Georgina's POV
Sabay sabay na kaming pumasok sa school. May kanya kanya naman kaming mga sasakyan at motor kaya di hassle. Kasama din namin yung tropa ni Andre. Pumunta kasi sila sa party ni ate kagabi. Andito din si Chris. Aba umattend din pala ang gaga.
Tapos na ang unang subject nang dumating kami. Kaya ang mga estudyante nasa labas ng campus at madaming nagkalat sa school grounds. At dahil sabay sabay kaming dumating at sunod sunod ang mga kotse at motor namin ay napatingin ang lahat. Para tuloy attention seeker ang dating namin kahit hindi -_-
Nang bumaba na sa kanikanilang motor sina Andre, Matt, Evan at Jake eh nagkagulo ang mga malalande. Tss. Totoo pala na sikat tong mga to? Aish. Kaya nahirapan kami ni Chris nang bumaba kami. Kainis ang haharot!
"HOY ANO TO? MEET UP NG MGA FANS AT SILA ANG BOYBAND?! TANGINA. NAKAKAIRITA KAYO AH! ANG HAHAROT NIYO! MAGARAL NGA MUNA KAYO HINDI YUNG PURO LANDE! WALA KAYONG PAGASA SA MGA YAN. NAKAKALOKA KAYO. DUN! SHOO! SHOO! ALIS DALI! MGA SALOT NGA NAMAN OH."sigaw ng naiinis na si Christina Anderson. Oo anak nga siya ng may ari ng school. Pero ayaw niya ipaalam sa iba. Secretary din siya sa Student Gov.
"Luh? Si ate feelingera!"
"Oo nga feeling!"
"Inggit ka lang eh!"
At sunod sunod na ang pambabash sa kanya. Meron pang sinubukan hilahin ang buhok ni Chris. Pero knowing Chris. Di siya papatalo.
Napa smirk siya at nagsalita. "Alam mo kayo. BAGO KAYO MAGTAAS NG BOSES SAKIN AT BAGO NIYO AKO PAGTAASAN NG KILAY NIYO. KILALANIN NIYO MUNA KUNG SINO AKO! AT AYUSIN MO YANG KILAY MO! ANG PANGET! NAKAKALOKA KA. PANIRA KA NG ARAW!" Sigaw niya ulit at nagulat ang mga babae sa sunod niyang ginawa.
Kinuha niya ang mga nametags nila. Lahat ng estudyante dito may nametags sa may dibdib. Nakalagay dun ang apilyedo at grade pati section. Matapos niyang kunin yun eh lumapit siya kay Jake. Ang President.
"You know what to do with those girls." She said.
Ang mga nambastos sa mga miyembro ng student gov ay maaring ma expel o di kaya ay ma suspend.
"You girls are all suspended for one month. And that girl who tried to pull Secretary Tina is expelled. Please go to your assigned rooms. NOW." Madiing sabi ni Jake.
Umalis na sila Chris habang si Jake chinecheck kung okay lang si Chris. Hmmm. May di sinasabi tong si Chris sakin ah. At si Jake lang ang tumawag ng 'Tina' kay Chris.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Dre sakin.
"Oo naman. Buti naunahan ako ni Chris. Baka kasi ako ang masuspend pag nasapak ko sila eh" sabi ko at tumawa.
Tumawa din siya at niyaya na ako pumasok sa next subject. Pareho kaming Grade 11-B sa C naman sina Evan at Matt. Sa A sina Jake at Chris pati si Sophie. Pero wala ang kambal ngayon dahil nasa bakasyon.
Pagdating namin sa room saktong kakapasok lang ni sir. May isang studyante na nakatayo sa harap at di ko na siya namukhaan dahil pinaupo na kami. Dahil late kami magkatabi kami ni Dre. At ang likot niya.
"Okay class. I would like to introduce you our new transferee." Sabi ni sir. Pero di kami nakikinig ni Andre dahil nag d-drawing kami pareho.
"Good afternoon everyone. My name is Julienne Panaligan. Nice to meet you all. I hope we would all get along."
Pareho kaming napaangat ng tingin ni Andre. At nagkatinginan din kami na tila ba pareho kami ng iniisip. At mukhang pareho nga. At kung ano yun? Gulo.
"Bullshit" sabay naming bulong ni Andre habang pareho kaming nakatingin kay Julienne na nakikipag usap sa iba naming kaklase.
Napatingin si Julienne samin at nag smirk siya bago tumingin sa ibang kausap. At pinagkakaguluhan na siya ng mga babae. Gwapo siya. Maputi. Matangkad. Di ganun kalaki ang katawan. Sakto lang. Nung huli naming kita payatot pa ito at nakababa lagi ang buhok. Ngayon nakataas na. May piercing na din ito sa magkabilang tenga.
Napansin kong nakakuyom ang mga kamay ni Andre. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang galit habang nakatitig siya kay Julienne. Hinawakan ko ang kamay niya upang pakalmahin siya. Tumingin ito sakin at nginitian ko siya. Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti din. Ngunit dahil di kami nakikinig kay Sir. Napansin niya kami at pinalabas dahil distraction daw kami. Tss. Kupal.
"Uy sorry napalabas ka sa klase. Nagskip ka nanaman dahil sakin" sabi ko.
"Ayos lang. Di rin kasi ako makapag focus nang dahil sa tanginang Julienne na yon." Sabi niya at nakita ko nanaman ang galit at.. lungkot?
"Bakit ba galit na galit ka sa kanya? Anong koneksyon mo sa kanya bukod sa siya ang kaaway mo at siya ang nag dare sayo na kalabanin ako dati?" Tanong ko.
"H-he killed my little brother. 1 year ago."
~~~~~
-pol♥

YOU ARE READING
Fighting Chances
Teen FictionShe's not the typical girl. Lahat tayo nakabasa na ng storya kung saan ang babae ang laging mahina. Babae ang laging pinagtatanggol. Ang lalaki ang magliligtas at ang lalaki ang malakas. But their story is different. In this story she's the one who'...