Cindy's
"Siraulo ka talaga, sana sinabi mong nilalagnat ka! Hindi yung makikita ka naming nakabulagta na sa lamesa habang may nagp-play na karima-rimarim na movie sa laptop mo!"
Wala sa loob na napairap ako na mas ikinahilo ko. Shit. Tumaas tuloy lalo yung lagnat ko dahil sa mga nangyari. Feeling ko naghihingalo na ako. "Huwag kang OA, Ate Steff. Lagnat lang, eh."
Pumikit ako pero ramdam kong tinitingnan niya ako ng masama. "Lagnat lang?! Ayos ka lang? Eh, kita mong tumaas pa lalo iyang temperatura mo!"
"Ingay naman." Maarteng sabi ko. Pag-iinarte lang ang keri kong gawin ngayon kasi nanlalambot talaga ako. Ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko.
Narinig kong pumalatak siya at nagbuntong-hininga. "May bisita ka nga pala."
"Ayoko ng bisita." Wala akong pakialam kung sino man iyang alien na nagtatangkang makita ang kagandahan ko sa kabila ng nararanasan kong sakit. Charot! Pero seriously, wala ako sa mood humarap sa kahit na sinong bisita. Mas gusto kong mapag-isa.
"Loko. Yung girlfriend mong bisita mo."
Naramdaman ko namang nagwala ang puso ko kasabay ng kakaibang kirot. Anak ng, nilalagnat na't lahat pero masakit pa rin? Kapal naman ng apog ng Juliet na 'yan na dumalaw. "Sinong girlfriend? Wala ako no'n."
Napasinghap naman siya. "Baliw ka ba? May amnesia lang ang peg? Ano bang problema ninyong dalawa? Pagdating dito ni Juliet—"
"Hindi ko siya kilala."
"Cinderella!"
"Cindy pangalan ko."
"Mag-usap nga kayo!"
Tumalikod ako at nagtalukbong ng kumot. "Layas. Wala akong kilalang Juliet."
Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Maya-maya lang ay narinig ko na lang ang mahinang pagsara ng pinto. Pero alam kong may tao pa rin dito at natatakot akong magtanggal ng kumot o dumilat man lang.
Nagbuntong-hininga ito. "Cindy."
Hindi ako sumagot. Parang may something na nakabara sa lalamunan ko. Bigla ring mas uminit yung gilid ng mata ko. Shems, maiiyak na naman yata ako.
"Cindy," Naramdaman kong gumalaw yung kama, napalunok ako kasi bigla akong kinabahan. Napahawak ako ng mahigpit sa bedsheet. "Cindy, please."
"Umalis ka na." Matigas na sabi ko habang pigil na pigil na huwag manginig ang boses.
"Kamustang pakiramdam mo?"
Hindi ako sumagot. Nakakainis din siya, eh. Kita nang nilalagnat ako mangangamusta pa? Eh, feeling ko nga kaunting push na lang sa ilalim na ng lupa ang bagsak ko! Hindi naman kasi talaga akong sanay na nagkakasakit.
"Ate Steff went to work already. " Mahinang sabi niya at tumikhim na parang naiilang dahil sa sitwasyon namin. Well, awkward naman talaga. "Even you cousin's not here dahil may class siya. Your sister asked me to take care of you."
"No thanks." Mapakla kong sagot. "Baka lalo lang akong magkasakit."
"Mine..."
"Cindy pangalan ko." Pambabara ko, "Pakiusap lang, umalis ka na. Ayokong makita ka at lalong ayokong ikaw ang mag-alaga sa'kin. Kung gusto mo, bumalik ka na lang do'n sa letseng Romeo mo."
"Cindy..." Mas mahinang tawag niya sa'kin, medyo shaky na rin ang boses niya. "I'm sorry."
Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na lang siya. Lalayas din 'yan kapag hindi pinansin. Asa naman siyang kakausapin ko siya. Pagkatapos ng nakita ko? Nah!
BINABASA MO ANG
Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]
Humor[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi naman talaga tanong pero trip lang itanong ng dalawa nating mangingibig na mata...