Chapter1

386 16 6
                                    

Ako nga pala si Star Santiago, 18 years old .. I'm simple girl but elegant haha. May isa akong kakayahan na ako lang ang nakakagawa at nakakaramdam..
I don't know if this thing is a blessing or curse basta ang alam ko ayaw ko ng bagay na ito! Medyo matatakutin kasi ako at ayaw kong nakakakita ng mga bagay na nakakatakot.

Yes! Very yes! Nakakakita ako ng mga ghost! Bata pa lang ako nakakakita na talaga ako. Isang beses sabi sakin ni Daddy when I'm 6 years old nakita nya daw ako na may kinakausap pero wala naman sya nakikita na kausap ko. Syempre bata pa ako nun wala pa akong alam sa mga ghost kuno?

Kaya habang nalaki ako unti unti ko nalalaman sa sarili ko na nakikita ko nga ang mga bagay na hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Unti unti na din ako natatakot sa mga nakikita ko dahil sobrang nakakatakot talaga sila!

"Sweety? Are you sure na kaya muna pumasok?" tanong sakin ni Mommy

"Opo.. At malaki na ko Mom, Dad kaya ko na po sarili ko" nakangiti kong sabi

"Sige basta call us if you have problem ok?" sabi naman ni Daddy

Ngumiti lang ako sakanila bilang sagot at bumaba na sa loob ng kotse.. Ang laki ko na hinahatid at sinusundo pa talaga nila ako..
Tinignan ko ang papalayong kotse nila Mom and Dad bago ko maisipan na pumasok sa gate ng school.

Papasok na sana ko nang makita ko ang isang nilalang! Takte bakit pati dito sa Academy may ghost! Kita ko sya na nakatayo sa tabi ng guard. Nakaguard uniform din sya at duguan ang dibdib luwa din ang mata nya! Grabe nakakatakot talaga mga bes!

"Ok! Star! Wag mo nalang sya pansinin.. Diretso ka lang sa paglalakad.." kausap ko ang sarili ko habang papasok sa gate..

Sa wakas nakapasok din! That was close! Kinabahan ako dun ah.. Buti nalang hindi sya nagbalak na sundan ako.. Kung hindi baka pagkamalan akong baliw dito! Huminga ako nang malalim bago maglakad pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang may bumangga sakin!

"Anu ba yan! Paharang harang! Tumabi ka nga!" sigaw sakin ng isang babae sabay naglakad na pangmodel. Wow! Ang sexy ha..

"Ang lawak naman ng daan talagang binangga pa ko!" mahina kong sabi

"May sinasabi kaba?!" lumingon ang girl sa pwesto ko at this time nakita ko na ang mukha nya.. Shete! Mas nakakatakot pa mukha nya kesa sa mga multo na nakikita ko eh! Mukha kasi syang white lady sa kapal ng foundation sa mukha! Inubos din nya yata ang isang concealer eh?!

"Aa.. Wala.. Wala.. Sabi ko sige tatabi na ko.." palusot ko

Inirapan nya ko bago tuluyang umalis.. Maganda naman sya pero mas maganda parin ang isang tulad ko hahaha. Nagsimula na kong maglakad para hanapin ang building at room ko.. Ang lawak naman ng Academy na 'to! First day pa lang naman kaya pwede naman siguro akong malate..

Ilang minuto lang nakarating na ko sa room ko hingal akong papalapit sa pinto.. Pano ba naman kasi 4th floor lang naman ang naakyat ko! Sino ba ang hindi hihingalin dun? Akala ko wala pa kaming prof dahil sobrang ingay sa room pagpasok ko boom! Bakit ba kasi ako nagpalate? Tss! Ginusto mo yan Star eh kaya panindigan mo.

"Aa.. Ee.. Hello Good morning" nakangiti kong bati sakanila

I'm the center of attraction! Lahat sila nakatingin sakin. Ano Star? Bida bida ka kasi hindi mo minadali ang paghahanap ng room mo. May ibang nagpipigil ng tawa, may iba naman na wala lang sakanila, ang iba ay nakangiti lang.

"Since your late miss.. Introduce yourself" sabi ng prof namin. Ang gwapo naman nito. Gaganahan ako pumasok haha

"Hello. I'm Star Santiago, 18 years old. Thank you" sabi ko sabay ngiti

"You may now sit down" sabi ng prof

Naghanap na ko nang mauupuan at may nakita naman ako na vacant kaya umupo na ko alangan titigan ko lang ang upuan diba. Habang nakikinig ako sa pagdidiscuss ng prof namin may kumukulbit sakin!

"Miss? Hello. Ako nga pala si Leona" nilahad nya ang kamay nya

Ay ang ganda nya. May makikita pala akong ganito na mukha sa school na 'to mukhang mabaet pa.

"Hi Leona. I'm Star" sabi ko at naghand shake kami

"So.. We're friends now?" nakangiti nyang tanong. Ano pa ba magagawa ko? Kailangan at gusto ko din ng kaibigan ngayon.

"Yes.. Sure.." simple kong sagot at nginitian din sya.

Nakinig na kami sa discussion ni prof Deo. Magaling sya magturo may pagkastrikto nga lang.

Buti nalang walang nagpapakita ngayon dito kaya nakapag focus talaga ako sa pakikinig.


"Since friends na tayo magshare tayo ng story natin ha." sabi ni Leona habang humihigop ng melon shake. Nandito kami ngayon sa cafeteria break time kasi. Tumango at ngumiti naman ako sagot.

"Ako muna. I'm Queenie Leona Reyes, your beautiful friend from now on" Haha pero totoo naman maganda sya may pagkabaliw din.

"Hahaha obviously yes! Nakakatuwa ka kasama. Parang ang gaan ng loob ko sayo" nakangiti kong sabi. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng loob ko sakanya? Siguro mabait at kaibigan ko na sya.

"Ay! Alam mo Star ang ganda mo din magkakasundo tayo I'm sure" pambobolo nya

"Sus.. Salamat haha.." maiksi kong sabi

"Ikaw naman.." sabi nya

"Star Santiago.. I am only daughter medyo malungkot kasi ako lang mag isa" malungkot kong sabi

"Wag kana malungkot Star.. I'm here naman eh pwede tayo maging sisters" nakangiting sabi ni Leona

"Talaga??!" masigla kong tanong

"Of course... Haha sa wakas nagkaroon din ako ng kapatid" sabi ni Leona

Masaya kami kumain dito sa cafeteria. Nang may nararamdaman akong parang nakatingin sakin hindi ko alam kung san banda pero feel ko meron talaga. Lumingon ako sa kaliwa at kanan pati sa likod tinignan ko din pero wala akong makita..

"Star? Are you ok?"

"A-ah.. O-oo I'm ok"

Pero para talagang may nakatingin hindi ko lang sya makita.. Nakakainis! Makita ko lang kung sino yun tatakbo talaga ako! Kaya wag na sya magpakita sakin

Discuss!

Discuss!

Discuss!

Uwian na! Sa wakas natapos din ang pagpapanggap joke! Haha .. Nililigpit ko na ang gamit ko para makauwi na din.

"Star? Una na ko ha..I need to go home na kasi eh" paalam nya sakin

"Oh sure sige.. Ingat ka ha.." sabi ko at nagbeso beso naman kaming dalawa

Lumabas na ko ng room at naglakad na papunta sa locker room.. siguro lalakarin ko nalang papuntang bahay namin malapit lang naman eh mga 10mins lang.

Ako lang ang naglalakad dito sa corridor papunta sa locker room medyo creepy ah. Juice colored! Nakakatakot wala naman sana akong makasalubong dito! Kung hindi baka magmukha akong baliw nito pag nagkataon! Binilisan ko ang paglakad at Nilagay ang libro sa locker ko. Habang nilalagay ko ang libro parang may iba akong nararamdaman. Hindi ako nag iisa dito may kasama ako.

"Psst!"

~•~•

Hello! My readers naba ako? HAHA sana natakot ka kahit papano .. Thank you for reading :)

Ghost Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon