"Paano mo na kilala ang apo ko...?" sabi ni manang Lourdes na ikinagulat ko. Apo nya si Eunice pero paano nangyari niwala nga naikukwento si manang na may apo sya na babae.
"Star, hija paano mo nakilala si Eunice?" tanong ulit ni manang sakin. Sasabihin ko ba kay manang ang totoo? Natatakot ako kasi baka kung ano ang mangyari sakanya at hindi ko pa sigurado kung totoo ang nakita ko kanina.
"A-ah narinig ko po sa ibang students dun sa school pinag-uusapan si Eunice. Natanong ko lang po" palusot ng bigla kong naalala yung bracelet"Tsaka eto po manang nakita ko dun sa abandonadong building sa school namin. Alam ko po sayo yan, ako po kasi nagpalagay ng star sa tabi ng L na name mo po" sabi ko nakita ko naman na medyo nagulat sya na may lungkot sa mata.
"Manang ayos lang po ba kayo?" tanong ko sakanya. Pinaupo ko naman naman sya sa bangkuan na nasa tabi ng kama nya.
"Si Eunice ang mabait at kawawa kong apo" panimula ni manang tsaka huminga ng malalim.
"Pero manang bakit wala po kayong nakukwento tungkol sakanya? Edi sana may kalaro ako nung bata palang ako" pabiro kong sabi kaya medyo napangiti si manang Lourdes.
"Hindi ko talaga apo si Eunice ampon sya ng anak ko pero tinuring ko na din syang apo dahil sobrang bait nyang bata. Pumupunta na sya dito noon hindi lang sya nalapit sayo kasi nakita ka daw nya may kausap eh ikaw lang naman daw mag-isa tapos biglang dumating daddy mo pagtapos non ayaw na daw nya bumalik dito" kwento ni manang
"Dapat hindi na sya nahiya. Grabe natakot yata sya sakin. Tapos po ano nangyari? Nasan na po sya?" sabi ko. Bakit hindi ko sya napapansin non. Kahit naman siguro ako kung may makita kong nagsasalita mag isa matatakot din ako
"Patay na sya isang taon palang ang nakakalipas" kitang sa mata ni manang ang bakas ng nangungulila sa apo
"Ang bata pa po pala nya. Sorry po manang.." sabi ko niyakap ko naman si manang
"Ang sasama ng bumaboy sa apo ko. Tahimik at masayahin si Eunice pagkatapos ng klase nya tumawag ako para sabihin na bibisitahin ko sya ng araw na yon kasi kaarawan nya. Sobrang saya nya ng sabihin na bibisita ako sa tinitirhan nya sabi nya din ipapakilala nya ang nobyo nya. Nasa bahay na nya ko hinihintay ko si Eunice ng biglang may tumawag sakin na pulis pumunta daw ako sa school. Mabilis akong pumunta sa school ang daming tao nagkukumpulan nanginginig akong pumunta don tapos.." tumigil si manang dahil hindi nya kinaya ang sakit. Hinagod ko naman ang likod nya..
"Tapos na kita ko ang apo ko nakatali ang kamay at paa, nakapiring ang mata, ang bibig naman nya ay may takip. Nanginginig akong lumapit at parang malalagutan ng hininga sa kawawa kong apo. Nakahiga sya punit-punit ang suot na damit halatang ginahasa puro saksak din ang nasa katawan na dahilan ng pagkamatay nya" sobrang iyak na ni manang. Edi tama pala ang nakita ko kanina. Paano ko sasabihin kay manang baka atakihin sya sa puso na nakita ko si Eunice.
"Nakita na po ba ang gumawa sakanya non?" tanong ko. Yung dalawang lalaki nahuli na kaya at yung babaeng nag-utos hindi ko nakita ang mukha nya.
"Hindi pa. Hindi ko na sila nahanap pa. Bahala na ang diyos sakanila" seryosong sabi ni manang
"Hindi po kayo nagpatulong kila mommy at daddy? Tsaka bakit parang hindi po namin alam?" taka kong tanong
"Ayaw ko ng ipaalam sa inyo makakaabala lang ako. Tsaka may trabaho ang mommy at daddy mo, ikaw nag-aaral nakakahiya sa inyo" sabi nya. Medyo nainis ako kay manang kung sinabi nya agad edi sana nakakulong na ang gumawa kay Eunice.
"Manang nakita ko po si Eunice" bigla kong sabi kaya lumaki ang mata ni manang sa gulat
"Talaga? Paano? Star hija nakakakita kaba ng ligaw na kaluluwa? nakikita mo ba sya ngayon? Nandito ba sya?" naiiyak ulit na sabi ni manang at pinaikot ang paningin sa kwarto nya
BINABASA MO ANG
Ghost Friend
رعبIsang babae na may ibang kakayahan na makakita ng mga hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Hindi niya aakalain na ang pambihira nyang kakayahan ang magtuturo sakanya kung paano umibig...