Compiled and reposted: May 19, 2017
Date ended: June 14, 2017
***
"Hoy." Parang bubbles na nag-disappear yung panaginip ko dahil sa lapastangang yumuyugyog sa'kin. Bumuntong-hininga ako at hindi siya inintindi. Inaantok pa ako, letse naman, oh. "Hoy, Cinderella! Aba, bangon-bangon din, 'oy!"
Napaupo ako bigla nang marinig ko yung pinakakorning pangalan na narinig ko sa buong buhay ko. Marahas na bumuntong-hininga ako, nagpanting yata ang pandinig ko. Tinitigan ko nang masama si Yanyan na irita namang nakatingin din sa'kin. Puwes, imbyerna rin ako!
"Ew ka naman, Yanyan! Huwag mo nga ako tawaging Cinderella, pwede?" utos ko sa kanya. Kutusan ko 'to sa gums, eh. "Cindy ang name ko, Cindy! Spell ko pa sa'yo, ano?" Binatukan naman niya ako bigla. Pusha! "Marian Rivero, yung mga brain cells ko naaalog, ha! Baka mahawa ako sa kaangahan mo!"
Walang reaction na humalukipkip ang babaita, akala mo naman bagay sa kanya. Ang arte lang. Sa magaganda lang bagay ang mag-inarte. Tse!
"Hoy, Cindy, o kung ano mang name ang mayroon ka, for your impormation—"
"Spell information?" pambabara ko, in-emphasized ko pa yung mismong word.
"Sige, FYI na nga lang!" Pumapadyak-padyak pa ito na akala mo ang disente tingnan. Tumingin siya sa akin ng pataray, 'yong akala mo nanay siya na nanenermon ng anak. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bumangon ka na kung ayaw mong ma-late. Aba, first day mo magka-college tapos nahilik ka lang diyan? In-enjoy masyado ang one year na bakasyon?" Dire-diretsong litanya niya.
Inirapan ko lang siya habang kinukuha sa ilalim ng unan yung tinago kong martilyo. Hinahanda ko talaga ito sa mga ganitong nakakainis na pagkakataon. Inamba ko iyon sa kanya na ikinalaki ng mata niya. Gulat! "Eh, kung paslangin na kaya talaga kita? Isang pukpok ko lang sa ulo mong walang laman, sure akong dead on the spot ka."
"Asus, Cindy, alam mo ba 'yong joke?" Napansin ko ang pagtaas-baba ng muscle sa lalamunan niya kasabay ng isang alanganin at takot na ngiti. Tumawa siya kahit fake namang pakinggan. "Joke lang naman! Eto talaga, hindi mabiro." Hindi nagtagal ay sumeryoso rin ang expression niya. "Pero male-late na talaga tayo. Promise."
"Oo na lang. O, s'ya, layas ka muna at maliligo ako." walang ganang sagot ko. Tumayo na ako at napakamot sa leeg. Umunat ako saglit at sinimulang ayusin ang kama ko.
"K. Fine. Bye." Binuksan na niya ang pinto at padabog itong sinara. Napailing ako. Ang baliw talaga.
Kumuha na ako ng damit at dumiretso na sa banyo. Kailangan talaga palaging fresh kapag magaganda. Alangan namang hindi maligo kung alam nang may pasok. Pero aminin, kapag kalagitnaan ng school year, pawisik-wisik na lang ang iba. Wala, eh, lalo na kung ber months until February, tipong yelo ang tubig, mapapainit ka na lang ng tubig o kaya hilamos at punas na lang, ready to go na.
Napapikit ako at humikab ulit. Nakakairita naman kasi yung pinsan ko na 'yon. Manggigising na lang kailangan pa talaga akong yugyugin! Sinigaw pa talaga 'yong nakakainis kong pangalan! Nakakawala ng gana, eh.
Kung bakit ba naman kasi naadik-adik 'yang nanay ko sa mga Disney, eh. Ang daming magandang pangalan sa Earth, iyong Cinderella pa talaga ang naisip. Sa ganda kong 'to, magiging muchacha lang datingan ko? Hindi ko ma-keri, ah. Kung ang iba, tingin sa ganoong pangalan ay cute at charming, ako, nangingilabot ako. Sinong matinong babae iyong first time lang makita si Prince Charming, nilaglagan na agad ng panty? In love agad? Sino ba iyang Prince Charming na iyan, bakit ganoon lang ang name! Baka mamaya iisa lang si Prince Charming nila, dyusko, polygamy!
BINABASA MO ANG
Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]
Humor[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi naman talaga tanong pero trip lang itanong ng dalawa nating mangingibig na mata...