kaya kahit ayaw ni Georgina pinahinaan ko. Kawawa naman sila :<

Hindi lang kami nagpatutog. Gumawa din kami ng dance covers. Una yung Swalla ni Jason Derulo naenjoy kasi namin yung kanina sa cafeteria kaya tinuloy namin hehe. Pangalawa yung Lean On ni Dj Snake at Major Lazer. Ang saya nga sayawin eh. Tapos last yung I dont wanna live forever ni Zayn at Taylor. Mejo hot yun ah! Nakakaiblab tuloy siya. Este. Nakakainlab sumayaw. Hehe oo ayun yun.

"Nakakapaod. Ang sakit ng katawan ko. I badly need to rest. Argh" sabi niya habang iniinda ang sakit ng likod niya.

"Ikaw naman kasi. Masyado mo ata ako mamimiss kaya naghahanap ng quality time. Don't worry I'll always have time for you." I said then winked at her.

"Ew. No thanks." She replied.

"Aw. Rejected." I said then I act as if I'm really hurt.

"Such a bad actor. Tsk." She said then giggled.

"We're here." I said when we got to their house.

"Oh. Thanks for the ride. See you!" Sabi niya.

"Uhm. Ah eh. A-ano kasi. " nahihiya kong sabi.

"Hmm? Why? What's wrong?" She asked. Hays pano ko ba to sasabihin.

"Ano kasi. Quarter to 12 na. Eh may curfew kasi ako eh. Hanggang 10:30 lang. Ni lockan na nila ako ng gate. Nag text si mama sakin kanina. Bukas na daw ako umuwi at lagot daw ako kay dad. Oo alam ko nakakatawa kasi kahit 19 years old na ako at lalaki pa tapos may curfew. Eh sa ganun talaga eh. Hays. Ano ba yan nakakahiya naman to. Pero wala kasi ako pupuntahan tapos may pasok bukas tapos yung project ko kay maam Lei di pa tapos. Tapos ang sakit pa ng katawan ko ang dami kong pasa tapos pagod na ako ta-" di niya ako pinatapos sa pagsasalita nang tumawa siya ng malakas.

"HAHAHAHAHA. IKAW MAY CURFEW? FUCK THIS IS RIDICULOUS. HAHAHAHA SUCH A CUTIE." Sabi niya at napakahawak ako sa batok ko at napayuko. Nakakahiya naman to oh! Aish.

"Okay. Tama na. Sige pasok ka. Iwan mo yung motor mo sa garage. Tara sa loob" sabi niya na ikinatuwa ko.

"Talaga? Thank you George!" Masaya kong sabi.

"No prob. Kasalanan ko din naman kung bakit ka naabutan ng curfew mo. HAHAHAHA C..CUR..FEW HAHAHA" pangaasar niya. Hayyy. Strict parents problems. I sighed

"Tara na nga. Sorry na iiyak ka na eh." Pagpasok namin sa bahay napatingin ako sa paligid. Malaki ito. Panay puti itim at brown ang kulay. Pagpasok sa loob nakabungad ang sala. Sa may left side ang kusina. Malaki din ito at may pinto dun papunta sa kung saan nagluluto. Sa right side yung hagdan. 3rd floor ang bahay nila. Nasa 3rd floor daw ang kwarto niya pati ng ate niya.

"Sa 2nd floor ang kwarto nina mom at dad. Nandun din ang 2 guest rooms. Sa 3rd floor ang kwarto namin ni ate. Tapos mini theatre. Meron din mini sala dun" Sabi niya

Maganda ang bahay. Modern ang design. Pero teka bat parang makalat? Baka busy lang sila.

"Ate lydia? Paki handa naman po ng isang guest room para sa kanya" sabi niya sa isang kasambahay.

"Ay maam. May party kanina ang ate niyo. Wala na pong bakante na kwarto. 8 po kasi sila eh."sabi ni ate lydia.

"Hala ganun po ba? Nako pano yan?" Problemado niyang sabi. "Oh siya punta muna tayo sa kwarto ko. Maligo ka na muna dun." Sabi niya at tumango lang ako. Pakiramdam ko tuloy pabigat ako huhu.

"Pasensya ka na ah? Nakakaistorbo ako sayo. Dapat nakapagpahinga ka na." Nahihiya kong sabi.

"Buti alam mo." Sabi niya sabay irap at napatungo ako lalo. Pero bigla siyang napatawa ng mahina at lumapit sakin. "Joke lang! Ayos lang yun no. Kaibigan na kita kaya ayos lang. Kasalanan ko din to kasi nakakaenjoy sumayaw kasama ka" sabi niya na nakapag pasaya sakin. "Salamat ah" sabi ko.

Nakarating na kami sa kwarto niya. Pagbukas niya ng kwarto niya bumungad sakin ang kulay purple at lavander. Ang ganda sa mata. Nakaka chill ang vibe. Puro purple at white ang kulay dito. May ilang picture frames na nakapatong sa study table sa gilid ng kama niya. Ang cute niya nung bata siya. Mukhang nahihiya pa magpapicture. Nakakatuwa.

"Oo na. Alam kong cute ako nung bata ako." Tumawa siya.

"Kaya nga eh. Ang cute cute mo!" Sabi ko at kinurot ang pisngi niya. Nag blush naman siya dahil siguro malapit kami sa isa't isa. Napatingin ako sa labi niya napatitig dun. Ano kaya pakiramdam ng mahalikan yan? Ay ano ba Andre! Ayos nga. Napa ismid ako at tinangg ang tingin ko du pati na din ang kamay ko sa pisngi niya.

"Ah eh. A-ano. Bihis ka n-na" sabi niyang nahihiya. "May cr dyan. Dun ka nalang magbihis" turo niya sa cr sa gilid nang di tumitingin sakin. Ang cute niya pag nagbblush.

"Ah sige salamat." Sabi ko. Pero bago ako pumasok sa cr may sinabi ako na nakapag papula sa kanya na parang kamatis. "I like your spongebob undies." I said then wink.

Napanganga siya sakin at pumasok na ako ng tuluyan sa cr. Nakita ko yun sa may sahig kanina. Hahahahaha. Di ko mapigilang matawa sa nakita ko. Pero mas natawa ako nang sumigaw siya

"AAAAAHH! YOU PERVERT! AAARRGH. ONCE YOU GOT OUT OF THERE I'LL PUNCH YOU HARD!" she screamed then I laughed loud. And I'm sure she heard it because she screamed again because of frustration. HAHAHAHA I can imagine her blushing really hard. So cute.

~~~~~
A/N:

Hi guys! Salamat sa mga nagbabasa. Thank you! Thank youuu so much!

Vote and comment! xoxo

-pol♥

Fighting ChancesWhere stories live. Discover now