"Ahhh!! Ang s-sakit ng ulo ko" sabi ko habang nakahawak sa ulo ko hanggang sa nahulog nalang ako sa bangko.
May batang babae na naglalaro at nagbibiseklata mag isa. Siya ay ako nung 7 years old palang.
"Aray ko naman" nahulog ako sa bike hindi pa kasi ako masyado marunong.
"Bata ok ka lang?" lumapit ang batang lalaki para tulungan ako makatayo.
"Oo, o-ok lang ako" sabi ko naman
"Mag iingat ka. Hayaan mo kapag nahulog ka ulit sasaluhin na kita" sabi naman ng batang lalake sabay kindat sakin.
"Wow naman" pagtataray ko
"Tara turuan nalang kita magbike" pagyaya ng batang lalake
"Marunong kaba magbike?" tanong ko
"Oo naman! Tinuruan ako ng daddy ko" pagmamayabang naman nya.
Pagkatapos ng araw na yon lagi na kaming nagkikita at naglalaro. Hanggang sa isang araw..
"Star aalis na kami pupunta kami sa malayong lugar" naiiyak na sabi nya sakin. Nandito kami sa lugar kung san una kaming nagkita.
"Saan kayo pupunta? Iiwan mo na ko?" sabi ko habang naiiyak din.
"Sa malayong lugar. Kailangan daw kasi ni lola dalhin sa malayong lugar" sabi nya habang pinupunasan ang pisngi ko.
"Babalik ka ha" sabi ko
"Oo babalik ako. May ibibigay ako sayo" sabi nya pinatalikod naman nya ako at may nilagay sya sa leeg ko.
"Ano to?" sabi ko
"Kwintas yan. Pinagawa ko kay daddy"
"Ang ganda hugis korona tapos may bituin pa sa gitna" nakangiti kong sabi
"Aalis na ako Star baka hinahanap na ko nila daddy. Babalik ako. Mag iingat ka ha" paalam nya sakin habang tumatakbo papalayo.
"Mag ingat ka din! Paalam hihintayin ko pagbabalik mo..."
"Star anak, mag iingat ka ha. Tumawag ka lang ok" sabi sakin ni mommy. Ngumiti naman ako saka kiniss sya sa pisngi bago sila umalis.
Ang dami ng students sa labas ng venue sobrang ganda nila pati yung dress na suot nila ganon din ag mga kalalakihan may mga naghihintay sa date nila at yung iba nagkukwentuhan. Hindi ko pa nakikita sila Leona at Maxine mukhang late pa yata ako.
Naglakad na ako papalapit sa main entrance. Medyo naiilang ako kasi lahat sila pinagtitinginan ako nakakahiya tuloy. Simple lang naman ang suot kong long white dress napapalibutan sya ng kumikinang na diamonds kaya mukha syang nagkikislapang bituin sa langit. Bumagay din ang suot kong kwintas sa dress ko."Star dito!" tawag sakin kaya hinanap ko kung san galing yung boses. Nakita ko naman agad si Leona at Maxine sa kaliwang mesa kaya agad akong lumapit.
"Wow ang ganda nyo girls" bati ko sakanila. Lalo silang gumanda sa suot at ayos nila ngayon.
"Sus ikaw din naman lalo kang kuminang na parang bituin jan sa suot mo" sabi ni Leona natawa naman ako. Napatingin naman ako kay Maxine na nakatitig sa leeg ko.
"Ikaw yon?" mahina nyang sabi pero tama lang para marinig ko
"Ha? Anong ako Maxine?" takang kong tanong na natatawa.
"A-ah w-ala ang ganda mo Star. Your look gorgeous tonight" sabi ni Maxine
"You too" nakangiti kong sabi
BINABASA MO ANG
Ghost Friend
HorrorIsang babae na may ibang kakayahan na makakita ng mga hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Hindi niya aakalain na ang pambihira nyang kakayahan ang magtuturo sakanya kung paano umibig...