"Hi Star, I'm Maxine" sabi nya ng nakangiti at nilahad ang kamay.
"Hello I'm Star, ikaw pala si Maxine nababanggit ka nga ni Leona minsan" nakangiti kong sabi. Teka? Kelan pala nabanggit ni Leona, imbento yata ako
"Ay talaga? Eto talagang si Leona ang daldal" natatawang sabi ni Maxine
"Minsan lang naman yun. Umupo na tayo padating na si sir" sabi naman ni Leona
Habang nagkaklase hindi ko maiwasan tumingin sa bintana. Ang sarap pala magsenti pag malapit ka sa bintana haha. Ano kayang ginagawa ni King-- ay teka! Bakit ko naisip ang lalaking yun pero hindi ko nga pala alam kung san ang building nya. Matanong nga mamaya kapag nagkita kami ulit--! Nagulat ako at napahawak sa dibdib dahil may babaeng nakatingin sakin mula sa likod ng puno tinitigan ko ng mabuti yung babae ngumiti naman sya. Jusko akala ko multo na. Teka sya yung babae kanina sa hallway familiar sya eh.
"Ok class see you tomorrow" paalam ni sir Martin. Hala tapos na agad ang bilis naman hindi ko man lang naramdaman.
Nagtayuan na ang classmate namin para magbreak at yung iba naman tatambay katulad namin haha.
"Tara na may dalawang oras tayo para tumambay" sabi ni Leona
"Ha? Wala kayong klase ng dalawang oras?" tanong ni Maxine
"Oo, mamaya pa ang balik natin para sa isang subject tapos break ulit para sa lunch" sabi ko naman. Hindi ko alam kung sino gumawa ng schedule namin dapat pinagsabay nalang yung vacant at lunch time. Napalingon ako sa pinto sakto naman dumaan si King.
"Girls, una na kayo sunod ako may dadaanan lang ako" paalam ko sakanila
"Sige, dun lang kami sa bench sa garden" sabi ni Leona
Paglabas ko ng room nawala agad si King ang bilis naman nya maglakad. Naglakad ako ng mabilis baka maabutan ko. Konti pa lang ang nasa students sa labas kasi may kanya kanya pa silang klase kami pa lang ang may vacant time kaya masarap tumambay walang maingay. Pababa na ko ng hagdan biglang..
"Wag kang lalapit" sabi ko habang paatras na umaakyat sa hagdan
May lalaki kasing nakabihis gwardiya may mga tama ng baril sa dibdib nya at mukha puro dugo. Dahan dahan syang lumalapit sakin. Gosh! Anong gagawin ko pagsumigaw ako mapagkakamalan akong baliw
"Please wag kang lalapit" pakiusap ko sakanya naiiyak na ko sa takot. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko bahala na kung ano mangyayari. Lord kayo na po bahala sakin pleasee--
"Staaarr"
Nagulat ako ng biglang may kumapit sa balikat ko. Dinilat ko ang mata ko wala na yung gwardiya sa harap ko dahan dahan akong lumingon sa likod ko at si..
"Kingg!" sabi ko sa sobrang takot ko napayakap ako sakanya.
"Buti nalang dumating ka hindi ko alam ang gagawin ko" sabi ko habang maluha luha at nakayakap larin sakanya"Sshh.. tahan na simula ngayon lagi na akong nasa tabi mo" nakayakap na din sya sakin habang hinahagod ang likod ko para makalmahin ako
~because I'm waiting
for you waiting for this
wish to come trueJust to be with you
and if I die
remember this lineI'm always here
guarding your life..~"Ano ba nangyare sayo? Nagtatago lang ako sa likod ng pinto. Tapos naririnig ko sabi mo wag lalapit kaya hindi muna ako lumapit. Narinig ko naiyak kana kaya lumapit na ko kasi baka kailangan mo yung gwapo na tulad ko" sabi nya habang nakayakap parin sakin. Napatigil naman ako sa pag iyak dagil sa huling salita na sinabi nya.

BINABASA MO ANG
Ghost Friend
HorrorIsang babae na may ibang kakayahan na makakita ng mga hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Hindi niya aakalain na ang pambihira nyang kakayahan ang magtuturo sakanya kung paano umibig...