"Hoy, Cinderella!" Namaywang ang pinsan ko. Akala mo naman siya si Mama. Bwisit. "Aba, sinusuwerte ka, hindi ka pala pumasok kahapon! Nasaan ka no'n, aber?"
"Basta!" sigaw ko. Nakakatulig boses niya.
"Basta? Basta lang? Aba, matindi! Ikaw yung may problema rito, baka akala mo." sermon niya sa akin. Hindi pa nakuntento at talagang dinutdot pa ang ulo ko.
Nagpantig na yung tainga ko dahil sa lakas ng boses niya at sa ginagawa niya sa'kin. Hinarap ko siya at maangas na tinulak sa balikat. "Hoy, Marian! Asensado ka, ah, papalag ka na sa akin? Papalag?"
"Hindi naman sa─"
"Abusado ka rin, eh, ano? Hindi porke't hindi ako sumasabat o sumasagot, may karapatan ka nang sigaw-sigawan ako." Nginisihan ko siya. "Hmm...baka naman gusto mong maparusahan ulit?"
Bigla naman siyang namutla. Mabilis na umiling ang babaita. Ngumiti lang ako ulit ng mas nakakatakot na mas lalong nagpaputla ng pagkatao niya. Palambing na hinawakan niya ako sa braso. "Ikaw talaga Cindy, hindi ka na mabiro! Syempre hindi ako papalag sa'yo─ikaw pa? Boss kita, eh! Nagpa-praktis lang po, Boss." sabi niya.
Para siyang pasahero sa jeep magsalita. Maka-boss wagas.
Tinitigan ko siya nang masama habang nilalapit ang mukha ko sa kanya, yung parang hahalikan ko siya─pero─eww! 'Di ko 'yon gagawin, 'no. Sinisindak ko lang 'tong haliparot na talipandas na 'to. "So, pinagpapraktisan mo ako?"
"H-hindi!" sigaw niya.
"Sinisigawan mo na ako niyan?" Mas lumapit pa ako sa kanya. Umatras naman siya.
"H-hindi po, boss." sagot niya sa mas mahinang boses. Aww, ang kyot ng pinsan ko, namumutla na sa takot.
Ilalapit ko pa sana ang sarili ko sa kanya hanggang sa bumagsak siya sa sofa ang kaso, may epal na kamay na humarang sa mukha ko. Ehem─sa magandang mukha ko.
"Anong gagawin mo sa kanya?" tanong sa'kin nitong magaling kong kapatid. Sa kanya yung epal na kamay na 'yon.
Tinitigan ko si Ate Steff nang maigi na sa point of view ng iba siguro, eh, iisipin nilang pinanlilisikan ko ng tingin ang kapatid ko. Iba yung hilatsa ng pagmumukha niya, eh. Parang... "Nagseselos ka ba?"
"What?" deny niya. Lalo pang kumunot ang noo nito.
Tinitigan ko muna si Yanyan. Napalunok siya at parang nanlalambot na napasalampak sa sofa bago huminga ng malalim. Tumingin ulit ako sa nakakaasar kong kapatid. Binatukan ko siya nang malakas.
"Aray!" Sinapo ni Ate ang noo niyang binatukan ko. Halatang nainis siya. "What was that for?"
Gusto ko sanang matawa kasi namumula ang noo niya ang kaso hindi pwede. Naaasar pa ako sa kanya kaya binatukan ko siya ulit. "'Yan! Dapat 'yan sa'yo!"
"Masakit na, ah! Ano bang problema mo?" Mukhang mas lalo siyang nainis sa ginawa ko. Duh! Sinong hindi maiinis? Sorry siya, naiinis din ako.
"Gaga ka kasi! Sa lahat ng pagseselosan mo, ako pa!"
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Oh, sige, mag-deny pa. Oo. Aasenso tayo riyan." sarcastic na tugon ko. "Ate naman, sa lahat ng pagseselosan mo, ako pa talaga?"
Para naman siyang natuklaw ng ahas at biglang naglikot ang mga mata. "Ano bang pinagsasabi mo?"
"Ah, ganyan? So wala lang sa'yo yung nakita mo?"
"Huh?"
"Ay, nako, ewan ko sa'yo! Look," Binigyan ko siya ng isang mapanghamong tingin. Tinulak ko siya para hindi nakaharang kay Yanyan na parang batang nakaupo lang at nakatingin sa amin. Lumapit ulit ako sa pinsan ko katulad nang ginawa ko sa kanya kanina. Bigla naman akong tinulak ni Ate Steff palayo.
BINABASA MO ANG
Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]
Humor[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi naman talaga tanong pero trip lang itanong ng dalawa nating mangingibig na mata...