Chapter 5

13.7K 543 28
                                    

"Rise and shine, everybody!"

Pakiramdam ko pumintig ang isang ugat sa ulo ko nang marinig kong may sumigaw. As in, feeling ko ay capital letters 'yon lahat—with exclamation point pa! Buset. Kahit hindi ako dumilat, tumingin, bumangon, o kahit hindi siya magpakilala, alam na alam ko kung sino ang owner ng pinakapangit na boses na 'yon.

Marian Rivero.

Ngayon nagtataka na ako kung step cousin ko lang din ba siya dahil wala sa magandang lahi namin ang taong may boses ipis na sobrang tinis! Nakakairita!

"Everybody! Rise and—"

"Letse, tumahimik ka nga, Yanyan!" saway ko sa kanya, "'Yang boses mo masyadong nangingibabaw! At saka wow, ah," Tinaasan ko siya ng kilay. "Maka-everybody ka, akala mo libu-libo ang tao sa kwarto ko. Kung gusto mo manggising ng kapit-bahay, doon ka sa labas! Pasakan kita ng pako sa bunganga, eh, makita mo."

Bumangon na ako habang nagkakamot sa ulo. Binato ko sa kanya yung unan ko nang malakas. Sinapol siya sa mukha. Tinitigan niya ako nang masama pero hindi naman makaganti. Hawak-hawak lang niya ang unan ko. Hay, nako. Kailangan ko pa tuloy magpalit ng punda mamaya. Marumi na, eh. Nabahiran na ng germs ni Yanyan.

"Ang hard mo, pinsan! Parang rise and shine everybody lang ang sinabi, ko shinotgun mo naman ako ng bunganga mo!"

Nagpantig ang tainga ko sa sagot niya. "Ah, sumasagot ka na, ha, Marian?" Tanong ko habang pinanlilisikan siya ng mata.

Biglang umamo ang mukha ng babaita. "H-hindi syempre! Takot ko lang sa'yo, 'no."

Duwag talaga.

"Buti naman." Hinablot ko sa kanya ang unan ko. Tinalukbong ko na sa'kin 'yong kumot at pumikit. Hay, nakakatamad.

"Anong ginagawa mo?" Inalis niya ang kumot ko.

Tumingin ako sa kaniya nang naka-poker face. "Yanyan. Slow ka lang pero hindi ka tanga." wika ko. Or tanga nga siya? "Tingnan mo nga, mukha ba akong nagjo-jogging!"

"Aray, ah. Hindi naman kasi 'yon!" sigaw niya.

"Eh, ano nga?" Bumangon ulit ako para tingnan siya nang masama.

Para naman s'yang asong bumahag ang buntot. Akala mo talaga. Feeling matapang kahit hindi. "M-male-late na kasi tayo sa school! B-bumangon ka na kasi."

Bumuntong-hininga ako at muling nahiga. Nanlalambot pa ako. "Ayokong pumasok."

"What!" sigaw niya. So ganyanan? Kapag magugulat kailangan English? Peste. Nakakatulig. Hindi maganda boses niya. "Wala pa ngang isang linggo kang napasok tapos tinatamad ka na agad?"

Hindi na ako sumagot. Hay nako, matutulog na lang ako. School daw. Asar! Pumasok siyang mag-isa. Maganda ako, walang makakapilit sa akin! Duh!

"Aba! Hoy, Cinderella Hayssbert, pumasok ka na!" singhal ng pinsan kong never pumalya ang vocal chords. Eh, kung hugutin ko kaya lalamunan nito?

"Hindi kita nanay kaya 'wag mo akong sermunan. Pasalamat ka tinatamad ako dahil kung hindi, kanina ka pa sana nakabulagta riyan dahil sa makasalanang pagbigkas mo ng whole name ko."

"Naman kasi, eh...bumangon ka na!"

"Ayoko nga."

"Cindy!"

"Ano?"

"Bangon na!"

"Ayoko." Umikut-ikot ako sa kumot ko hanggang sa nagmukha na akong binalot na sushi.

"Ano ba 'yan, Cindy. Para kang pasiyente sa mental."

Umikot ako paharap sa kanya. Hindi ako makagalaw, eh. "Wow, ah! Ako nga sushi ang naisip ko tapos ikaw mental kaagad? Aba, matindi." Inirapan ko siya at tinitigan nang ubod-sama. Jusko naman, ang aga-aga, makakapaslang pa yata ako ng pangit. "Lumayas-layas ka sa harap ko at baka hindi kita matantiya."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon