082

525 30 22
                                    

     Prom day na, nangigil ako sa mga naghahair ang make up na to. Hindi-man nila pinapakinggan opinyon ko.

      "At sa finishing touch," naglapag siya ng napakataas na takong sa harap ko. Gago anong gagawin ko dyan?!

  "Ano pang hinihintay mo? Suotin mo na!" Medyo pasigaw niyang sabi, kasing baliw niya yung nagbayad sa kanya.

   "Eto na po, wait lang. Eto na sinusuot na" sabi ko habang unti unting sinusuksok sa paa ko yung punyetang taas na sapatos.

   "Ayan! Perfect! O harap ka dito picture" Nong perfect dito?! Ang bigat ng make up sa mukha, exposed yung likod, ang sakit sa paa ng sapatos!!

  "Aalis na po ako" sabi ko sabay kuya ng ternong purse sa gown ko.

       "Wait lang hindi pa tayo tapos" sabi niya sabay labas ng palad niya.

"Ahehe, ano po yan?"

            "Wala ka man lang ibibigay na tip?" Gago kung ako tanungin tatamarin ako bigyan to ng tip eh. Kumuha ako ng 500 sa purse ko tapos binigay ko sa kanya. Pagkareceive niya halos magtatalon siya sa tuwa. Ano nang nagyari sa bansang Pelepenss?

Lumabas na akong kawarto tapos nakita ko si kuya sa toxido niya. Isa lang ang masasabi ko, mas pogi ako sa kuya ko lol.

  "Tara na"

"Pogi ni kuya ah , sino ang maswerteng gurly?" Asar ko.

      "Ikaw dapat tatanungin ko eh, hindi ka nagaayos ah, tapos san galing yang dress na yan? Sino ang maswerteng gago?" Asar niya

  "Napilitan nga lang ako magsuot nito eh" pagrereklamo ko.

Pinagbukasan ako ni kuya ng pinto sa kotse oh diba taray gentledog tapos sumakay na siya sa driver's seat. Siya ang magdadrive ngayon kaya hindi ko alam kung makakasurvive kami papuntang venue dahil ponyeta, hindi niya alam gamitin ang preno!

       
  Pero nagulat ako dahil ang smooth lang nang padadrive niya ngayon, naka arrive kami sa venue ng maayos. Nashook ako. Nashook talaga ako.

    Paglabas ko ng kotse, wala nang tao sa labas, ibig sabihin nagpaparty party na sila sa loob.

        Pumasok na kami sa loob tapos eksatong eksakto nagplay ng pang waltz. Dapat tatambay lang ako sa gilid tapos pumunta sa harap ko si Guanlin. Ok ang pogi niya ngayon, kaiyaq.

 
  "Can I have this dance?" Tanong niya habang inooder yung kamay niya.  Na inaccept ko naman gladly.

           Konti lang yung pumunta sa gitna para sumayaw, siguro hindi marunong yung iba. Buti nalang ako kahit papano may alam.

       "Nabasa mo ba yung sulat?"

"Oo naman, hindi ako snobbers sa mga fans ko" biro ko na naging cause naman ng pagchuckle niya.

       "Ayan ah, sumasayaw na tayo. Wish granted ka na bes." Dagdag ko.

"Oo thank you haha. May magsusurprise pala sayo mamaya" sabi niya

          "Talaga? Dapat masusurprise ako diyan ah."

Habang sumasayaw ako biglang nagplay yung kantang Ikaw at ako.

    "Thank you for making my high school memorable. Goodbye crush" sabi ni Guanlin tapos hindi ko namalayan binitawan niya yung kamay ko na agad sinalo ni Daehwi. Nagulat naman ako dito kay Daehwi.

   "Ganda mo ngayon."

"Hawakan mo ang kamay ko, ng napaka higpit."

   "Wala naman nagbago" sagot ko.

"Pakinggang mo ang tinig ko, walang ka bang naririnig"

     "May tanong ako Jira" tapos nung sinabi niya yon habang nagsasayaw kami. Nagulat ako nung nakita ko yung mukha ko sa malaking tv sa venue. Hindi ko alam tawag dun eh. Pero ang alam ko pinapanood kami ng lahat ng tao. Nakakahiya emeghed.

        "Jira, tatanungin ko to ulet"

"Na ikaw at ako ooh oh oh, tayo'y pinagtagpo. Ikaw at ako ooh oh oh di na multing magkakalayo"

    "Napatunayan ko na bang lalake ako?" Sabi niya ikinatawa ko at ng mga nanonood samin.

"Oo naman" sagot ko na medyo natatawa pa.

   "Na ikaw at ako ooh oh oh, tayo'y pinagtagpo"

"Eto na talaga yun,"

             
  "Ikaw at ako ooh oh oh, di na muling magkakalayo"

   "Will you be my girlfriend?" Pagkatanong niya nagsigawan yung mga tao

    "Gago akala ko bakla yan"

      "Hindi bayot si Daehwi"

     "Omyghad koya angsweet mo huhu"

    "Teh sagutin mo na, ano ?"

       "Oo daw bessy!"

  
  "Oo naman" sabi ko na nagdahilan ng pagngiti ni Daehwi. Ang gwapo mo kapag ngumingiti, lagi kang ngumiti ha.

    "Talaga?"

"Oo nga!" This time sinigaw ko na medyo malakas.

  Tapos nagulat nalang ako, bigla niya akong niyakap.

       "Alam mo bang ang tagal kong hinintay marinig ang oo mo yan. At ngayong narinig ko na, ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo."

   "Lalake nga ba?" Asar ko. Tapos nagulat nanaman ako ulet.

         For the second time...... hinalikan niya ulet yung lips ko. Nagulat ako na kinilig huehueHUE Hindi ko alam. Mixed emotions.

   Tapos pagkatapos niya akong halikan nagsigawan yung mga tropa ni kuya.

    "MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!"

Tapos sumagot naman yung crowd ng "MABUHAY!"

      "Sabi sayo lalaki talaga ako," sabi niya sabay kindat.

"Oo nga pala, ang revealing ng damit mo, tsaka hindi ka giniginaw diyan?" Concerened niyang tanong. Kaya niyakap ko nalang siya, habang sumasayaw.

    "Yan, hindi na ako giniginaw" sabi ko habang nakangiti.

              
           Hindi mo masasabing perpektong lalake si Lee Daehwi, pero siya ay siya at doon ko siya natutong mahalin, gaya nga ng isang tunay na lalaki .

❝gay,who?❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon