Chapter 7

92 4 1
                                    

Pansin ko lang hindi ko na nakikita si King this past few days. Gusto ko sana sakanya ikwento yung nangyari sakin last night. Pero hanggang ngayon wala parin siya. Saan kaya nagsusuot yung lalaking yun!

Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyare sakin nung isang gabe. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sakin sya humihingi ng tulong at sino naman ang tutulungan ko na sinasabi ni Eunice.

"Leona pwede ba magtanong?" nandito kami sa picnic area. Wala kasi yung prof namin. May meeting sila para daw sa party na gaganapin next week. Si Maxine naman wala dito may pinuntahan muna yung dress nya daw. Kaya eto dalawa lang kami ngayon.

"Oo naman.. Wag lang sa math ha.. Hahaha" biro na sakin. Abnoy talaga ang isang 'to haha.

"Are you believe in ghost?" tanong ko sakanya tumingin naman sya sakin ng seryoso na halata mong kabado.

"Bakit?! Meron ba dito?!" humawak sya sa dalawang braso ko at tumingin sa kaliwa't kanan. Pano kaya kung sabihin ko sakanya na meron? Ano kaya magiging reaksyon nya?

"What if yes?" seryoso kong sabi pero sya nakakunot ang nuo tsaka tumawa. May mali ba sa sinabi ko? Totoo naman na meron eh!

"Takte ka Star! Haha don't me! Di mo ko mauuto, Di totoo yun. Kung totoo yun edi sana-" hindi nya natuloy ang sasabihin nya. Bakit parang lumungkot mukha nito?

"Hoy! Sana ano? Tignan mo 'to ang daldal kanina tapos ngayon tumahimik"

"W-wala.. Review nalang tayo baka may biglaang quiz mamaya" halata sa boses nya ang pagkalungkot. Ano kaya ang problema nito. Ayaw manlang sabihin sakin naturingan na best friend nya ko!

Tinamad na kong magsalita at magtanong kaya nagreview nalang din ako. Hindi ako makapagfocus! Naiisip ko si King nasan na kaya ang lalaki na yun? Siguro may ibang kaibigan na yun! Naku.. Baka may iba na babae yun! Lagot talaga sakin yun ihahampas ko sa pagmumukha nya ang heels ko na may 4 inches! Hindi nya ba alam na namimiss ko na sya! Wait! Did I say miss ko na sya? Forget about that. Nagseselos lang ako! Arrgh! Sinabi ko ba yun? Napalingon ako kay Leona dahil may tumatawag sa phone nya.

"Hello? Yes po Tito?" ah Tito nya pala. Pero nagulat ako ng bigla nalang syang sumigaw

"What!!? Ok! Ok! I'm on my way na po" dali dali nyang inayos ang gamit nya. Hindi ko alam kung anong nangyari kaya tinanung ko na sya

"Leona what happened? Are you ok?" nag aalala kong tanong sakanya.

"Come with me.. Dali" bigla nya akong hinigit at nagmadaling pumunta kami sa parking lot. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero isa lang ang alam ko kung saan...

"Leona.. S-sa l-langit b-ba p-punta
n-natin?" kinakabahan kong tanong sakanya. Sino ba ang hindi kakabahan kung sobrang bilis ng pagppatakbo ng kotse na parang nakikipagkarerahan na kami!

"Kailangan pa natin bilisan dahil-" hindi na naman nya tinapos ang sasabihin nya. Lagi nalang pabiten 'to nakakainis. Tumingin ako sakanya at kita ko na may luha na sa mga mata nya. Hindi na ko nagsalita at tinuon ko lang ang paningin ko sa daan. I'll comfort her later hindi ko sya pwede guluhin sa pagmamaneho kasi baka langit talaga diretso namin.



Saint Luke Hospital? Taka kong tanong sa sarili ko. Hala! Baka may kamag anak si Leona na nakaconfine dito. Pumasok na kami sa loob at pumunta sa 4th floor. Hinintay namin ang elevator dahil nasa 2nd floor pa lang. Pagbukas ng elevator nagulat ako dahil may multo dun. Isa syang babae na pasyente sobrang puti nya nangingitim din ang ilalim ng mata nya. Nakatingin sya sakin hindi ko magalaw ang paa ko dahil titig na titig sya!

Ghost Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon