Chapter 8

89 3 2
                                    

Nasabi ko kila mommy na may party kami next week kaya sasamahan nya ako kay ninang Stefa para magpagawa ng susuotin ko. Sakto naman dahil walang pasok si mommy ngayon sa work restday daw nya at ako naman wala talaga kasi sabado.

Sa totoo lang tatlong araw nalang bago magparty kaya sana matapos agad ang damit. Bakit naman kasi biglaan hindi manlang nila sinabi agad para mapaghandaan talaga.

"Cynthia anak aalis sana ako may bibisitahin. Kung ok lang po" pababa ako ng hagdan ng magpaalam si manang Lourdes.

"Ah gusto mo po sumabay na samin? Paalis na din kami sakto nanjan na din si Ivan para maihatid ka din nya sa pupuntahan mo" sabi ni mom

"Wag na po anak kaya ko na. Magtatricycle nalang ako. Ingat nalang po kayo" sabi ni manang ng nakangiti

"Ok sige ingat ka manang. Star tara na. Sabado ngayon baka madaming client ninang mo" sabi ni mom sumunod naman ako sakanya palabas ng bahay.

"Star nandito na tayo" bumalik ako sa realidad ng marinig kong nagsalita si mom.

"Ivan hintayin mo kami dito, kung mainip ka pasok ka nalang sa loob" dugtong ni mom

"Sige po ma'am Cynthia" sabi naman ni kuya Ivan. Siya yung driver namin na kakabalik lang galing probinsya.

Pagbaba namin ng kotse pumasok kami sa shop na pagmamay ari ng friend ni mommy na fashion designer. Ilang araw nalang kasi bago ang party. Nasa pinto palang kami ng may biglang sumigaw.

"Bakla! Kamusta ka your look still young" rinig kong sabi ni ninang Stefa friend ni mom since college

"Bakla ka kamusta ka din? It's been months ng huli tayong magkita" sabi naman ni mom.

Pumasok na kami sa loob umupo na din kami sa sofa. Grabe ang gaganda ng gowns na nakasuot sa mga manikin. Ang gaganda din ng kulay sa mata ng color combination sa gowns. Meron din mga album na nakalagay sa mini table kinuha ko yung isa para tumingin ng designs.

"Ganyan ka naman pupunta ka lang dito everytime na may event kayo" pagtatampo na sabi ni ninang Stefa

"Steve wag ka nga magdrama hindi bagay sayo" sabi ni mom

"Correction, Stefa not steve" pagtatama nya sa pangalan. Rinig ko naman na napatawa si mom.
"Anyways, why are you two here? May event ba? o namiss nyo lang ako?" dugtong nya.

Naririnig ko lang sila habang nakatitig lang ako sa album na hawak ko. Hindi parin maalis sa isip ko ang pinag usapan namin ni Leona. Hindi na nga ako nakatulog kagabi ng maayos sa kakaisip. Hindi ko alam kung kailan matatapos o may katapusan ba ang lahat ng ito?

"Ah eto kasing inaanak mo may party sa school nila. Obvious naman kaya kami nandito" pang aasar ni mom
"And of course we're miss you" dugtong nya

"Wala ka talaga pinagbago Cynthia binubully mo parin ako. Hmm, inaanak ano ba ang theme ng party nyo?" sabi ni ninang Stefa

Biglang kong naalala yung sinabi ni Leona kahapon sa school...

"P-paano mo nakilala si E-eunice?" gulat na sabi ni Leona. Bakit sya nagulat may nakakagulat ba sa sinabi ko.

"So kilala mo nga sya?" sabi ko pa ng bigla nya akong hawakan at hilain papuntang garden. Grabe kaladkarin daw ba ako ang sakit ng braso ko ha.

"Pano mo nakilala si E-eunice?" tumingin muna sya sa paligid kung may tao bago sya magtanong. Napahawak naman ako sa braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nya dito kanina. Kung hindi ko lang kaibigan si Leona nakatikim sakin ng bigwas to eh haha.

"Ang OA mo Leona ha. Isa lang ba Eunice sa mundo" sabi ko nalang

"Sabagay, pero may kilala kasi akong Eunice. Ano ba itsura ng s-sinasabi mo?"

Ghost Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon