021

636 38 25
                                    

021

Grabe naliligaw na ata acoe. Ayy,mens section daw diba? Omyghad nababaliw na ata ako.

Kinakausap ko na pati sarili ko.

Baliw kay Jira. HHAHA.

Naglakad na ako papuntang mens section tapos nakita ko si Jihoon.

   Ang bongga ng porma. Nahiya ang White sweater ,black jeans at Converse ko sa White tshirt na may nakapatong na black checkered polo at ripped jeans nya na may kasama pang Fashion glasses. Pwede na bang umuwi? Wala akong ibubuga sa taong itu.

"Andito ka na pala? Akala ko di ka na dadating eh tangina mo" sabi nya. Awts naman brother in law. Tumango nalang ako.

"So ngayon, tuturuan kitang manamit nang parang tunay na lalake. Sinabi sakin ni Daniel nung nag gym kayo suot mo pink na hoodie. Pfft." ,ok.

"So ganto lang naman, susuotin mo lahat ng ipapasukat ko sayo at bibilhin mo ang lahat ng ipapabili ko sayo. Sa ikakabuti mo din yon kaya wag ka maarte. Tapos pang last. Hindi ka muna magsusuot ng pink hanggat di ka pa ganap na kilos,salita,at pormang lalake" blah blah blah. Hanudaw?

So ayun nagpasukat sya nang kung ano ano. Tapos may nakita akong isang pink na sweater,plain lang sya.

"Pinkue" sabi ko sabay kuha nung sweater.

"Hep hep hep. Hindi mo bibilhin yan. Bakla ka ba?!" Pagtigil ni Jihoon. Hayss tangina.

Hindi ba porke obsessed sa pink bakla na agad. Hayss. Hindi naman kase nakabase sa kulay ang gender ng isang tao,  madami ngang babae mahilig sa black pero hindi tomboy. Pano kaya kapag green ang favorite color ng isang tao, green minded na sya agad?

"Pero effective ang workout. Nagka braso ka na congrats." Hayyss. Pati nga tatay ko nagulat eh.

❝gay,who?❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon