Yanyan's
"Seryoso? May girlfriend ka?"
Kumunot yung noo ko sa tanong nitong ka-friendship ko na si Rin. Siguro kung makikita sila ng pinsan ko, ay. Malamang sa malamang, hindi sila matatandaan ni Cindy. Sad layp.
"Meron nga kasi." Sagot ko sabay pout. Pang-ilang tanong na nila kasi iyan. Parang ayaw maniwala na girlfriend ang meron ako at hindi boyfriend. Hay. Hindi ba talaga kapani-paniwala iyon? Kung sabagay. Sa cute ko ba namang 'to, walang mag-aakalang pwede palang mainlab ako sa girlash na katulad ni Steff. "Ayaw ninyo maniwala."
"Hindi naman sa gano'n," singit ni Renzy, "tanda mo? Parang last time lang, kilig na kilig ka pa kay Renzo kasi nililigawan ka na niya." Tumaas yung kilay niya. "Tapos biglang malalaman na lang namin na may girlfriend ka na? At talagang girlfriend, ha?"
"Sa girlfriend, eh." Baliwalang sagot ko. "Susunduin niya ako ngayon!"
Ih, nikikilig ako!
"Sinong lalaki sa inyo?" Tanong ni Mariel na ikinakunot ng noo ko. Ano raw? Lalaki? "Siya siguro, 'no?"
"Ha? Lalaki?" Gulong tanong ko. "Babae si Steff. Kaya nga girlfriend, eh." Ano bang pinagsasabi ng mga 'to?
"Oh, Steff daw name." Sabi ni Renzy na patangu-tango pa. Tumangu-tango naman sina Rin at Mariel. Anong problema ng mga 'to? "Mukhang siya nga ang lalaki. Steff, eh. Medyo manly."
"Tama. Tama." Sang-ayon ni Rin.
"Kailangan makilatis." Biglang sumeryoso yung tono ng boses ni Mariel. "Alam mo naman ngayon, hindi na lang lalaki marunong manloko."
Ano raw?
"Hoy, pinagsasabi ninyo?" Naguguluhang tanong ko. Seriously, daya nila, ah. Hindi man lang ako sinasali sa usapan. Hello! Nandito kaya ako!
"Kailangan protektahan natin itong kaibigan natin."
"Pagong pa naman."
"Ha?" Lumingun-lingon ako sa paligid, puro mga students na labas-masok lang sa gate ng university ang nakikita ko. "Wala namang pagong, eh."
Tumawa sila. "Meron."
"Wala naman, eh." Napakamot na ako ng ulo. "Pinagloloko ninyo ako."
Tawa lang sila. Bahala nga sila riyan!
Kinuha ko yung selpon ko at napangiwi sa dami ng missed calls ni Cindy. Ilang hours nang nakalipas yung mga tawag na hindi ko nasagot at sinadyang hindi sagutin. Eh, kasi naman! Baka pahirapan na naman niya ako! Suking-suki ako ng kasadistahan no'n. Kaiyak.
Yung ngiwi ko ay napunta sa ngiti nang biglang lumitaw sa screen yung pangalan ni Steff. Ih, natawag siya! Nikikilig ako, bakit!
"Steff, hello!" Masiglang bati ko sa kanya na ikinatawa nito. Pansin ko namang biglang napatitig yung tatlong kasama ko sa akin. Kiber ko sa kanila. "Saan ka na?"
"Malapit na ako."
"Drive ka?"
"Yep," sagot nito. Pansin ko namang mas lalong lumalapit yung pagmumukha nina Rin sa akin. "Naka-loud speaker naman ako kaya nasa daan lang ang mata ko."
"Okey." Pakantang sagot ko. "Malapit ka na?"
"Oo nga." Narinig ko yung tawa niya. "Miss mo 'ko, 'no?"
"Hindi kaya." Kontra ko. "Punta ka na rito, bilis!" Pinatay ko kaagad yung tawag bago pa siya makasagot. Kaso napangiwi ako. Baka gantihan ako no'n mamaya dahil sa ginawa ko, yikes!
BINABASA MO ANG
Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]
Humor[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi naman talaga tanong pero trip lang itanong ng dalawa nating mangingibig na mata...