Cindy's
Hay, buhay. Parang life.
One. Two. Three. Four. Five.
Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Ilang oras na rin na wala siya. Ay wow, naging pink na dito mata ko't lahat-lahat tapos wala pa rin siya? Ano 'yon, na-amnesia? Nalimutan nang may girlfriend siya? Galing! Usually nandito na agad 'yon at nakikipaglandian sa'kin. Lalo na't walang pasok.
"Walang poreber!"
Tiningnan ko nang masama si Yan. Bwisit 'to, kita nang naba-badtrip na 'ko tapos sasabihin pa 'yon? Porke nagka-develop-an na sila ng kapatid ko, ganern? Gano'n na 'yon? "Hoy, babae! Manahimik ka riyan!"
"Hala. Depensib, eh." Painosente niyang sagot sabay angat ng hawak niyang phone. "Nanonood kaya ako!"
"Anong pinapanood mo, aber?"
"Tom and Jerry!" Masigla niyang tugon.
"Letse!" Iritableng sagot ko. "Palamon ko sa'yo 'yang cellphone mo, eh." Edi si Tom at Jerry na may poreber!
"Sama!"
Inirapan ko lang siya at muling nagmukmok sa puwesto ko. Kapag si Juliet hindi ko pa nakita sa loob ng sampung minuto, susugurin ko na siya sa bahay nila! Malaman ko lang na si Romeo ulit ang dahilan kung bakit wala siya ngayon, mapapatay ko na talaga 'yon! Humanda siya!
Muli akong nagbilang, pero wala pa yatang ten seconds ang lumilipas ay tumayo na ako. "Nasaan na 'yon!"
Gulantang naman na napalingon sa'kin si Yanyan. "Nasaan yung ano?"
"Yung martilyo ko." Halos magkadikit na yung kilay ko sa sobrang pagkaasar.
Bigla naman siyang namutla at ngumiti ng alanganin. "Ci-Cindy, mabait naman ako ngayon, 'di ba?"
"Oh, tapos?"
"Ayokong mabutasan ng ulo?" Patanong na sagot niya. Nakahawak pa siya sa ulo, parang self-defense.
Ay sus. Kung hindi lang masama ang araw ko, tatawanan ko 'to, eh. "Bakit patanong? Gusto mo rin mabutasan kahit papa'no?"
Mabilis naman siyang umiling. Lumapit ako at binatukan siya ng malakas. "Ouch!" Tumingin siya sa'kin na akala mo aping-api siya. "It hurts!"
"Huwag kasing assuming."
Nang mahanap ko ang martilyo na pinamana pa sa'kin ng lola ko, na galing sa pinsan niya na binigay ng kapatid nito na galing sa best friend nito na minana pa sa tatay nitong karpintero—charot lang. Nakuha ko lang 'to sa tambakan ng mga anik-anik sa bahay. Feeling antique lang yung inosenteng martilyo. Oh, well. Ganito talaga kapag maganda.
Nagbihis na agad ako at nag-ayos bago lumayas. Hayaan na lang si Yanyan na feel at home sa'min. Sana lang virgin pa siya pag-uwi ko, maya-maya nasa bahay na si Ate, eh. Rated SPG, the following scenes are not suitable for young audiences. Parental guidance is advised. Taray!
At dahil wala naman akong sasakyan, edi pinush ko na ang tuluyang paglalakwatsa sa pamamagitan ng pagco-commute. Mabilis naman akong nakarating sa subdivision kung saan siya nakatira. Trapik pa rin sa Pinas pero dahil maganda aketch ay nag-give way na sila para mabilis akong makarating. Joke. Baka mamaya tamaan ako ng kidlat dito. Dyosa ako na hindi marunong maghimala. Charot. Thug life.
Nakilala ako agad ng security guard nina Juliet kaya naman pinagbuksan agad nila ako ng gate.
"Ay, Ma'am, wala po si Ma'am Juliet sa loob." Bungad ni kuyang guard.
Tumaas naman agad ang kilay ko sa sinabi niya. "Saan daw nagpunta?"
"Kay Sir Romeo po."
May sumirit na yatang dugo sa ulo ko. Kumukulo na. Juliet, nako. Hindi ka pumunta ng bahay para lang do'n sa lintik na Romeo na 'yon.
BINABASA MO ANG
Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]
Humor[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi naman talaga tanong pero trip lang itanong ng dalawa nating mangingibig na mata...