057

454 22 1
                                    


Nagmadali akong magbihis coz you know madami pa akong sasakyang rides dun na naghihintay. Nagsuot ako ng white tshirt tapos pinatungan ko ng maong na cardigan tapos nagsuot ako ng itim na pantalon. Nag ipit lang ako ng high ponytail, tinatamad kase ako mag ayos hayss, hindi ako inspired.

Bago ako bumaba sinuot ko na yung puti kong converse.

"Bilis Jira ah" bati ni kuya

"Souvenir ko ha" dagdag pa niya

"Walang pera kuya, diba dapat ikaw nanlilibre dito kase lumalakas benta mo?"

"Ha? Anong binebenta ko?"

"Ang daming nagtetext sakin ngayong linggo na hindi ko naman kilala. Hayss,kuya kapag may bibili ng number ko sayo sabihin mo out of stock na ha" pagirap ko kay kuya Jihoon.

"Ready ka na?" Tanong ni Guanlin

"Oo, tara na." Simple kong sagot.

Nagpaalam na ako kay mama tapos nung nasa labas na kami ng pinto humintong maglakad si Guanlin.

"Sandali lang ha, may sasabihin lang ako kay Jihoon hyung" tapos pumasok siya ulit sa bahay.

Hindi naman siya nagtagal bumalik siya agad, kaya nagtuloy tuloy yung byahe namin.

"Bat ako yung naisipan mong isama?" --hindi naman tayo ganun kaclose.dagdag ko sa isip ko.

"Hindi daw kase pwede si Seonho," sabi niya sabay kamot ng batok.

Pwede namang sila Daehwi,si kuya.

"Ikaw lang din kase yung kaibigan kong babae" dagdag niya.

"Tsaka malapit na din tayong mag graduation, gusto ko lang lalo tayong maging close"

"Hmmm" pagtango ko. Mukha namang sincere siya sa words niya, so why not?

Pagdating namin sa lotte world hype na hype ako lol, hinila ko agad si Guanlin na pumila dun sa malaking rollercoaster.

"Dito muna tayo--- bat putlang putla ka? "
Tapos narealize ko na,

"Takot ka sa heights no? HAHAHAHAHAH, ang manly po mandin tignan"

"Ha? Ako? Hindi ah, tara na. Sakay na tayo, tayo na next" pagdeny niya.

"Sakay lang walang tayo" biro ko na naging dahilan ng pagsimangot niya.

"Edi sakay" sabi pa niya.

Nung hinawakan ko yung braso niya ang lamig lol, takot nga to sa matataas na lugar huehueHUEHUAHUA. Tignan natin kung hanggang saan to tatagal.

Nagumpisa nang umandar yung rollercoaster, mabagal sa umpisa pero pabilis siya ng pabilis. Habang tumatambling kami sa ere, sumigaw ako ng sumigaw.

Nilabas ko lahat ng galit at inis ko. Tapos nung tinignan ko si Guanlin parang humiwalay yung kaluluwa niya sa katawan niya WAHAHAHHA. Kaya pagkatapos kong ilabas lahat ng sama ng loob ko, napatawa naman ako ng wala sa oras.

❝gay,who?❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon