"Cinderella, magpapasa ka talaga ng sunog?"
Napakunot ako ng noo sa sinabi ng one and only naming professor sa biology na si Sir Tres. "Cindy po, Sir."
Binigyan niya ako ng bored na tingin at ibinalik ang focus doon sa skeletonized na dahon na pinasa ko na sunog daw. "Wala akong pakialam. Ngayon, anong grade ang ibibigay ko sa'yo kung out of ten na pinasa mo, isa lang ang matinong nagawa mo?"
Inirapan ko siya na nakita niya naman. Sus, bahala siya riyan. Akala niya ba ang dali-dali ng pinagawa niya? Ang dami naming nagpasa na palpak halos lahat ng ginawa tapos ako lang ang pagsasabihan niya? Eh, kung salpakan ko kaya ng dahon 'yang bibig niya para manahimik na lang siya? "Bahala po kayo, Sir."
"Ano bang grade ang gusto mo?" Tanong niya na hindi pinansin ang kagaspangan ng ugali ko.
"Malamang, Sir, uno siyempre." Sagot ko. Nakakaloko lang yung tanong niya, ah.
"O, sige. Tres ang grade mo para masaya."
"Oh, edi wow," sagot ko ulit. Tinapik naman ako ni Juliet sa tagiliran at sinenyasan na huwag na akong sumagot pa ulit. Napaismid na lang ako at sinunod ang napakabait kong girlfriend. Bwisit kasi 'yang prof na yan. Ako lang talaga ang napuna? Kamusta naman yung gawa ng iba na halos konting ihip na lang ng hangin, e, magiging abo na? Masyado talaga akong favorite ni Sir, masyadong nagpapapansin sa akin. Kung bakit naman kasi ipinanganak ako na nuknukan ng ganda na hindi ko pinagsisisihan.
"Okay, class," Pukaw ng magaling naming guro sa atensyon namin. Agad naman silang tumahimik at talaga namang nagpapanggap na akala mo ay nakikinig. "Kamusta na yung pinapagawa ko sa inyo? Kapag 'yan pangit, ibabagsak ko kayo." Lumingon siya sa'kin at ngumisi. "Katulad ng kung paano ko ibabagsak si Cinderella."
Napasinghap ako at pinanlisikan siya ng mata. "Ako na naman, Sir! Yung totoo, gandang-ganda ka sa akin, 'no?"
"Hindi. Favorite lang talaga kita."
"Pwede iba na lang maging favorite ninyo? Huwag ako!" Naiinis na pakiusap ko. Palagi na lang ganito ang senaryo namin simula nung mahuli niya akong bina-bad mouth siya sa mga kasama ko. Aba, malay ko bang nasa cafeteria din siya no'ng time na 'yon!
At ito na nga. Ang mga hinayupak ko namang mga kaklase, akala mo nanonood ng comedy at wagas kung makatawa. Akala ba nila natutuwa ako? Puwes, hindi! Eh, kung sila kaya ang makipagsagutan dito para maging bida sila sa subject namin? Nakakainis! Kinalabit na naman ako ni Juliet at sinenyasan na mag-relax lang. Duh, paanong magre-relax kung nakakainit ng ulo itong prof namin na sagaran ang pagka-praning!
"Tumawa pa kayo at flat five ang magiging grade ninyo." Banta ni Sir na ikinatahimik ng lahat. Takot lang nila kay Sir. Ipinanganak yata sa sama ng loob. Alam mo 'yon, kung titingnan, ang bata pa naman niya pero parang araw-araw siyang broken hearted at ang trip ay asarin kaming mga estudyante niya. Lalo na ako na 'di hamak na maganda lang. "Class, yung mga gawa ninyo, pakiayos. Ang tagal-tagal na niyan pero hindi ninyo pa tapos. Sinasabi ko sa inyo, babagsak talaga kayo sa akin kung ganyan kayo katamad."
At ayan po, namanata na naman siya at pinakain kami ng tone-toneladang sermon. At hindi pa nagtatapos diyan ang lahat, pinag-report niya agad yung isang group ng biglaan. Oh, well, nagbilin na rin naman siya na magkakaroon ng surprise report kaya dapat handa. In my case, nagpapasalamat akong hindi ako magre-report ngayon dahil wala akong ni-research na kahit ano.
Napatingin ako kay Juliet na seryoso lang na nagsusulat at nakikinig sa report ng mga kaklase naming kasalukuyang sumasabak sa giyera dahil sa mga deadly na tanong ni Sir Tres. Ang ganda niya rin pala kapag seryoso. As in! 'Yon nga lang, mas maganda pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]
Humor[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa kwentong ito na hindi naman talaga tanong pero trip lang itanong ng dalawa nating mangingibig na mata...