Chapter3

233 7 0
                                    

Bakit parang may nagsusuklay ng buhok ko? Shit! Baka ito yung babaeng multo! Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Isang angel ang nakikita ko nakangiti sakin. Ang puputi ng ngipin nya ang gwapo pa!

"Buti nalang gising kana" nakangiti nyang sabi sakin. Nakahiga ako sa hita nya. Teka? Bakit ako nakahiga sakanya? Tumayo ako nakaramdam naman ako ng sakit ng ulo.

"Araaay ko..." hawak ko ang ulo ko at likuran ko dahil ang sakit nya talaga!

"Dahan dahan ka lang sa paggalaw... Alam mo sa twing nakikita kita lagi ka nalang nasasaktan" may pag alalang sabi nya.

"Pansin ko din. Teka nga! Ano ba nangyari sakin? At masakit ang katawan ko?"

"Ewan ko sayo? Nakita kasi kita naglalakad ka paatras tapos di mo yata napansin na mahuhulog kana dito sa hagdan kaya yun.. Gumulong gulong kana.. Sasaluhin sana kita pero nahuli na ako nahulog kana"

Ang tanga mo Star! Hindi mo manlang napansin ang hagdan tss! Pero buti nalang nandito si King ba 'to? At naligtas parin ako kahit na nahuli sya ng dating.

"Ganun ba.. Salamat pala kung hindi ka dumating baka napano na ako" kumamot ako sa ulo ko

"Bakit kaba paatras kung maglakad tignan mo tuloy nasaktan ka"

"Ah.. Hehe wala nagtry lang ako magmoon walk.. By the way I'm Star.. Thank you pala ulit" nilahad ko ang kamay ko tinanggap naman nya. Bigla naman nagring ang bell. Time nang pagpasok.

"Dito na pala ako, King? Right?" paalam ko sakanya

"Sige.. Mag iingat kana.. Wag kana magmoon walk haha"

Naglakad na ko at nagwave ng hand sakanya. Ang gwapo nya talaga kapag nakangiti. Habang naglalakad papunta sa room hindi ko maiwasan ang mapangiti.




"Parang ang ganda ng gising natin ngayon ah? Ano meron?" nakangiting tanong ni Leona

"Hehe wala naman.." sabi ko at umupo na sa upuan ko. Paano hindi gaganda gising ko kung ang hari ang nakita ko sa paggising hihi inlove na yata ako! Mukhang ang landi ko na din

"Suus.. Wala daw eh halos abot tenga ngiti mo jan haha" pang aasar nya

"Wala nga.. Ang kulit mo.." sabi ko habang pinipigilan ang pagngiti. Maya maya ay pumasok na ang prof namin at nagdiscuss na ..


Hay.. Ang cute talaga ni King hihi kailan ko kaya siya ulit makikita? Ay! Nakalimutan ko kung anong building siya aiisshh.. Tanungin ko nalang siya kaso nakakahiya bakit ako pa ang magtatanong?

"Kaya class mag iingat kayo. Lalo na't hindi niyo kilala ang mga tao sa paligid niyo." Sabi ng prof namin. Ano bang pinagsasabi niya chika na naman.

"Hoy girl bat pangiti ngiti ka jan?" sinundot ni Leona ang aking tagiliran.

"Wala lang.. May naalala lang ako haha" palusot ko. Pero iniisip ko talaga si King

"Suuuss.. Ikaw ha! Naglilihim kana sakin!" malungkot na sabi ni Leona. Asus nagpacute pa ang isang 'to sasabihin ko ba about kay King? Ahmm.. Anong pangsilbi ng pagkakaibigan namin kung naglilihim ako sakanya diba?

"Kasi may naki--"

"Kagaya nalang-- Miss Santiago! Are you listening? If no! Could you please get out to my class?" sigaw ng matandang prof namin.. Hay! Nakikinig naman ako e napaka highblood naman ng matandang 'to kaasar!

Wala na akong nagawa kundi lumabas nalang kesa naman pagtripan nya pa ako. Naglalakad ako dito sa hallway para pumunta sa canteen. Pababa na ako ng hagdan ng may nakita akong girl na nakaupo sa hagdan at nakayuko lang. Ano problema ng isang 'to? Baka nagcutting aiish! Sayang yung tuition fee.

"Hello! Ano ginagawa mo dito? Ako pala si Star" sabi ko sakanya. Wala lang gusto ko lang makipagkaibigan hahaha. Inangat naman nya ang ulo nya at tumingin sakin na walang kaemosyon emosyon. La? Baliw yata 'tong kinakausap ko.

"Ako pala si Eunice" ngumiti sya ng simple at walang kaemosyon emosyon ang mata nya.

"Bakit nag iisa ka dito? Wala kabang friends? Ahm.. Tara punta tayo sa canteen libre kita" nakangiti kong sabi sakanya at tumayo nilahad ko ang kamay ko tinaggap naman nya.

Habang naglalakad nagkukwentuhan kami. Hindi na sya malungkot masaya pala sya kausap. Nagtatawanan na din kami habang naglalakad pansin kong pinagtitinginan kaming dalawa. May iba pa na paglagpas samin tsaka magbubulungan. Problema ng mga studyante dito?

"Eunice? Bakit kaya nila tayo pinagtitinginan no?" tanong ko sakanya

"Baka nagagandahan lang satin haha"

"Hahaha siguro nga" ang hangin naming dalawa no? Hindi ko sinasadya na mapalingon sa bintana at dun ko nakita ang totoong Eunice. Hindi ko alam kung matatakot ako o maaawa pero ramdam kong mas nangingibabaw ang takot ko. Napatigil ako sa paglalakad ganun din siya.

"Bakit ka huminto Star?" nakangiti niyang tanong sakin.

"A-ah a-ano k-kasi kumati yung paa ko kakamutin ko lang" palusot ko at kumamot kunwari sa paa. Pag angat ko ng ulo.

"Oh sh*t!" bigla akong napamura. Kasi naman sino ba ang hindi magugulat kung makakakita ka ng multo! kung ano ang nakita ko sa reflection niya sa bintana yun na yung nakikita ko sakanya ngayon ghaad! Nakauniporme din siya tulad ko maputik nga lang magulo din ang kanyang buhok at duguan.

"Tara na?" Pagyaya niya sakin. Saan kami pupunta hala baka dalhin niya ako sa mga friends niya na mumu din.

"Saan tayo pupunta?" taka kong tanong.

"Basta sumunod ka sakin" nakangiti niyang sabi pero kita sa mata nya ang lungkot. Susunod ba ako oh hindi? Baka kung ano gawin sakin ng multo na 'to gusto ko pang mabuhay!

Sinundan ko siya nang may pagtataka hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng multong 'to pero sana wag nya kong saktan. At buti nalang pinalabas ako sa room pwede akong makapaggala katulad nalang nito haha.

Tumigil siya sa paglalakad nilibot ko ang mga mata ko kung nasan lugar kami. Nandito kami sa likod ng school may maliit na building at halatang abandonado na. Biglang lumakas ang hangin at napayakap sa sarili ko.

"Ang creepy naman dito" sabi ko habang tinitignan ang paligid.
"Ano bang ginagawa natin dito Eunice?" dugtong ko. Nakatayo lang sya kung saan siya tumigil wala na din emosyon sa mukha niya mas lalo syang nakakatakot. Wag ka matakot Star kaya mo yan sumasama ka tapos matatakot ka!

"Dito... Dito ako pinatay..."

Ghost Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon