Chapter2

284 9 5
                                    

"Psst!"

Nagmadali ako ilagay ang libro. Sino naman kaya yun? Ako ba tinatawag nun?! Halos wala na din studyante dito dahil anong oras na kasi. Baka hangin lang yun haha masyado lang akong praning. Sinara ko na ang locker at nilock yun. Nagsimula na akong maglakad na patakbo.

"Psst!"

Narinig ko ulit ang pagtawag hindi ko alam kung sino siya tumingin ako sa likod para makita pero wala naman tao sa likuran ko? Patakbo na ako pero nakalingon parin ako sa likuran ng-

"Arrraaay kooo! Ang sakiiit pala mafall pagwala sayong sumalo!" inda ko sa sakit ng pwitan ko. Nakakainis naman!

"Hello miss.. Sorry pala nabangga kita" inangat ko ang mukha ko para makita kung sino ang nagsalita. What the Fogi! May gwapong nilalang pala dito sa University na 'to. Pero wag ka papaapekto Star binagga ka nya diba?! Tumayo ako at inalalayan naman nya ako.

"Anong sorry, sorry?! Binagga mo ko eh ang sakit tuloy ng-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla sya nagsalita

"Nang walang sumalo sa nafall?" nakangiti nyang sabi. Aba't tignan mo 'tong lalaki na 'to!

"Aba't!-" hindi ko ulit natuloy ng bigla na naman syang sumingit

"Don't worry miss.. Simula ngayon sasaluhin na kita kapag nafall ka" sabay kindat nya sakin. Ang kapal! Sarap batukan!

"Hoy! Mr feelingero! May pakindat kindat kapa nalalaman jan! Tusukin ko kaya mata mo? Fall ka jan! Asa ka mafall ako sayo" kinuha ko ang bag ko sa sahig at muling tumingin sakanya. Problema nito nakangiti pa din?

"Hahaha your cute.. By the way I'm King Callahan and you?" nilahad nya ang kamay nya pero tinignan ko lang yon.

"Ikaw ba ang kanina pang sutsot ng sutsot sakin ha?"

"Hahaha ang haba ng nguso mo miss cute"

Nakatitig lang sya sa labi ko Pinagnaasaan nya ang kissable lips ko. Baka kung ano pa gawin sakin ng lalaking 'to.

"Makaalis na nga!" inirapan ko muna sya bago ako tuluyan na umalis. Malayo na ako sakanya pero rinig kong sumigaw pa sya.

"See you around! Bye for now!" pero hindi ko na sya nilingon at patuloy na naglakad. Bye for now pa syang nalalaman as if magkikita pa kami ulit tss. Ayaw ko na sya makita ulit ikaw ba naman sutsutan ang creepy mga bes!





"Nanjan kana pala Star bakit hindi ka nagpasundo?" tanong sakin ni Kuya Ivan. Naabutan ko syang naglilinis ng kotse. Kung nagpasundo ako edi nadumihan ang kakalinis lang na kotse

"Malapit lang naman po ang school dito Kuya Ivan kaya nilakad ko nalang" nakangiti kong sabi sakanya

"Ganun ba.. Sige"

Pumasok na ko sa loob ng mansion dumiretso ako sa kitchen para uminom dahil napagod ako sa paglalakad. Malayo pa ko may naaamoy na akong mabango. Siguro nagluto si Mommy ng ulam panigurado mapapadami na naman ang makakain ko ngayong gabi.

"Hello mommy, daddy" bati ko sakanila lumapit ako para magmano syempre ganun ako kabait.

"How's your day sweetie?" tanong sakin ni Mommy. Umupo ako sa kabilang side na katapat si Mom nasa gitna namin si Daddy. Ewan ko ba bakit ang haba ng dining table namin samantalang tatlo lang naman kami!

"Ok lang naman po.. I have a new friend her name is Leona"

"Really? That's Good.."

"Sweetie alam kong may gwapo dun. Kung may manliligaw sayo sabihin mo samin ha"

Nagulat ako sa sinabi ni Daddy kaya medyo nabilaukan ako. Kumuha naman sya ng tubig at binigay sakin.

"Daddy naman.. Wala pong manliligaw sakin dun"

Naalala ko ang lalaking feelingero na yun! Gwapo sya kaso ang hangin lang jusko baka lipadin ako kapag na kasama ko yun! As if naman makakasama ko sya duuh!

"Are you sure? Alam mo naman na maganda at gwapo ang lahi natin.." ngumiti ng nakakaloko sakin si Daddy.

"Wala po.. Wag kayong mag alala kung meron man magtangka sakin manligaw dadalhin ko sya dito" ngumiti din ako sakanila at lumiwanag ang mga mata nila.

"Sige sweetie.. Tapos pag uusapan na natin ang kasal nyo"

"Ok na sakin ang sampung apo lang sweetie.. Haha excited na ko"

Napapoker face nalang ako sakanilang dalawa! Masyadong mga excited bes! Porke ba hindi pa ako nagkakaboyfriend kailangan itali na agad ako? Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.




Maaga akong nagising para pumasok as a matter of fact maaga talaga ako nagising kasi hindi ako nakatulog! Kaya eto ako ngayon naglalakad na papuntang room. Konti palang naman ang tao masyado pa kasing maaga 5:45am pa lang 8am ang start ng klase ko.

Habang naglalakad biglang lumakas ang hangin napayakap ako sa sarili ko medyo madilim dilim pa kasi.

"Nakuu... Ang lamig naman wala sanang-" kausap ko ang sarili ko bigla nalang akong nahinto ng may makita ako di kalayuan na nakatayo at nakatingin sakin. Lumaki ang mata ko ng mapansin kong papalapit sya sakin. Hindi ko magalaw ang paa ko malapit na sya this time kita ko na ang nakakatakot nyang mukha. Nakawhite dress sya puro bubug ang katawan pati mukha isama pa ang duguan nyang katawan na halos humalo sa white dress nya.

Mabagal akong umatras habang sya papalapit ng papalapit. Wag ka lumapit please.. Jusko may tutulong ba sakin dito? Kaso kahit sabihin ko na may multo hindi nila ako paniniwalaan baka pagkamalan pa nila akong baliw.

"W-wag k-kang l-lumapit p-please"

Sabi ko sa babaeng multo. Takte lalo pa syang lumalapit! What would I do?! Naiiyak na ko gusto kong sumigaw ng tulong pero parang walang makakarinig sakin dahil wala pa masyadong studyante. Limang hakbang nalang ang layo nya sakin at itinaas nya ang kamay nya na para bang inaabot nya ko. Astras lang ako ng atras sa sobrang takot ko...


"AAAHHHH!!!!!"

Ghost Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon