Georgina's POV
"Whaaat?" Pumapayag na siya? Eh? Seryoso? Di ko alam kung matutuwa ba ako o ano eh. Parang bigla ako tinamad. HAHAHA
"Yep. Pumapayag na ako. Ayos lang naman kung ayaw mo na eh." He said then winked at me. Hayy ang gwapo. Ay este. Pa kindat kindat pa to. Tss.
"George I know I'm handsome. Don't stare too much." He said then laughed. Anjan nanaman siya sa nickname niya sakin. Ayos lang bet ko naman hihi. Lande.
"A-ano? Ikaw gwapo? Asa!" Sabi ko sabay irap. Nakahanap na kami ng pwesto sa may malaking glass window sa cafeteria. Eto yung nagsisilbing pader dito. Puro salamin kaya maaliwalas. Puti pa ang mga upuan at lamesa. Para malinis tignan.
"Ako na oorder. Ako manlilibre ngayon diba?" Sabi ko at tumango lang siya at ngumiti. Para akong kinikiliti sa ngiti niya. Anubayan! Distraction ah!
Lumapit ako sa counter para umorder. "Morning ate! 2 pong order ng Carbonara tapos 2 coke in can. Tapos 2 slice ng hawaiian pizza tsaka 2 slice ng chocolate mousse cake tapos 2 brownies tsaka po isang order ng lasagna tsaka, cupcake ba yun? Hala ate isa din nun. Tapos 2 bottled water." Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Ang sarap ng pagkain! Kinuha na ni ate yung order ko at ngumiti siya sakin. "Salamat ate Lydia!" Inabot ko ang bayad ko. Pero bago ako umalis may sinabi siya "Ang gwapo ni Andre iha no? Mabait yan. Matalino. Masipag. Minsan tinutulungan ako nyan maglinis dito." Tumawa siya. "Bagay kayo" sabi niya at umalis para kunin ang order ng iba. Ganun pala siya? Hmm. Mukha nga siyang mabait. Gwapo pa! Fafa!
"Ang dami naman nyan!" Sabi ni Dre na mejo nagulat dahil ang dami ng inorder ko.
"Eh sa gutom ako eh. Nililibre la na nga ayaw pa? Aba'y ga" sabi ko na naka pout at nilapag na sa mesa ang pagkain.
"Nah. Nagulat lang ako ang lakas mo kumain! Salamat sa libre! Sa uulitin ah." Sabi niya na natatawa.
Nagsimula na kaming kumain. Pinaguusapan namin yung tungkol sa pagttraining niya.
"Bakit ba kailangan ko magtrain? Antrip ng ate mo? Bakit ako?" He said while eating his pizza.
"I don't know either. I have no idea. Baka may kailangan ka gawin for her? Or may nakita siyang potential? Ewan ko dun" sabi ko.7
Habang naguusap kami bigla tumugtog sa school radio yung
Swalla ni Jason Derulo. Nagkatinginan kami at..Hinigit niya ako patayo at pumunta kami sa gitna. Nagulat ako ng bigla siyang sumayaw. Nakakatawa pero magaling siya sumayaw. Lumapit siya sakin at bumulong "C'mon sweetie. Let's dance." He laughed. Sumayaw din ako. Napanuod ko yung dance video neto kaya alam ko kung pano. Pinagtitinginan kami ng tao at halatang natutuwa sila sa ginagawa naming kalokohan. Wala namang sumasaway samin kaya go lang ng go! Nang patapos na yung kanta hinigit niya ako para magkalapit kami. Konting agwat nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Nagtunginan kami. Oh damn I can smell his breath. It smells like mint and I can smell his after shave? Manly but not strong. Hindi nakakahilo. May narinig kaming tili at nagsisigawan. Para bang kinikilig. May mga nag 'oohhhh' tapos na yung kanta pero nanatili kaming ganto. Ayoko nang humiwalay shet.
"OMGEEE GEORGINAAAA!!"
Napabitaw ako sa kanya nang sumigaw si Steph. Tapos na pala ang klase namin.
"Lumapit silang tatlo sakin at niyugyog ang balikat ko. Si Andre naman ay pinagkaguluhan ng babae. Wth? Chick magnet? Tss.
"Ameeeee! Ang Hot niyo dun kanina juskooo! Magvaviral to for sure!" Sabi ni Chris na tumatalon talon pa. Pareho sila ni Sophie
"Ah eh. Haha. Ano napagtripan lang namin ni Dre yun. Abnormal eh. Hehe"nahihiya kong sabi. Napansin kong dumami yung tao kaya sumigaw ako " Oh ano pang tinitingin tingin niyo? Tapos na yung palabas okay?" Lumapit ako kay Andre at hinigit siya sa mga babaeng minamanyak siya. Obyus naman na naiirita na siya. Naglakad kami palayo at pinagpatuloy ang pagkain namin. Sina Sophie ay nandun sa kabilang table. 'Privacy' daw. Meh.
"Nice moves you got there George" he said playfully.
"You too Dre. Never thought you had that on you. Pwede ka sa mga bridal showers." Sabi ko at tumawa kami pareho.
"Wag ka na pumasok." Sabi ko sa kanya
"Eh? No. Di pwede. Ang grades ko baka bumaba." Naka pout niyang sabi.
"Wth? Try mo minsan wag sumunod sa rules. Kahit minsan lang! I swear masaya. Chill ka lang." Sabi ko sa kanya.
"Ano ba gagawin naten? Mag cucutting tayo? Don't tell me you want to date-" I cut him off.
"What the fuck are you saying?! Of course not! You idiot." I sighed. "We'll train."
"Why so sudden? Kakapayag ko lang ah" nag pout nanaman siya. Nako dapat na niyang itigil yan. Baka ma tempt ako na.. charot! Hehe
"Baka kasi mahirapan ka. Kaya sisimulan na naten ng maaga."
"Eh. Okay. Bahala ka." He said then shrugged.
"Okay then."
~~~~~~~~
A/N:
Ang hot ni Andre omyghaaad! Hihi. So. What can you say about this chapter? Any thoughts?
Vote and comment guys! xoxo
-pol♥
YOU ARE READING
Fighting Chances
Teen FictionShe's not the typical girl. Lahat tayo nakabasa na ng storya kung saan ang babae ang laging mahina. Babae ang laging pinagtatanggol. Ang lalaki ang magliligtas at ang lalaki ang malakas. But their story is different. In this story she's the one who'...