Steff's
"Ma'am—"
"Ang kulit mo, be," Sabi ko sa ka-workmate at close friend ko na ring si Mico."Sabing huwag mo 'kong tatawaging ma'am. Nakakaloka ka na!"
Si bakla, inirapan naman ako. Edi inirapan ko din siya. "Eh, kasi po, mas mataas posisyon ninyo sa'kin kaya tiisin mo 'ko!"
"Oo na lang." Sabi ko habang tuloy lang sa pag-aayos ng mga gamit ko. Eh, sa excited na 'kong umuwi, tsaka dadaan pa ako kay Yanyan my love. Yee. Daan muna kaya ako sa mall para mabilhan ko na rin ng pasalubong? "May kailangan ka ba?"
"Ako waley," Sabi niya na ikinataas ng kilay ko. "Pero si bossing natin, meron."
Muntik na akong mapairap doon sa huling sinabi niya. Bumuntong hininga na lang ako at tumango. Umalis naman na agad si Mico, mukhang ngarag na ngarag. Haharot na naman siguro.
Pagkatapos mag-ayos ay naglakad na ako papunta sa office ni Sir. Hay nako, ano naman kayang kailangan niya? Galing talaga ng timing, kung kailan out ko na, saka naman niya ako ipapatawag. Maaapurnada pa tuloy yung uwi ko, matatagalan pa bago ko masilayan si Yanyan. Nakakainit lang ng ulo.
Kumatok ako sa pinto ng office ng boss ko. Pumasok ako nang makarinig ako ng mahinang boses. Come in daw. Huminga ako ng malalim at pumasok na. Nakita ko ang boss ko na prenteng nakaupo sa swivel chair niya. Nakangiti siya sa akin as usual. Okay, gwapo siya pero hindi ko type. Parang gusto ko tuloy mapailing, alam ko yung ibig sabihin ng ngiti niya.
"Sir, pinatawag ninyo po ako?"
Umiling siya at nag-lean sa kanyang table. "Sabi ko sa'yo, Jake na lang itawag mo sa'kin kapag tayo lang."
Pwedeng umirap? Hindi? Okay. "Sorry po."
"Okay lang." Ngumiti na naman siya, tumikhim, at tumingin sa relo niya. "Pauwi ka na ba?"
Oo sana. Kanina pa nga sana ako nakauwi, kanina ko pa sana nakita si Yanyan. Kaso wala, epal ka. "Yes po."
"Good!" He beamed. "May alam akong malapit na restaurant dito. Kung gusto mo, kain muna tayo. Ako na lang maghahatid sa'yo─"
"Sir," singit ko, "Jake, I mean, thank you sa offer pero kaya kong umuwi mag-isa."
Natahimik siya. Jusmiyo, hanggang anong oras tayo rito! Gusto ko nang umuwi! Bakit ba kasi may boss akong abnormal!
"Napapansin kong palagi mo 'kong tinatanggihan." Ay wow, napansin ninyo pala? Akala ko halaman kayo sa manhid, eh. "Naiilang ka ba sa akin?"
"Hindi naman po, Sir," Pero naiinis ako sa'yo kasi halatang nagpapa-presko ka sa'kin. "Uuwi na po ako."
"Ayaw mo talagang magpahatid?"
Ay makulit siya. Ulit-ulit? Unli? Bingi? Matigas ulo? "Sorry po, Sir, pero kaya ko na pong mag-isa."
Tumango siya. "Then, can I invite you next time for dinner?" Again, ngumiti na naman siya, pero may halong landi. "Para mas makilala natin ang isa't-isa."
"I'll think about it, Sir." Sagot ko na lang. Mukhang na-satisfied naman siya at mukhang wala na ring balak pang magsalita. Nagpaalam na ako at tuluyan na ring nakaalis ng opisina niya. Sa wakas.
"Bwisit." Inis na bulong ko habang naglalakad paalis. Nakarating na nga rin ako sa parking lot at sumakay na sa sasakyan ko. Ini-start ko na ang makina. Nakakainit siya ng ulo, in fairness. "Try niyang basahin yung resume ko ng paulit-ulit para mas makilala niya 'ko."
Alam kong makulit and persistent din akong tao pero naiirita talaga ako sa kanya. Kulang na lang ipamukha ko sa kanya ng literal ang katagang hindi ko siya type para tigilan na niya ako. May Yanyan na 'ko, hindi hamak na mas angat si Marian sa kanya kahit may saltik at slow 'yon.
BINABASA MO ANG
Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]
Humor[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi naman talaga tanong pero trip lang itanong ng dalawa nating mangingibig na mata...