Chapter-14 Drunk Georgina is insane

7 0 0
                                    

Andre's POV

Mga dalawang oras na kami dito. At padami na ng padami ang mga tao dito. Etong kasama ko inom lang ng inom. Tapos maya maya eh bigla bigla kakanta ng malakas. Buti mas malakas yung music sa labas. Nako pag naalala niya ginagawa niya ngayon mamumula to sa hiya.

"Ano bang kasalanan ko hah Handre?" Sabi niya na malapit nang pumikit. At kelan pa naging 'Handre' name ko?

"Lam mo Adrian di ko lam talaga dun sa julienne na yon kung bakit ako iniwan eh. Tsk. Maganda naman ako diba? Diba?! Tapos sexy pa!" Sabi niya tapos kinuha ang kamay ko para ilagay sa baywang niya pababa sa may hita. Pero kinuha ko pabalik ang kamay ko. Kelan pa ako naging si Adrian?

Tuwa siya ng malakas. Halatang lasing na at nagsalita "akala ko lab niya ako. Bat niya ko iniwan? Huhuhu. Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why?!" Sabi niya tas nag pout. Oh shit.

"Andyyyyy. Naka move on na ko eh. Naka move na talaga ako dun sa panget na yun!" Sabi niya sakin habang hawak ang pisnngi ko.

"Naging kayo pala?" Tanobg ko sa kausap ko na wala sa wisyo.

"Ay oo! kahit 8 months lang yun sineryoso ko yun hahaha. Siya pers boypren ko eh. Tapohs hiniwan niya koh. Sabi niya di daw nya koh mahal. Haha. Tapohs sabi niya na... na ano. Ano nga ba yun?" Sabi niya habang nagkakamot ng ulo. Pota laptrip itsura niya. Kinuha ko phone ko tapos piniktyuran siya ng ilang beses.

"Ayon naalala ko na. Sabi niya 'You deserve someone better. Goodbye Georgia.' Goodbye niya mukha niya! Letse siya. Huhuhuhu" sabi niya habang yakap ang bote ng beer.

"Georgina stop it. You're drunk already. I'll take you home. Okay?" Sabi ko at akmang bubuhatin na siya pero hinawakan niya ang pisngi ko at lumapit sa kin ang mukha niya ng dahan dahan. Hanggang sa ilang inch nalang ang pagitan ng mga labi namin. Naamoy ko na ang hininga niya na pinaghalong alchohol at mint. Nang muntikan nangmaglapat ang mga labi namin ay bigla siyang umiwas at tumapat sa may balikat ko at




















Sinukahan ako. Oo mga aport. Halik na sana naging suka pa. Ang angas diba? Pagkasuka niya nakatulog na siya. Galing. Napaka galing Georgina Amethyst.

Hinatid ko na siya sa bahay nila. Nakauwi kami ng mga 9:45. Napaka pasaway niya sobra. Ibang iba pag lasing. Parang nasapian ata eh.

Pagkatapos ko siyang maihiga sa kama niya eh tinanggal ko ang sapatos niya at tinawag si manang lydia para bihisan siya at punasan na din. Pagkatapos siyang bihisan eh pumasok ako upang maiayos siya ng higa at kinumutan sya. Binuksan ko ang aircon at nag leave ng note sa noo niya na uminom siya ng gamot at kape pag ka gising niya. Umuwi na din ako pagkatapos.

Pagkauwi ko nagbihis ako at naligo. Binuksan ko ang phone ko at bumungad ang picture namin ni Georgina nung kumanta kami sa cafeteria sa school. Stolen shot ito at ang ganda ng kuha. Magkatinginan kami habang ang daming tao sa paligid namin at pareho kaming naka ngiti dito. Pinost to sa page ng school. Naalala ko bigla ang picture niya kanina nung lasing siya. May naisip akong idea. Hmmm. Magandang pambungad to sa kanya pagka gising niya bukas. HAHAHAHAGA

Georgina's POV

Uughh sakit ng ulo ko shit. Ayoko pang bumangon sobrang sakit ng ulo ko. Napa sapo ako sa ulo ko nang may makapa ako. Isang note? Bakit sa noo ko pa? Binasa ko ang nakasulat dito:

Rise and shine sweetie. Wag mo kalimutan inumin yung gamot dyan ah? And also drink some coffee. I bet you have the worst hangover.

Lovelots,
Dre

At dahil ang lala nga ng hang over ko nahirapan pa akong basahin to. Kinuha ko yung gamot na nakahanda sa side table ko at ininom ito.

Bumaba ako at uminom ng kape. Nandun sina mom at dad pati na din si ate na umagang umaga e ice cream ang kinakain.

