Naglalakad na ako pauwi sa bahay namin tapos na din kami mamili ni Leona sa ukay-ukay. Hindi ko akalain na ang galing maghanap at pumili ng babaeng yon at ang dami nya din binili. Hindi naman pala sya ganon kaarte tulad ng iba sa school.
"Psst.."
Napalingon ako sa kaliwa at kanan ko dahil sa gulat. Sino ba yun wala namang tao dito. Sinusundan siguro ako ng multo. Naglakad ako ng mabilis para hindi nya ako maabutan.
"Pssst.. sandali.."
Pero hindi ko sya pinakinggan tumakbo parin ako. Ano ako baliw para makinig sakanya baka ano pa gawin sakin nun eh.
Mukhang nakalayo na ako hingal na hingal ako kaya umupo muna ako saglit dito sa gilid ng daan. Nakaharap ako ngayon dito sa malaking bahay. Ang ganda naman ng mansyon na 'to mas malaki pa sa bahay namin. Sino kaya ang nakatira jan."Hi, Star kamusta ka?"
"Ay gwapong kabayo!" Gulat akong lumingon sa gilid ko. Ang gwapo naman ng kabayong 'to sulpot ng sulpot kung san.
"Grabe ang gwapo ko namang kabayo" sabi ni King habang tawa ng tawa. Siya siguro yung ng hahabol sakin.
"Oo nga eh ang gwapo mong kabayo. Ikaw ba ng hahabol sakin?" Biro kong sabi sakanya.
"Ah ganon? Kabayo talaga ko sayo?" nakasimangot nyang sabi. Hala ang cute nya maasar haha.
"Biro lang eto naman hindi mabiro" natatawa kong sabi habang sya nakasimangot parin. "Bakit mo pala ako hinahabol?" tanong ko pa habang natatawa parin.
"Wala" nakasimangot parin na sabi nya at umiwas na ng tingin sakin. Hala ka Star napikon na yata sayo
"Hala wag kana maasar jan, sorry na" sabi ko habang tinutusok ang tagiliran nya. Pansin ko naman na nakikiliti siya sa ginagawa ko.
"Ano ba. Sinusundan kita kasi nakita kitang naglalakad mag isa" sabi ni King ng hindi parin natingin sakin. Ang pabebe naman ng lalaking to. Buti nalang gwapo siya haha.
"Ay ganon ba? Dito ka din ba sa village nakatira?" tanong ko sakanya lumingon naman sya sakin at ngumiti. Lumaki naman mata ko sa gulat. Nagpapacute ba siya sakin nagbablush na yata ako nakakahiya.
"W-wag k-ka nga tumitig ng ganyan kasi--" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi nagsalita na sya.
"Kasi ang gwapo ko, alam ko yun. Maraming salamat--" hindi ko din siya pinatapos.
"Wooh! Ang hangin pala dito makauwi na nga baka liparin pa ako" sarcastic kong sabi sabay tayo. Sexy pa naman ako baka liparin ako bigla. Iniwan ko syang nakaupo parin sa gilid ng daan.
"Star sandali lang! Hatid na kita sa inyo" sigaw nya. Ramdam ko naman na humabol sya sa lakad ko. Ang sarap pala sa feeling na hahabulin ka pag nagwalk out ka haha.
"Salamat sa paghatid King papasok na ko sa loob. Hmm baka gusto mong kumain muna?" Sabi ko sakanya. Feeling ko may boyfriend na naghatid sakin ngayon hihi.
"Ah hindi na mauuna na ko baka hinahanap na din ako, see you around. Bye for now.." sabi nya at ngumiti sakin. Gosh! Ang gwapo nya talaga. Wag kang maharot Star. Ngumiti din sakanya bago ako pumasok sa loob.
"Hija? Sino ang binatang iyon?" takang tanong ni manang Lourdes. Kasambahay namin matagal na syang nagtatrabaho samin dahil siya din ang nag-alaga kay mommy nung maliit pa lang. Kaya siya na din ang nag alaga sakin everytime na may wala sila mommy at daddy sa bahay. Alam niya din na nakakakita ako ng hindi ordinaryong mga bagay. So nakita nya pala kaming naghaharutan.. ay hindi nag uusap sa gate?
"Ahh nagkakamali po kayo manang Lourdes hindi ko po boyfriens si King wag nyo po akong isusumbong--" tuloy tuloy kong sabi sakanya na ikinatawa nya. Naabutan kong nagdidilig ng halaman si manang Lourdes. Mas gusto nya kasing hapon sya nagdidilig.
BINABASA MO ANG
Ghost Friend
HorrorIsang babae na may ibang kakayahan na makakita ng mga hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Hindi niya aakalain na ang pambihira nyang kakayahan ang magtuturo sakanya kung paano umibig...