Steff's
Napahinga ako ng malalim. Mas lalo akong kinakabahan kasi nakikita ko si Yanyan na palakad-lakad sa harap ko. Seryoso? "Marian, pumirmi ka nga."
Napatingin siya sa'kin na parang nagulat. "K-kinakabahan kasi ako."
Parehas lang naman kami, eh.
"Halika nga rito," Inabot ko sa kanya yung kamay ko na hinawakan naman niya kaya hinila ko siya palapit hanggang sa mapaupo siya sa lap ko. Nakagilid siya kaya kita ko pa rin yung side ng face niya. "There, better."
Kita ko yung mabilis na pamumula ng mukha ni Yanyan bago naiilang na napatingin sa'kin, I grinned. "S-Steff!" She tried to get up pero dahil mas malakas ako ay na-waley ang effort ng pinaka-love-love kong future wife na makaalis. "B-bitawan mo nga 'ko! Isa!"
"Dalawa, tatlo," Pang-aasar ko na ikinanguso niya. "Nandito naman tayo sa kwarto mo, eh. Walang makakakita sa'tin."
"Kahit na!" Giit niya.
"Sus, gusto mo naman."
Pinandilatan niya ako ng mata pero mas lalo namang nag-blush. Aww... "Hoy, h-hindi, ah!"
"Oh?"
"H-hindi nga!"
Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ngumiti ng nakakaloko. Magsasalita pa sana siya nang bigla ko siyang kabigin palapit at hinalikan. See? Napatahimik siya ng lips ko.
Napapikit ako habang sinisimulan nang igalaw ang lips ko. Napangiti ako nang humalik din siya pabalik. Hinaplos ko yung leeg niya pababa sa may collarbone habang nakaalalay yung isang kamay ko sa likuran niya. Nakahawak naman siya sa magkabilang balikat ko.
"I love you," Bulong ko nang maghiwalay yung lips namin. Napakagat naman siya sa lower lip niya. Ay, sus, kinikilig siya!
"I love you, too." Humalik siya sa pisngi ko. "Kahit manyakis ka. Bigla-bigla na lang nanghahalik!"
Natawa tuloy ako ng malakas bago siya ihiga sa kama, baka kasi nangangawit na siya sa position niya. Pumaibabaw ako sa kanya. "Gusto mo naman, eh."
Nag-pout lang siya na ikinahagikhik ko. Hindi siya makapagsalita kasi totoo. Hahalik ba naman siya pabalik kung hindi? Yabang ko lang mag-isip. "Ano, okay ka na?"
"H-huh?"
Ngumiti ako habang hinahawi yung buhok na nakaharang sa mukha niya. I kissed her forehead. "Kinakabahan ka pa ba?"
Wala sa sariling napailing siya. "Hindi na."
Pinag-intertwine ko yung mga daliri namin sa isang kamay bago isiniksik yung mukha ko sa leeg niya. Para pa ngang natigilan siya nang humalik ako ro'n. "Parehas lang naman tayong kinakabahan. Kaso kasi, walang mangyayari kapag 'yon pinairal natin."
"H-hm..."
Hinarap ko siya. "Ready ka na ba?" Tanong ko. Marahan naman siyang tumango.
Sabay kaming bumangon at hawak kamay na lumabas ng kwarto niya. Now or never na 'to. Bahala na kung anong magiging reaction nila, lalo na ng Mama ni Yanyan. Yung Papa niya kasi, nag-abroad na ulit kaya wala rito. Basta kahit anong mangyari, pumayag man sila o hindi, hindi ko talaga iiwan si Marian.
Nakita namin si Tita at yung sis ni Yanyan sa living room pagkarating namin. Nanonood ng TV habang nagkukuwentuhan. Napatingin sila sa'min at ngumiti. Napalunok naman ako, si Yanyan naman ay napahigpit ang kapit sa kamay ko. Ito na 'yon. "Ahm, pwede ko po ba kayong makausap?"
Nagkatingin sila bago kami tanguhan. Pinatay ni Tita yung TV tapos naupo naman kami malapit sa kanila. Parang nagkaroon ng dead air sa pagitan namin kasi wala talagang nagsasalita. Seryoso lang si Tita tapos yung kapatid ni Yanyan ay magalang na nagpaalam at umalis. Siguro na-sense niya na private yung sasabihin namin.
"Ano bang sasabihin ninyo at ang seseryoso natin dito?" Tanong ni Tita na may halong pagbibiro.
"Ah, k-kasi po..." Napalunok ako. Nanlalamig na yung kamay namin ni Yanyan sa sobrang kaba, hindi rin nakatulong yung sobrang lakas na kabog ng dibdib ko. Hoo! Napakahirap pala ng ganito! "Ahm," Paano ko ba sisimulan? "H-huwag po sana kayo magagalit sa sasabihin namin."
Hindi siya sumagot, hinihintay niya lang talaga na sabihin namin. Napatingin ako kay Yanyan at parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngayon kaso namumutla na.
Tumikhim ako. "Ano po kasi—"
"Girlfriend ko na po si Steff, Ma."
Natigilan ako and kaagad na nilingon siya. Sinabi niya talaga? Kasi siya 'tong sobra-sobra kung kabahan. Hindi ko alam kung mat-touch ba ako o ano. Pero isa lang ang alam ko, sobrang saya ko kasi siya pa mismo talaga yung nagsabi, which is hindi ko talaga ine-expect.
"Anong sabi mo?"
Bumalik yung kabang nararamdaman ko kanina. Patay! Yung tingin ni Tita, parang hindi niya gusto yung narinig.
Sinundut-sundot ako ni Yanyan sa tagiliran. "S-Steff, i-ikaw naman mag-s-salita." Utal-utal na utos niya sa'kin. Napalunok na naman ako bago tumango.
Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Ayoko namang makita niya na natatakot ako. Hindi pwede. "Girlfriend ko po si Marian, and mahal ko po siya."
Katahimikan...
Hindi ko alam kung anong naiisip ni Tita ngayon. Basta ang alam ko, hindi ko mabasa yung facial expression niya. Mas lalo tuloy akong kinakabahan. Si Yanyan nga kulang na lang baliin niya yung mga buto ko sa higpit ng pagkakahawak niya, eh.
"Naririnig ninyo ba 'yang sinasabi ninyo?" Tanong niya sa mababang boses. Mas bumilis yung kabog ng dibdib ko. Parang may mangyayaring hindi maganda. "Alam ninyo namang magpinsan kayo, 'di ba?"
"O-opo." Sabay na sagot namin ni Yanyan. Napapikit ako. "Pero hindi naman—"
"At parehas kayong babae."
Doon na ako napayuko. Alam ko naman, eh. Aware ako. Babae ako, kami ni Marian. Pero anong magagawa ko?
"Anong kalokohan itong ginagawa ninyo?" Kalmado lang yung boses niya pero ang intense ng dating sa'kin. Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa nang makitang umiiyak na si Yanyan.
"Tita, hindi po 'to kalokohan." Sagot ko habang hinahagod yung likuran ng girlfriend ko. Ang sakit lang na sa kanya ko pa talaga narinig na kalokohan lang yung mayro'n kami ni Yanyan. Mahal namin yung isa't isa. Walang kalokohan doon.
"Kung hindi 'yan kalokohan, eh, ano?" Nasapo niya ang noo, halatang na-stress siya sa nalaman. "Malalaki na kayo, Steff, Marian. Ano ba 'yan?"
Hindi ako makasagot. Ano 'yun? Alam ko naman na mali sa paningin nila. Pero sana naman—
"Mama, alam naman po namin yung ginagawa namin." Sabi ni Yanyan sa ina niya. "Hindi ko naman po inisip na mai-in love ako kay Steff pero nangyari na, eh. Hindi naman po namin mapipili kung sino yung mamahalin namin."
"Ayon na, nando'n na tayo. Pero bakit si Steff pa?" Tanong ni Tita, bakas yung disappointment para sa anak. "Alam kong hindi kayo mag-pinsan sa dugo pero parehas kayong babae. 'Yon ang issue!" Nilingon niya ako. "Alam na ba 'to ng mga magulang mo?"
"H-hindi pa po."
"Puwes, pauwiin mo sila." Utos niya, "Hindi ko 'to pwede palagpasin lang. Nako!" Medyo nagtaas na siya ng boses. "Umuwi ka muna, Steff. Mag-uusap lang kami."
Napatingin ako kay Yanyan and pansin ko yung takot sa mata niya. "Pero Tita—"
"Please lang, okay?"
"Babalik ako, okay?" Mahinang sabi ko kay Marian na tuluy-tuloy lang sa pag-iyak. Pinunasan ko yung luha niya bago siya halikan sa noo, wala na akong pakialam kung nakikita kami ng Mama niya. Kailangan 'to ng girlfriend ko. Maramdaman man lang niya yung assurance na nandito lang ako. "I love you."
"I...love you, too."
Humarap ako Tita. "Alis na po ako."
Wala siyang naging sagot. Tumingin ako kay Marian, nginitian ko siya bago umalis.
_____
BINABASA MO ANG
Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]
Humor[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi naman talaga tanong pero trip lang itanong ng dalawa nating mangingibig na mata...