"Good morning sis!" -ate alex

"Oh honey how are you? Ano oras ang pasok mo?" Si dad

"Morning guys." I mumbled. "Mamaya pang 1 pasok ko. Parang ayaw ko na nga eh. Pweden bang wag na lang dad?" Sabi ko at nag pout.

"No. May exama kayo next week diba? Georgina." Seryosong sabi ni mom.

"Hays. Okay fine. Whay time is it na ba? It's early pa naman." Sabi ko

"10:30 na sis. Ang tagal mo pa naman maligo. Gora na!" Sabi ni ate.

"K fine. Bye guys."

Umakyat na ako at naligo. Nagbihis na din ako. Dahil mejo maaga pa naman binuksan ko ang phone ko. 23 unread messages. Yung iba galing kina Sophie at Chris. Yung iba sa club members ko. Tas yung isa kay Andre.

Sa message niya nakalagay :

Goodnight sweerheart. Sleepwell. ;)

Tapos may sinend din siya na picture ko sa bar. Shit ang panget ko dito literal. Ang gulo ng buhok. Namumulang mukha at basa din ito dahil umiiyak ako. Bigla ko namang naalala yung nangyari kagabi at gusto ko sapakin sarili ko dahil nakakahiya! Umiyak ako sa harap niya? Tapos muntik ko na din siyang halikan pero nasukahan ko siya. Shit shit shit! Pano ako haharap sa kanya?!

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili konv repleksyon. Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang make up pouch ko. Kailangan maayos ang itsura ko. Para kunwari di affected. Magpapanggap na lang siguro ako na kunwari di ko matandaan. Argh! Nag ayos ako ng sarili. Konting powder. Kilay at lip and cheek tint. Nilugay ko ang buhok ko at kinulot ang dulo nito para makita yung kulay nito. Hays. Kaya ko to. Huhu kaya ko naman siguro humarap sa kanya diba?

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag drive papuntang school. Late na ako sa first subject ko pero ayos lang. Sanay naman na si maam.

"Good afternoon Ms. Wilson. As always you're late. Take your seat." Sabi ni maam. Told ya sanay na siya. Hahahaha

"Hi. Good afternoon" He said then grinned.

"H-hey, yeah. Good afternoon." Sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Ayos ka na? Ang ganda mo ngayon. Well. Araw araw naman, pero nag ayos ka kasi ngayon eh. So uhm. Yah. " mejo magulo niyang sabi.

"Hmm. Thanks." Sabi ko nalang.

"Wala ka naaalala kagabi?" Tanong niya. Nako eto na sinasabi ko eh.

Ngumiti ako at sinabi "wala naman. Bukod sa uminom tayo. Wala na. " sabi ko

"Hmmm. Sabi mo eh." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Aish loko talaga to


"Uy Andre!" Hinabol ko siya sa may parking lot. Uwian na kasi at balak ko sana na mag training kami ngayon. Or bukas kung di siya available ngayon.

"Oh George, bakit?" Sabi niya

"Ah ano kasi. Pwede ka ba ngayon or bukas? Mag ttraining sana tayo." Sabi ko.

"Ay ganun ba? Naku hindi pwede eh. May Familiy dinner kasi kami. Dumating na kasi si Sapphire eh. Kaya ayun dapat nandun ako. Hayy. Tagal na din namin di nagkikita eh." Sabi niya na para bang inaalala yung masasaya nilang memories nung Sapphire. Tss. Okay.

"Okay." I said flatly. Ewan ko ba naiinis ako.

"Eh bukas?" Sabi ko uli.

"Uhm. Sorry talaga pero di pa din. May pupuntahan kasi kami ni Sapphire eh. Busy ako this week. Sorry." Sabi niya "sige alis na ako." Sabi niya at nagmamadaling pumasok sa kotse niya.

Naiwan ako dun na nakatulala. Ewan ko. Parang may mali sa nararamdaman ko. Ano ba to? So mas importante yung Sapphire na yun? Sino ba yun? Ano ba siya ni Andre? Mas importante pa yun kesa sa gagawin namin? Hah! Nakakainis!

Nagsisisaigaw ako sa parking lot at sinipa ko ang mga naka kalat na bato sa paligid. Wal akong pake sa mga nakaka kita sakin. Basta naiinis ako. Nasaktan yung ego ko. Ako pa man din ang lumapit at personal pa!

Ano ba tong nararamdaman ko. Bakit parang masakit? Ano yung masakit? Ego ko lang yun diba? Oo ego ko lang yun...

~~~~~~~~~~

Pol♥

Fighting ChancesWhere stories live. Discover now